Chapter twelve

36.3K 953 7
                                    

Paano ko ba sisimulan ito? Alam nilang may ipapakilala ako pero hindi nila alam na ama nila ang makikilala nila ngayon. Kinuha ko ang handbag ko para kunin ang cellphone ko. Patapos na rin naman ang mga bata sa pagkain,siguro naman okay na silang kausapin tungkol sa ama nila. Tutal naman ay gusto rin naman nila itong makilala lalo na si Roy,hindi ko lang sigurado kay Royce.

To Jefferson:

Come over,I'll introduce you to your kids

Tulad kanina ay maagap itong nagreplay.

From Jefferson:

On my way

Napukaw ang pag iisip ko ng maramdaman ko ang mga mata ni Royce na nakatitig sa akin.

"Yes baby?"

Umiling lang ito. Inutusan ko ang mga ito na maghugas ng kamay ng matapos kumain. Sakto naman na may kumatok sa pintuan bago iyon bumukas at iniluwa ang taong iniintay ko. Simple lang ang suot nitong white shirt at white Ralph Lauren shorts. Nakalagay ang wayfarer nito sa neckline ng shirt nito at simpleng Nike na tsinelas lang ang suot nito.

Hindi tulad noong huli ko itong makita ilang araw na ang nakakalipas. Haggard ito noon,ngayon ay mukha itong maputla kahit mukha naman itong masaya.

"Hi" bati nito ng makalapit.

"Hello" ganting bati ko.

Naupo ito sa bakanteng upuan malapit sa akin. Sakto naman ang pagbalik ng mga bata galing sa kitchen toilet kung saan naghugas ang mga ito ng kamay.
Mapanuri ang mga tingin ng mga ito sa ama nila na bumaling ng tingin sa kanila.

Si Roy ang unang bumasag sa katahimikan na bumalot sa amin. Lumapit pa ito sa akin at yumakap habang nakatingin pa rin sa ama. Si Royce naman ay masama ang tingin sa ama na naupo sa kinuupuan nito kanina.
"Nay,di ba po siya iyong mama na nakaaksidente sa akin sa super market?" Tumango ako "Bakit po siya naandito?"

Hindi ko matingnan si Jefferson ng mapansin ko ang pangungulila sa mga mata nito para sa mga anak. Niyakap ko lang si Roy ng mahigpit at tiningnan si Royce na masama pa rin ang tingin sa ama,sinuway ko ito.

"Royce! Stop glaring at him,come over here"

Nangunot ang noo nito na katulad na katulad ng sa ama nito sa tuwing napipilitan. Lumapit ito sa tabi ko,ipinatong ko ang kaliwang braso ko sa balikat nito.

"That's Jefferson....ang...daddy ninyo,,,,,Jeff ito si Lee Roy at si Lee Royce ang mga anak mo"

Sabay sa pagkagulat ko ang magkasalungat na reaksyon ng dalawang bata.

"Daddy! Yes,nakilala din kita!" Lumapit ito sa ama at niyapos ng sobrang higpit.

"No! Hindi ko siya tatay!" Sigaw ni Royce at nagtago sa likod ko na umiiyak for the second time nakita kong umiyak ang baby girl ko.

"Sorry" I mouthed him,ngumiti lang ito ng tipid. Sinulyapan nito si Royce sa likod ko na pasinghot singhot at ngumiti ng may pait bago ibinaling ang atensyon kay Roy na para ng unggoy sa paglambitin sa leeg ng ama.

"Roy,pwede bang umayos ka? Baka masakal mo na ang daddy mo"

Pero hindi ako nito pinansin bagkus ay sumampa pa ito sa hita ng ama at nagpakulong sa bisig nito.

"It's okay honey,I can manage" masayang sabi ni Jefferson.

"Nanay,thank you,yehey! May daddy na ako" parang nagtransform si Roy sa pagiging pababy nito sa pagiging hyper ng dahil sa ama nito.

Pero ang baby girl ko umiiyak. Hinarap ko ito sa akin,kahit nahihirapan akong gawin iyon dahil nakayakap ito mula sa likod ko ay nagawa ko rin naman. Sumubsob ito sa aking dibdib kaya ramdam ko ang mga luha nito. Hinaplos ko ang mahaba nitong buhok sa likod para pakalmahin ito.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon