(Photo: Mandy)
NOPI CHAPTER 11
Chapter 11
Sephine's POV
Last day na ng Royal Festival ngayon at all I can say is that, this is the best week in my whole stay here. Sobrang saya.
Hindi ko naman sinasabing hindi masaya sa school ni Dad tuwing school festival pero hindi ko talaga maipagkakaila na mas masaya ang festival dito.
At ahehe. Kalimutan nalang natin 'yung mga bullies. Part na 'yan sila ng fun and memories.
Nung isang araw, kasama naming nanuod ng napakagandang play sila Charles, Ed, Ken, Rico at Rod. Libre daw kasi sabi ng ibang members ng Theater Club kaya naman pumunta kami. Ahaha. Pero masaya naman at nakakaiyak.
Kahapon naman, inikot na namin lahat ng booths at pumunta kami sa gym dahil may concert daw at kasama parin namin sila Charles.
Pagkagabi naman non ay lumabas kami ng Academy at naglibre si Ed sa 5 star restaurant nila.
Kung nagtataka man kayo kung bakit niya kami inimbita ng biglaan ay dahil nahihiya raw siyang makipagkita kay Stephanie ng siya lang isa kaya naman sinama niya kaming lahat. Ahaha. Torpe nga pero sweet naman. Okay na rin.
And now is the last day. Hindi ko alam pero naging boring na. Haha. Free time ko na pero ang iba ayun, busy ata. Kaya naman wala akong nagawa at naglibot nalang ng mag-isa.
"Well, well, look who's here"
Kahit alam kong ako 'yung kausap niya, nilampasan ko lang siya.
Marami rami ding tao eh at kung posible man, kailangan kong lumayo sa mga taong may balak na gumawa ng eskandalo. Not to mention na marami rami din sila at familiar sila sa akin. Sila 'yung bumasa sa akin sa comfort room.
Natigilan ako nang may biglang humila ng buhok ko
"A-aray!"
Talagang hinila niya pa kaya naman napaupo ako sa impact.
Ang sakit naman!
"How dare you turn your back on us?" sabi nung isang babae
"Mali ata kayo ng kinausap" casual kong sagot na ikinataas ng mga kilay nila
Ano ba sila? Mga Amazona?
"Baka nga. Di bale nalang kung ikaw si Sephine Cruz. Ikaw ba si Sephine Cruz?" tanong nung maiksi ang buhok
"A-ako nga" nauutal kong sagot
Napahawak na ako sa pisngi ko. Ang bilis ng pangyayari. Ni hindi man lang ako nakailag. Nang maramdaman ko na 'yung sakit nang sampal niya, parang gusto ko nang umiyak pero pinigilan ko nalang.
YOU ARE READING
►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄
Romance@JeannPulido proudly presents: Nerd on the Outside. Princess on the Inside. Sephine's a nerd in disguise, she's a Nerd on the Outside, Princess on the Inside. Her life was still on her lead but one day, she was tasked to be an exchange student to ch...