Chapter four

44.7K 1K 12
                                    

Sana hindi ko nalang pinansin,sana lumayo nalang ako at sana namamalik mata nalang ako.

"Miranda!"

Nanlamig ang buong pagkatao ko ng marinig ko ang muling pagtawag nito sa aking pangalan.
Bakit ngayon pa? Wala na siya di ba? Matagal na siyang wala,kamukha lang niya ang lalaking kaharap ngayon.

Umiiling na tumulo ang luha sa aking mga mata. Unti unting bumabalik ang mga alaala ng nakaraan. Hindi! Hindi mawari ito. Pilit kong isinisiksik sa isip ko na naghahalusinasyon lang ako na hindi ko siya nakikita.

Pinahid ko ang luha ko at pilit na ngumiti sa lalaking kaharap.

"I can take it from here"

Sabi ko dito,sakto naman na tumawag si Royce na nasa counter.

Dali dali kong inakay si Roy patungo sa kapatid nito,mabuti nalang nakisama ito at hindi nagreklamo. Hindi ko na pinansin ang mapanuring tingin ng anak ko ng makarating kami sa kanya para mabayaran na ang mga pinamili namin at ng makaalis na kami dito.

Ramdam kong may matang nakamasid sa amin ng mga anak ko. Ayokong isipin na alam na niya na mga anak niya ang mga anak ko.

Nang makabayad na ay dumiretso agad kami sa parking area. Pinapasok ko agad ang mga bata bago ko isinunod na ilagay ang mga pinamili namin sa likod ng sasakyan.

It's not my lucky day today,dahil ng maisara ko ang likod ng sasakyan ay narinig ko na naman ang pagtawag nito sa aking pangalan.

"Miranda!"

Tulad kanina ay inignora ko ito,inilagay ko sa tabi ang cart para hindi makaabala sa iba. Pabalik na ako sa sasakyan ko ng may humawak sa aking braso. Napapiksi ako ng may parang kuryente akong naramdaman sa paglalapat ng aming mga balat.

"Miranda,you can't pretend that you didn't hear or see me,because I know you do"

Huminga ako ng malalim,nagdasal na sana ay hindi makita ng mga bata ang tagpong ito.

"Dahil patay ka na,pinatay na kita sa isipan ko matagal na panahon na ang nakalilipas"

"Don't be ridiculous Miranda,stop fooling yourself,baka matuluyan ka at iwan ng mga anak natin,I know you don't want that to happen,am i right?"

Nilingon ko ang loob ng sasakyan,hindi nakatingin ang mga bata sa amin. Subalit ilang minuto mula ngayon ay maghahanap na ang mga ito lalo na si Royce.

"They are beautiful,you've done a good job raising them"

Marahas na bumalik ang atensyon ko sa kanya. Kita ko kung paano niya tingnan ang mga bata na nasa loob ng sasakyan. There's longing in his eyes,hindi ko maipagkakaila na siya ang ama ng mga anak ko.

Parang nanlaki ang ulo ko ng marealize na tinawag niyang mga anak,ang mga anak ko. Paano? Paanong nalaman niya na may anak siya sa akin? Hindi ko naman iyon pinaalam dito,kami lang ni Gilbert ang nakakaalam ng pagbubuntis ko noon. Hindi ko na natapos ang pag aaral ko noon dahil nalaman kong nabuntis ako. Iyon yung mga panahon na wala na siya sa bansa.

"Hindi mo sila anak,anak ko lang sila at pwede ba leave us alone,we don't need you"

Napalitan ng galit ang kanina ay pangungulila ng tingnan nito ang mga bata. Kinabahan ako sa uri ng mga tingin niya sa akin,ang mga titig na matagal ko ng kinalimutan. Ang mga titig na umaarok sa kaibuturan ng aking pagkatao. Nararamdaman ko na naman ang galit niya kahit wala pa itong ginagawang nakakasakit sa akin tulad noon.

Humakbang ito palapit sa akin,umatras naman ako palayo sa kanya. Nagtagis ang panga nito sa ginawa kong pagkilos. Nanghihilakbot na ako sa pinaparamdam niyang galit sa akin.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon