NOPI 21: He found me

9.1K 301 9
                                    

Sephine's POV


Okay. Why did it turn out like this in the very last day of our outing?

Nasa Amusement Park kami kung saan malapit lang 'yung festival. Maganda daw panoorin ang fireworks dito kaya naman after naming nag-enjoy ng rides in the morning ay manunuod kami ngayong gabi.

Hindi namin ine-expect na napakarami palang tao ang darating. Nahiwalay ako sakanila sa may entrance at pag ikot ko ng paningin ko'y wala akong nakita ni isa sakanila.

Ang nakakainis pa ay na kay Mandy ang phone ko dahil nagse-selfie sila kanina. At na kay Stephanie ang wallet ko dahil siya lang ang may dalang bag.

Bumugtong hininga ako.


"Talk about being unlucky," bulong ko sa sarili ko saka ko inikot ang paningin ko


Nang makakita ako ng bench na walang taong nakaupo ay nagmadali akong umupo dun saka pinahinga ang mga paa ko at nagpunas ng pawis. Kanina pa ako naglalakad para hanapin sila eh. My feet's aching. I'm wearing boots after all. Medyo mabigat pa talaga.

Habang hinihimas ko ang mga paa ko eh napatayo ako kaagad nang makita ko si Violet sa may crowd banda kaya naman agad na akong tumakbo at sumingit sa napakaraming tao.

Nang hawakan ko siya sa balikat ay agad niya akong tinignan sa gulat kaya naman pati ako eh nagulat ako dahil ibang tao pala kaya naman agad ko nang binawi ang kamay ko at binitawan na siya.


"Ah. Pasensya na. Akala ko po ikaw 'yung kakilala ko," sabi ko kaya naman tumango tango nalang siya saka natawa

"Okay lang," sagot niya at tumuloy na sa paglalakad dahilan kung bagit ako bumugtong hininga ako saka tumalikod. 


Nagulat nalang ako dahil ang layo na pala nung bench. Oh my gosh. Ang daming tao. Naiipit na ako.

Nagulat ako nung may nakatulak sa akin kaya naman nawalan ako ng balanse pero bago pa man ako matumba ay may humila sa akin sa kamay dahilan kung bakit ako nahila papunta sa katawan nung tao at napahawak ako sa dibdib niya. Nabigla ako kaagad at napatingin sa tumulong sa akin.


"C-charles? Ha? It's really you?" tanong ko


Ha. He actually found me.


"Sephine, bakit ka ba tumakbo bigla papunta dito sa napakaraming tao? Paano nalang kung hindi kita nasundan? Ang lay-- Whoah. Why are you crying?" tanong niya kaya naman nagulat ako saka ako bumitaw sa kanya at napahawak sa pisngi ko dahil may basa akong naramdaman

"H-huh? Why am I crying?" tanong ko pabalik saka ko siya tinignan


Nagtaka ako dahil para siyang nasaktan.

He's.. is he okay?


"I'm sorry for scolding you. You must've been pretty scared. I'm sure you're not used to be left alone and all. Tara na muna. Sa may gilid nalang muna tayo dahilan unti unting dumarami ang mga taong dumadaan" sabi ni Charles saka niya hinawakan ang kamay ko kaya naman napatingin ako dun


Hinila niya na ako hanggang sa makalabas kami sa napakaraming kumpulan ng tao't makapunta sa may gilid. Sa may bench ulit.


"Sorry. Alam ko naman kasing maraming tao ngayong gabi lalo na't malapit na ang fireworks display. Sana sinigurado ko nalang na nasa tabi kita kanina" sabi niya saka niya ako inabutan ng panyo kaya naman tinanggap ko 'yun at nagsimula nang magpunas ng luha

"It's fine. It's my fault for not being attentive enough," sagot ko saka ako huminga ng malalim

"Pasensya na, Charles. Tama ka. Hindi ako nasanay na mag-isa. Halata naman sa mga pinsan ko, hindi ba? They keep on pampering and spoiling me to the point that when I can't find anyone to rely on, I get to panic so easily. Nasira ba ang gabi mo?" tanong ko sakanya kaya naman nabigla siya saka umiling

"Of course not. Actually, I'm really relieved that you're fine now. Oh, right. Ite-text ko nalang sila na kasama na kita't hindi na kailangang magalala pa," sagot niya saka siya naglabas ng phone at nagpindot na dun kaya naman tumango nalang ako


Pinanood ko nalang si Charles habang nagte-text siya.

Charles. Siya nanaman. Just why is it always him? Just why am I so reliant on him?


"There, done" sabi niya saka siya tumingin sa akin ng nakangiti kaya naman napatitig ako sakanya


Nakakapagtaka man ay nanatili lang din siyang nakatingin sa akin.

There was no escaping once you've locked your eyes on his. Ngayon ko lang napansin pero hazel brown pala ang ulay ng mga mata ni Charles. They're so dark and clear like the galaxy and it feels like they're staring at me like they're trying to pry me open.

Napaiwas ako kaagad nang tingin nang umubo siya bigla at awkward na umiwas ng tingin.


"Uhh. Uhum. So what should we do now?" tanong niya kaya naman napatingin ako sa relo ko

"Anong oras ba magsisimula ang fireworks display?" tanong ko kaya naman napaisip siya

"Exactly 8pm, I guess" sagot niya kaya naman napaisip ako


Tumingin ako sa direksyon ng Ferris Wheel.


"Charles?" tanong ko kaya naman napatingin siya sa akin

"Yeah?"

"Can you... ride the Ferris wheel with me?" tanong ko

"Sure. Should we go now?" tanong niya kaya naman tumango na ako


Tumayo na siya. Nagulat ako dahil inabot niya sa akin ang kamay niya.


"Well, uhh, in case you'd get lost again" sagot niya kaya naman napangiti nalang ako


Do I like Charles?


"Excuses," sagot ko kaya naman natawa siya at hinila na ang kamay ko at para bang prinsipeng tinulungan akong tumayo


I don't know and I'm not sure yet.


"Let's go," sagot niya kaya naman tumango na ako at nagsimula na kaming tumungo sa Ferris wheel


Thinking about how I'm about to ride the Ferris Wheel with him and in the heart shaped one to top it off, I didn't feel offended or the least bit disgusted at all.

This is the last day of our outing. I think.. I might want an answer for my questions now.

►Nerd on the outside. Princess on the inside (NOPI)◄Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang