Special chapter (Ruzzo)

16.4K 482 15
                                    

Masaya ako na pinagmamasdan ang aming mga anak at ang makukulit na mga apo. Dati lang ay anim na makukulit na mga anak ang aking pinagmamasdan na nagkakagulo sa hardin ng malaking bahay. Ngayon ay nadagdagan na ang mga ito at ipinagpapasalamat ko sa diyos ang kaligayahang ito.

"Hey honey" napangiti ako ng may humapit sa aking bewang. Humilig ako sa dibdib nito na matitipuno pa rin kahit na singkwenta na ito.

"Reminiscing again,hmm?" Tumango ako dito.

"Tumatanda na talaga tayo,Jefferson,may mga apo na tayo at siguradong madagdagan na naman sila" ang tingin niya ay napatuon sa panganay nilang anak na si Royce. Mababanaag ang saya sa mukha nito sa piling ng lalaking mahal nito. Kumpleto na sana ang mga anak nila kung kasama lang nila si Roy. Kung ano man ang pinagkakaabalahan nito sa ibang bansa at hindi niya alam. Ang mga kapatid nito ay wala ding alam,dahil basta nalang itong umalis ng makauwi ang kakambal nito.

"Masaya akong madagdagan na naman ang ating pamilya,honey,pangarap ko ang malaking pamilya at isa pa,huwag mo ng ipaalala na tumatanda na tayo,hindi pa naman halata,maganda ka pa rin tulad ng dati at sigurado naman akong gwapo pa rin ako.

Nakurot ko ito sa braso nitong nakapulupot sa bewang ko. Hanggang ngayon ay mayabang pa rin ito.

"Honey nagsasabi lang ako ng totoo ha" kontra nito kaagad.

"Hay nako,nagyabang ka na naman!" Usal ko habang lumalayo sa yakap nito.

"San ka pupunta? Palagi mo nalang akong iniiwan,Miranda" napapailing siya sa mga pinagsasabi ng asawa.

"You are being childish,Jefferson,act your age,for Christ's sake!" Naglalakad ako papasok sa kabahayan,nasa gitna ako ng malawak na bulwagan ng mahablot nito ang braso ko.

"Not so fast honey" ipinulupot nito ang braso sa bewang ko.

Lalakad na sana kami patungo sa kusina ng may marinig kaming nagdoorbell. Nagkatinginan kaming mag asawa,may nabuhay na pag asa sa aming mga mukha. Pero kaagad din iyong napalis ng bumungad ang isa sa mga matatagal ng bodyguard ng pamilya namin.

"Yes,Isaac?" Tanong kaagad ng asawa ko dito.

"E kasi ho sir,ano e.." may bakas ng pag aalinlangan itong magsabi ng kung ano man iyong bumabagabag dito.

"Talk straight to the point,Isaac!" Demand ni Jefferson.

Natakot yata ang kausap kaya napatungo ito.

"May sanggol pong iniwan sa labas ng gate"

Napamaang ako sa narinig,sanggol?

"At bakit mo sinasabi sa amin iyan? You should check the cctv cameras around the place"

Nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

"E kasi ho sir,itinawag lang ng guard mula sa main entrance,nacheck na po namin ang mga cctv camera malinis po ang pagkakaiwan sa sanggol,walang mapagkakakilanlan bukod po sa sulat na iniwan katabi ng sanggol at tag na nasa basket"

"O e may mga clue pala kayo,bakit hindi nyo asikasuhin?" Seryosong pahayag ni Jefferson.

Napakamot naman sa batok si Isaac,parang nag aalangan na naman ito sa sasabihin.

"Sir,dito po sa inyo ang tinutukoy ng sulat na nakapaloob sa basket ng sanggol"

Kumalabog na ng tuluyan ang aking dibdib.

"Oh my God! Jefferson?!" Nibulalas ko ng pumasok ang isa pang bodyguard na may hawak na basket.

Sa basket natuon ang aking paningin,parang may bumikig sa aking damdamin ng masilayan ang nasa loob ng basket ng ilapit sa amin iyon.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon