Chapter sixteen

36.4K 931 16
                                    

Katulad pa rin ng dati,parang walang pag uusap na naganap sa pagitan naming dalawa,kagabi.

Dahil noon,kapag hindi ko sinusunod ang kagustuhan niya o kapag nag aaway kami ay binubunton nito sa ibang bagay. Kapag humupa na ang emosyon nito ay magpapakita ito sa akin na parang walang nangyari.

Iniwan niya ako sa pagkakaupo namin sa sofa kagabi. Umalis siya na masama ang loob dahil hindi ko napag bigyan ang kagustuhan niya.

Kaninang umaga ay maaliwalas ang mukha nito ng yayain akong mag almusal kasama ang mga bata. Dapat ay panatag ang kalooban ko pero iba ang nararamdaman ko sa mga kinikilos nito. Kung tutuusin ay normal lang naman ang mga kilos nito pero hindi ko maiwasan ang hindi mag isip ng kung ano pa man.

Last day na namin ito at mamayang hapon ay pauwi na kami. Hindi na ako nag abala pang mag empake dahil nakiusap si Jefferson na iwan na ang iba naming kagamitan. Para daw sa susunod naming pagbisita o kahit ang mga bata lang,kung kailan nila magustuhan.

"Nanay! Tara na daw sabi ni daddy,tita Elda and ninong Mond are waiting"

"I'm coming!"

Dali dali akong nag ayos ng sarili ko sa harap ng salamin,cellphone at sunglass lang ang dinampot ko bago lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang mag aama na naghihintay sa akin sa living room. Nakasimangot si Royce na sinalubong ako ng tingin,habang abala naman sa kakapindot ng kanyang cellphone si Jefferson,si Roy naman ay naka kandong sa ama.

"Tayo na!" Agaw pansin ko sa kanila.

Tamad na tumayo si Royce para lumapit sa akin at hinawakan ang kamay kong bakante. Lumipat ang tingin ni Jefferson sa akin mula sa cellphone nito bago tumayo at iginaya kami palabas ng penthouse.

Para na naman kaming isang masayang pamilya na lumakad papunta sa restaurant para mag almusal. Masaya ang kambal habang naglalakad kami,nagkukulitan ang mga ito. At ang ama nila ay busy pa rin sa cellphone nito. Nagtataka na ako kung bakit hindi manlang ito natitisod sa paglalakad gayong halos sa cellphone na nito nakabaling ang buong atensyon at akay akay pa nito si Roy.

Natigil lang ito ng papasok na kami sa restaurant,dumiretso kami sa labas kung saan tanaw ang magandang dalampasigan. Naroroon na ang magkasintahan na masayang nagkukwentohan.

Masayang nagsibatian kami sa mga ito ng makalapit na kami sa pwesto nila. Nang makaupo na kami at nagsikuha na ng mga orders namin ay masaya kaming nagkukwentohan. Jefferson get along with Raymond now better than last time though. At ease na ang dalawang lalaki sa isa't isa.

"I think you two have to try snorkeling,then maybe later I'll ask one of the staff to tour you around,I took my family yesterday...."

Napatigil ako sa pagkain ng marinig ang sinabi nito,ako lang ba ang nakarinig sa sinabi nito? dahil parang wala lang sa mga kaharap namin ang sinabi nito.

"....the kids enjoyed it and I think Miranda also,it change a lot though,the last she'd been here"

Tumango tango ang mga kausap nito tanda ng pagsang ayon sa sinasabi nito.

"We will pare,thank you! Sasamantalahin ko na naandito kami" masayang pahayag ni Raymond.

"Anytime,welcome kayo dito"

"Oo nga ninong,kami din pwede anytime sabi ni daddy" magiliw na singit ni Roy sa usapan.

Natatawa na ginulo ni Raymond ang buhok ni Roy.

"Sige,I'll remember that"

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain at kwentohan ng may lumapit na dalawang tauhan ng resort. Magalang na bumati ang mga ito at nag excuse para kay Jefferson. Lumayo ang mga ito sa amin,pansin ko ang pagkunot ng noo ni Jefferson kahit malayo ito sa amin. Hindi ko na napansin pa ang reaction nito ng maagaw ng magkasintahan ng atensyon ko.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon