Chapter eight

40.1K 1K 5
                                    

Dahil wala akong masyadong ginagawa ngayong araw ay pinagpasyahan kong maglibot sa buong hotel building kung saan ang base ng main office.

Nasa lobby ako ng mga sandaling iyon ng may tumawag sa akin.

"Ran! Is that you?"

I smiled at him ng makilala ko ito,lumapit ito sa akin at nakipagbeso.

"Raymond! How are you?"

Ngumiti ito sa akin ng mapang akit na ikinairap ko,playful as ever.

"I'm good now that I laid my eyes on you" ang landi pa rin hanggang ngayon.

"Tigilan mo ako,kundi ipapa ban kita dito" pabiro kong sabi dito na ikinatawa lang nito.

"Hey! Don't be mean,nagsasabi lang naman ako ng totoo"

"Hay nako,ewan ko sayo! Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" 

"I missed you,so,here I am"

"Isa!"

"Okay okay,hindi na mabiro" tumaas pa ang dalawa nitong kamay "I have business conference to attend,that happen to be held here in your hotel,so here I am in front of you"

So kasali pala siya sa conference na gaganapin buong weekend.

"Bukas pa iyon,come join me,hindi naman ako busy today and I know mang babae ka lang naman,kaya sumama ka na sa akin,kwentohan mo ako ng mga pangyayari simula ng mawala kami sa probinsiya"

Raymond is a friend,nagkagusto at nanliligaw pero kaibigan lang ang turing ko sa kanya. I met him when I started working at the resort in Batangas.

"Namiss mo ko no? Pasimple ka pa Ran ha,pwede mo namang sabihin na gusto mo rin ako,pagbibigyan naman kita,awww..."

Nasapok ko tuloy siya sa sobrang pang aasar.

"Ikaw ha ang sadista mo pa rin,porke't alam mong mahal kita ginaganyan mo palagi ako"

"Ang kulit mo,halika na nga! Pinapanood na tayo ng mga empleyado namin at mga cotumers eh,sabihin pa may retard kaming pinapapasok dito,masisira ang image ng hotel namin dahil sayo"

Hinila ko na ito sa elevator,paakyat sa main office namin. Kaibigan ito ni Gilbert kaya walang problema kung papasukin ko man ito sa opisina namin.

"Ang hard mo naman baby,alam mo naman na it's painful inside my heart everytime you rejected me,it's ouch you know"

Umakto pa itong nasasaktan at sumandal pa sa wall ng elevator na parang aping api. Dumali na naman ang pagiging sira ulo nito dinala pa talaga hanggang dito sa manila.

Sasapakin ko na naman sana ito ng magbukas ang elevator at nagtatakbo palayo sa akin.

"Sadista ka,ayoko na sayo,hindi na kita love baby Ran! Huhuhu...where is Criselda my love? Isusumbong kita"

"Baliw ka! Itaboy ka sana"

Parang bata itong nag iiyak iyakan habang papasok sa pinto na itinuro ko dito.

Nang makapasok na kami ay tinakbo nito ng yakap ang abalang si Criselda na nagulat ng may bigla nalang may yumakap dito,kaya on instinct I guess siniko nito iyon at iniumpog sa mesa ang ulo.

"Aww! Tama na my love,masakit na"

Huminto si Criselda at nilingon ang kawawang si Raymond.

"Eeh sorry Mond,ikaw kasi eh,ginulat mo ako,ayan tuloy nasaktan ka" sapo ang mukhang nasaktan at ang tiyan ay tumayo ito sa tulong ni Criselda.

"My love,bakit ang sadista nyo?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Raymond sa kasintahan.

Hindi ko man lubos na maisip na magkarelasyon sila dahil sa ugali nilang hindi magkatugma ay wala naman akong tutol dahil mahal nila ang isa't isa.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon