Special chapter (Renna)

32.5K 665 28
                                    

"Where is she Miranda?"

Nilingon ko ang asawa kong mukhang papatay na sa tingin pa lang.

"In her room dad" sagot ng anak kong si Ruzzo.

Hindi ako makapag salita,hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang nangyari sa anak ko.

She's only sixteen and this thing happened to her. Marami pa siyang pangarap sa buhay,tapos ganito pa ang mangyayari sa kanya.

Patakbo itong umakyat papunta sa kwarto ng anak naming babae. Ni hindi manlang ako nilapitan upang gawaran ng halik ng magaling kong asawa.

Tumayo ako,inaalalayan ako ng kambal na sina Reeve at Ruzzo. Nanglalambot pa rin ako sa narinig ko kanina. Bilang ina ay masakit sa akin ang kinahinatnan ng anak ko.

Naabutan namin si Jefferson na kulang nalang ay gibain ang pintuan.

"Open the damn door Renna Lee!" Malayo palang ay naririnig ko na ang sigaw nito,napailing ako.

"Did you have the spare key Reeve?" Tumango ito.

"Yes mom"

"Give it to me"

Nilapitan ko ang asawa kong mukha ng halimaw sa galit.

"Honey,calm down,tinatakot mo lalo ang anak mo"

Bakas sa mukha nito ang tinitimping galit ng tumingin sa akin.

"How can I calm down Miranda? She was raped,tell me how? For fuck sake!" Muli na naman nitong kinatok ang kwarto ni Renna. Hindi pa rin iyon nagbubukas at walang ingay na nagmumula sa loob.

"Move!" Sigaw ko dito,baka hindi marinig.

Inilabas ko ang susi ng kwarto at isinalpak iyon sa susian. Nang magbukas iyon ay parang susugod sa giyera ang asawa ko ng pabalya nitong binuksan ang pinto. Sumunod ako,sa likod ko ay ang mga anak ko.

Nag eempake ng gamit niya ang anak ko ng mabungaran ko. Saan siya papunta?

"What do you think you are doing?"

"I'm leaving dad"

Nanlaki ang mga mata ng ama sa sinabi ng anak.

"And where are you going young lady? We should be hunting down that bastard who did that to you"

"No dad!" Pigil kaagad ni Renna. Nangunot ang noo ng ama nito.

"Why? Tell me Renna,what's going on?" Dumadagundong sa buong kwarto ang sigaw ni Jefferson.

Nilapitan ko ang anak ko,alam kong hindi ito magagawang saktan ng pisikal ng ama nila. Gusto ko lang bigyan ng suporta ang anak ko ng oras na iyon. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan nito sa takot sa ama. Yumakap ito paharap sa akin ng mahigpit.

"Jefferson,pwede bang huminahon ka? Tinatakot mo ang anak mo,nangyari na ang nangyari,hindi na iyon mababago pa kahit magalit ka o magwala ka dyan"

Inaya kong maupo ito sa kama niya. Parang bata na itong umiiyak ngayon may kasama pang sipon.

"What happened?" Bungad ng mga panganay namin.

Halatang kagagaling sa trabaho ang mga ito at nagmadali lang umuwi.

Lumapit si Royce sa amin ng kapatid niya. Si Roy naman ay nilapitan ang ama at pinapakalma.

"Nay,ano ba ang nanyari?" Tanong ni Royce,hinahaplos haplos nito ang buhok ng kapatid.

"She got raped ate" si Reeve na ang sumagot.

"Reeve!" Tawag dito ni Ruzzo.

"What? I'm just answering her question"

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon