Chapter thirty five

29.6K 685 13
                                    

Ngising aso kanina pa itong katabi ko,halos mapunit na nga ang labi sa labis na pagkangisi. Parang manyak na handang sumunggab sa kanyang biktima. Iyon ang itsura niya ngayon,creepy!

"Jeffrerson,umayos ka nga! Mukha ka ng sinto sinto dyan" ngisi lang ang isinagot nito sa akin.

Kanina pa ito ganito,kung hindi ko lang ito asawa at baka nilayuan ko na ito. Ang mga tingin nito ay nakakailang,iba kumpara sa nakasanayan ko na.

"Honey,I'll go upstairs first,sumunod ka nalang,okay?" Sabi nito ng bigla itong tumayo mula sa hapag kainan matapos namin maghapunan.

Nanggigigil na hinalikan ako nito sa labi,nag init ang mukha ko sa ginawa nito. Nasa dining table kami sa harapan ng mga anak namin at ni Manang Dolor. Wala talagang hiya ang lalaking ito,hindi makapaghintay na makapag solo kami.

Nakanganga lang ako sa kinuupuan ko ng magpaalam ito sa mga bata at kay Manang. Natauhan lang ako ng magtanong si Roy at tumikhin si Manang bago ito nagsimulang magligpit.

"Nanay,bakit ang pula ng face mo? Saka why daddy is so so happy? He even bought us present,hindi naman namin birthday" pumangalumbaba ito sa mesa na nakatingin sa akin. Parang ang ama niya kanina ng abutan ako nito sa pantry.

Bago kami dumiretso sa school ng mga anak namin ay dumaan pa ito sa mall para ibili ng mga laruan at kung ano ano pa ang mga bata. Hindi ito nagpapigil kahit pa pinagsabihan ko na ito. Ang katwiran nito ay dahil daw masaya siya sa naclose na partnership sa isang investment company.

"Naka close kasi ng deal ang daddy nyo kaya siya ganoon kasaya,ibibgay niya kahit ano para sa inyo" umiwas ako ng tingin sa gawi nito dahil naramdaman ko na naman ang mga titig ni Royce na katulad ng sa ama nito. Kahit wala naman itong ibang iniisip kung ano.

Nagulat pa ang mga bata ng pagsakay nila ng sasakyan ng ama ay puno ang likod ng sasakyan ng mga shopping bags.

"Ah okay po"

Nagkagulo ang mga ito ng ipaalam ng ama nila na para sa kanila iyon. Tuwang tuwa ang mga ito,hindi ko sila sinanay sa mga luho kaya ganoon nalang ang katuwaan nila. Hanggang ngayon yata ay masaya pa rin sila at na overwhelm na dahil kung ano ano pa ang hinihingi nila.

"So dapat laging may accomplishment si daddy para lagi siyang masaya,can he give me a baby brother now,Nay? Masaya siya eh and I want a baby brother" naumid ako sa hinihingi ni Royce.

Ano yon? Pwedeng bilhin sa tabi tabi? Bakit ba pang out of this world ang gusto ng mga anak ko? Lahat nalang yata minana nila sa ama nila.

Susko po anak ko! Baka maghirap kaagad ang ama nyo kung magkaganoon nga. Dalawa palang kayo ay nakukunsumi na ako sa kung paano kayo maspoil ng ama nyo. Baka mas pa ang gawin noon sa susunod na magiging anak namin kung saka sakali.

"Baby sister nga kasi ate!" Singit ng naiinis na si Roy sa kapatid.

"No! Baby brother!" Oh great! Jefferson! Ang mga anak mo! Kung bakit umakyat ka kaagad?

"Tama na yan" saway ko sa mga ito.

"Nanay,sabi ng classmate ko,ang baby daw ay ginagawa ng mommy at daddy sa room every night,totoo po ba yon?" Gusto ko ng malusaw sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa mga katanungan ng mga anak ko.

Anong isasagot ko? Oo anak,tulad ng ginagawa ng ama nyo,na halos hindi na ako patulugin.

"Nanay! Totoo ba yong sabi ng classmate ko?" Muli na naman itong nagtanong.

Seven years old palang ang anak ko,bakit may alam na sa ganoong sitwasyon ang kaklase nito? Bad influence ba ito para sa anak ko? Hindi pa dapat nila alam ang tungkol sa ganong bagay,baby pa ang Roy ko.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon