NOPI 9: A Cliche First Encounter

10.3K 322 15
                                    

(Photo: Stephanie)


NOPI CHAPTER 9


Chapter 9


Sephine's POV


*Sound effect of crickets


(A/J: Lol. Tama ba?)


"......................"


Parang mababaliw na ako sa katahimikan ni Charles.


Ang tahimik niya, kanina pa ata hanggang sa makalabas kami dun sa Wild Guess Booth nila Ate Jeann.


Pagkatapos ibigay ni Ate Jeann kay Charles ang wild guess niya, agad na tumayo si Charles saka nagpasalamat. Lumabas din siya kaagad kaya naman nagpasalamat nalang din ako kay Ate Jeann at sumunod sakanya palabas.


"Uhmm. Maraming possibilities ang pwedeng makuha mo dun sa sinabi niya, Charles" mukhang nagising naman siya saka tumingin sa akin


Iniwan kami nila Venus, Violet, Ed at Ken. Charles's asked me to accompany him while his friends aren't here yet.


"What do you mean? May ibang meaning 'yung sinabi niya?" tanong niya kaya naman tumango ako


"Yep. If you think of it clearly, posibleng ang sinasabi niya ay tama na dahil hindi mo na siya kailan pa makikita, tama na dahil siya ang makakahanap sayo, tama na dahil mahahanapan mo na rin siya mamaya or give up because you already met her" habang sinasabi ko 'yun ay biglang nag-flashback sa akin 'yung time na una niya akong kinausap


It was cliche. 'Yung tipong nag-start sa "Hi" at "Hello" pero wala kami nakapagpaalam sa isa't isa.


"Hi, I'm a Begley. It's an honor to meet you"


"Hello, I'm a Falcon. The honor's mine, Mr. Begley"


Casual kami non dahil nasa harap namin ang mga magulang namin.


Pagkatapos naman ng meeting ay pinaalis na ako ni Dad dahil may pagu-usapan raw sila at 'yun na ang first and last na pagkikita namin. Pero I didn't really think na magkikita kami dahil lang sa ex-change student thingy na 'to.


"Tama man 'yang conclusion mo, siguro pipiliin ko nalang 'yung 3rd at last choice. Maybe makikita ko na siya mamaya o bukas o di kaya'y nakilala ko na nga siya. I just didn't pay too much attention" saka niya ako tinignan kaya naman napatingin nalang din ako sakanya


You really didn't pay attention.


Nandito nga ako sa harapan mo eh at wala ka man lang kaide-ideya kung ano ang tunay kong pagkatao.


Though mas gugustuhin kong hindi mo ako makilala.


►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Where stories live. Discover now