Chapter seventeen

33.6K 892 1
                                    

Halos matumba na ako sa pagkakatayo ko ng sugurin ako ng mahigpit na pagkakayakap ng may edad ng babae.

"Miranda! Ikaw nga iha,kumusta ka na? Ang tagal kong hinintay na makita kang muli"

Nang kumalas ito sa pagkakayakap sa akin ay natunaw ang puso ko ng makita ang mga luha nito na pumapatak sa pisngi nito.

"Manang Dolor!" Niyakap ko ito ng mahigpit.

Namiss ko ito ng sobra,naluha na din ako dahil naging mabuti sa akin ang matandang nag alaga kay Jefferson ng humiwalay ito sa poder ng ama.

Ang naging pangalawang ina ko na rin. Napalapit ako dito ng husto dahil sa tuwing dinadala ako ni Jefferson sa townhouse niya ay naaabutan namin ito doon at palaging sinesermonan ang alaga.

Bukod sa akin ay dito lang din nakikinig si Jefferson. Tumayong parang ina ito sa kanya,minahal na parang tunay na anak at alam kong mahal din ito ng alaga nito.

" kumusta na iha?" Maluha luha nitong tanong sa akin.

"Mabuti po" nakangiti kong sagot dito.

"Akala ko ay pinaglalaruan na naman ako ng lalaking iyan ng sabihin sa akin na kasama ka daw niya ngayon at ang mga anak nyo" umirap ito ng tingnan ang nakangising alaga "nasaan na pala ang mga anak nyo?" Dumungaw ito sa loob ng sasakyan.

Lumingon din ako sa likod ko,nakita ko ang mga bata na nagising na.

Sabay pa kaming lumapit ni Jefferson sa mga bata na nagkukusot ng mga mata nila. Kinuha nito si Royce para kargahin at ako naman ay kinuha ang si Roy para kargahin din.

"Manang,ito po si Roy at si Royce po ang hawak ng daddy niya" pakilala ko sa mga bata.

"Mga anak bumati kayo sa Lola Dolor nyo"

Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Manang Dolor ng pagmasdan ang mga bata.

"Hi po Lola Dolor!" Sabay na bati ng kambal.

Lumapit ito sa amin ni Roy,nanginglid ang luha nito ng haplusin ang mukha ng anak ko na naguguluhan sa mga nangyayari.

"Ke gwapong bata,kahawig ng ama niya noong kabataan nito"

Nilapitan din nito si Jefferson  at ganon din ang ginawa kay Royce. Masaya na naluluha itong bumaling sa akin.

"Napalaki mo sila ng maayos Miranda,humahanga ako sayo"

"Hay Manang,tama na nga yan" buntong hininga nito na may pag aalala para sa may edad ng babae na nag alaga dito "mamaya atakihin ka ng sakit mo sa sobrang kasiyahan,pumasok na tayo,ng makapagpahinga na ang mga anak ko"

Nagpatiunang pumasok ito karga ang anak,bumaba naman sa akin si Roy at tumakbo kasunod ng ama. Magkasabay kami ni Manang Dolor na pumasok sa loob ng bahay. Kusina ang nabungaran ko ng tuluyan ng makapasok. May kabang bumundol sa aking dibdib ng makapasok sa loob. Hindi ko na iyon ininda dahil siguro nasa pamamahay ako ni Jefferson. Inaya ako ni Manang na mag tsaa at hayaan daw ang ama ng mga bata ang mag asikaso sa mga anak nila. Pinagbigyan ko ito dahil namiss ko talaga ito. Naupo ako habang nag iinit ng tubig si Manang.

"Mas gumanda ka ngayon na nagkaanak ka,maganda ka na noon pero mas gumanda ka lalo ngayon iha" ngumiti ako sa papuri nito.

Noon pa man ay lagi na itong mapamuri sa akin sa tuwing nagkikita kami. Isa sa mga dahilan kung bakit ako napalapit dito.

"Hindi pa rin kayo nagbabago Manang Dolor,sa inyo siguro namana ni Jefferson ang pagiging matamis na dila nito"

"Hay naku Miranda,walang mamanahin sa aking kabulastugan ang batang iyon,matigas pa rin ang ulo hanggang ngayon,mabuti at andito ka ng muli,mapapalagay na ako kahit paano" halata ang pag aalala sa tono ng boses nito para kay Jefferson.

My only treasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon