Chapter twenty four

29.4K 775 8
                                    

"Aalis na ako,ikaw na ang bahala sa mga bata,iyong mga bilin ko sayo Jefferson ha,tatlong araw lang akong mawawala,ingatan mo ang mga anak ko"

"Anak natin!"

"Oo na,hindi ko ang mga iyan pinapadapuan sa lamok,kaya pag may nangyaring masama sa kanila hindi mo na sila makikita"

"Never gonna happen"

"Siguraduhin mo,because this time I have every means to take them anywhere far from you,sige aalis na ako"

Dinampot ko na ang handbag ko para makalabas na ng sasakyan nito. Siya lang ang naghatid sa akin,nasa school na ang mga bata. Si Gilbert ay nauna na sa loob kasama si Elda.

"Honey!" pigil nito sa akin.

"Ano na naman? Mahuhuli na ako sa flight namin Jefferson"

"Kiss ko?" Parang bata itong ngumuso "we still have time"

Lumapit ako dito para halikan ito,hindi pa man nakakalapit ang labi ko ay mabilis nitong hinawakan ang batok ko at iginaya ng madiin sa kanya upang halikan ng mas malalim. Nagpaungol ako sa ginagawa nitong pag halik. Nasasanay na ako sa ganitong kilos niya at kinasasabikan ko na din. Maalab kong tinugon din ang mga halik nito. Naghiwalay lang kami para makahagilap ng hangin.

"Honey,huwag ka na kayang umalis,leave it to them and let's go somewhere else" tinampal ko ang braso nito.

"Dumali na naman iyang kahiligan mo Jefferson" bumusangot ito at umiwas ng tingin sa akin. Bumalik na rin ako sa pagkakaayos ng upo ko.

Binuksan ang salamin sa harapan ko para tingnan ang itsura ko. Hindi na ako nagtaka ng makita kong nagkalat ang lipstick ko. Kinuha ko ang facial wipes sa bag para ipunas sa paligid ng labi ko ng kunin iyon ni Jefferson sa aking kamay.

"Ako na" ganon pa rin ang itsura nito.

"Don't let anyone kiss this lips,this is just mine,exclusively" I nodded while looking into his handsome face.

"I can kill them and you are not allowed to go anywhere if you're alone,take Gilbert even if his busy,tell him I don't care,siya ang bubugbugin ko kapag may nangyari sayo don"

Tinitigan ko ito sa mga mata nito,kitang kita ko ang emosyon nito. Ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin. Kaya hindi siguro ako natagalan na tanggapin itong muli sa buhay ko,sa buhay namin ng mga anak niya. Kahit madalas nagiging over controlling na ito. Hindi ko kailanman naisip na salungatin ito dahil naiintindihan kong para sa aming pamilya lang niya ang iniisip niya.

"Baliw ka na talaga,wala akong balak lumabas,tatawagan ko nalang kayo kapag free time na ako,at huwag na huwag kang susunod sa Singapore Jefferson,kilala kita,subukan mo lang talaga at lalayasan kita"

Labag na labag dito ang pag alis ko,kinausap pa nito si Gilbert para lang pilitin na huwag na ako isama. Pero dahil si Gilbert iyon ay hindi nito iyon napapayag. Sa tuwing magkikita silang dalawa ay sinusungitan at iniirapan nito iyon. Si Gilbert naman ay tuwang tuwa pa kapag nakikitang naiinis na ito.

"Hindi na nga" napipilitang sabi nito.

"At walang babae,Jefferson" nanlaki ang mga mata nito.

"Really Miranda? Are you serious? Ako mangbabae?" Tumango ako.

"That's unfair honey!" Itinuon nito ang tingin sa unahan ng sasakyan.

"You can't blamed me,I've known you as a playboy,hindi nga ako nakakasigurado kung ilang babae ang nakasama mo noong mga panahon na hindi ka pa nagpapakita and I'm worried one day kapag maayos na ang lahat bigla nalang may kakatok sa pintuan ng bahay mo at sasabihing may naanakan ka at kailangan mo iyong panagutan"

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon