Chapter twenty seven

28.7K 776 11
                                    

Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. Andito ako sa kwarto namin ni Jefferson. Umalis ito para dalhin sa hotel ang babaeng nagpakilalang fiancee nito. Alas onse na ay hindi pa ito bumabalik,napupuno ng takot ang dibdib ko.

Paano kung hindi na siya bumalik? Paano na ako? Ang mga anak namin? Paano kung mapasunod siya ng babaeng iyon? Nagsasama kami bilang mag asawa pero hindi kami kasal. Ano ang panghahawakan ko sa ganitong sitwasyon? Wala! Hindi valid na reason na may anak kami. Pwede pa rin siyang maging magulang sa mga anak namin kahit hindi kami magkasama sa iisang bahay. Pero nasanay na kami na palagi siyang kasama at nasa paligid lamang namin.

Napahagulgol na ako sa dami ng isipin at wala akong maisip kung paano iyon malulutas. Ibinaon ko ang mukha ko sa unan at hinayaan ang sarili na ilabas lahat ng nararamdaman kong sama ng loob at takot.

Bigla ay naramdaman kong may mga kamay na umaalo sa aking likod. Hindi ko na kailangan lingunin kung sino iyon. Niyakap ako nito mula sa likod at ibinaon ang mukha nito sa aking leeg. Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa nahirapan na akong huminga. Pinaharap ako nito sa kanya. Mixed emotions are showing in his eyes. Pinahid nito ang mga luha na lumalandas mula sa aking mga mata. Magkahugpong ang aming mga mata sa isa't isa,walang may gustong bumitaw.

"Are you leaving me now?" Umiiling ako.

Paano ko siya iiwan? Kung sa kanya na ako umaasa. Paano ko siya iiwan? Kung siya na ang naging lakas ko sa araw araw. Paano ko siya iiwan? Kung siya na ang dahilan ng saya at mga ngiti ko sa araw araw. At Paano ko pa siya iiwan? Kung lahat ng meron ako ay naibigay ko na sa kanya. Paano ko pa siya iiwan? Kung siya na ang aking naging buhay. Ilang buwan palang kaming nagsasama pero nakuha na niya kaagad ang lahat sa akin. Ang sabi ko dadahan dahanin namin,I tried pero mabilis siyang nakapasok sa buhay ko at sa puso ko.

"Do you want me to?"

"No!"

"Then I won't"

Huminga ito ng malalim,hinalikan ako sa noo at niyakap ng mahigpit.

"Thank you Miranda,for staying beside me,I don't know what to do if you'll leave me,I love you honey,I will do my best for our family and I'm sorry this happens"

"It's okay,ako din,gagawin ko ang lahat para sa pamilyang ito,just keep me feel assured kahit hindi tayo kasal,I'll stay beside you,natatakot lang ako dahil anytime na malaman niyang hindi naman talaga tayo kasal ay lalakas ang loob niyang agawin ka sa amin,I told you,I gave you everything I have now,if you'll leave me,I'll be empty,I'll lost my sanity this time kasi ibinigay ko na ang lahat lahat sayo" muli ay naiyak na naman ako,sumubsob ako sa dibdib nito.

"Shh...honey,don't say that,I'll never leave you,at huwag mong sasabihin na hindi tayo kasal,dahil kasal tayo,asawa mo ako at asawa kita"

Mas naiyak ako sa sinabi nito,dahil kahit baliktarin man ang mundo ay hindi kami kasal. Wala kaming legal rights sa isa't isa. Ni hindi nga niya ako inaaya na magpakasal tapos kung maka angkin na asawa niya ako,wagas.

"Huwag ka ngang ganyan,pareho natin alam na hindi tayo kasal sa mata ng diyos,ng tao o sa batas,we are just living together"

"Do you remember Anna?" Tiningnan ko ito ng may pagtataka.

"Ano ang kinalaman ni Anna sa sitwasyon natin ngayon?" Ngumiti ito ng makahulugan "don't tell me nakipagsex ka din kay Anna?" Piningot ko ang tenga nito.

"Aww honey! Hindi naman iyon eh,I've never slept with her" binitawan ko ito at inirapan "bakit mo nabanggit ang pangalan niya?"

"Makinig kasi muna" angil nito,hinapit ako lalo sa kanya at hinahaplos haplos ang buhok ko,magkaharap kami at kulang nalang ay maghalikan kami sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon