NOPI 1: Exchange Student

20.7K 444 28
                                    


NOPI CHAPTER 1


Chapter 1


Sephine's POV


"Nasaan na 'yong assignment? Hurry na. Malapit nang dumating si Sir Rodrigo" sabay lahad ng kamay sa akin ni Clarisse, one of the usual bullies in my school


"Opo, opo. Nandito na po. Antay lang" sagot ko saka kinuha ang notebook niya


Assignment 'to at pairing ang napag-usapan kaya naman wala akong magawa kundi ang gawin nalang ang assignment kahit na wala man lang siyang na-ambag.


"Dapat lang, give me na. Dapat ako ang magpasa, Who knows whether you'd be tempted to betray me or something" aniya kaya binigay ko na 'yong notebook at kinuha niya naman kaagad


"By the way, 'wag ka ngang mag- po kasi kung tutuusin mas matanda ka pang tignan kaysa sa akin" dagdag niya saka ako nginisian


Nagtawanan naman sila ng mga alipores niya habang naglalakad pero ng makalayo na sila sa akin ay napairap na ako't umiling iling nalang.


Hay! Naman oh, alam niya ba 'yung word na common sense? Halata naman sa sinabi ko na sarcasm 'yun eh.


Nagising ako sa pagde-daydream ng nakaramdaman nanaman ako ng mga papel na tinatapon sa akin, hays, mga walang trip talaga ang mga taong 'to. Nakakasawa na!


Natigilan naman ako kaagad sa naisip ko saka natawa. Half a year na rin na akong pinagtri-tripan ng mga 'to, ngayon pa ba ako magsasawa? Ridiculous.


"She's laughing by herself again, guys"


"I hear loneliness can make someone crazy. Is she mad?"


"What's so surprising about that? It happens everytime"


Mad na kung mad. Whatever.


Umupo ako sa chair ko at ipinatong ang aking bag sa katabi kong upuan.


You know why? Kasi walang may gustong tumabi sa isang nerd.


Pero during examination time, marami ang tatabi kasi mangongopya lang naman sila.


I'm Corazon Josephine C. Falcon. Pero now, everyone knows me by the name Sephine Cruz. I'm 17 years old, 2nd year college student, known as the 'Nerdy Queen' because of my consecutive wins in many different competitions regarding Academics. I'm studying at The School for the Elite pero for short, everyone calls it 'The Elite School'.

The Elite School is the number one most prestigious school in the country, and it's the only private school in the northern province. And when I say it's the only private school in the northern province, it means that all kinds of rich families' children are all studying here. Good or bad students alike. May it be spoiled and bratty second generation rich kids.

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now