Leigh's POV
"...5...4...3...2...1... HAPPY NEW YEAR!!!" Sigaw naming lahat at pinatunog pa ang mga turutot namin. Haaay! ^_^ new year na!. Tapos na din ang christmas vacation. Next week, pasukan na. Nami-miss ko na rin iyong mga baliw kong kaibigan ^_^. Kamusta na kaya sila?.
***
Lyra's POV
"HAPPY NEW YEAR SAINYONG LAHAT!" Full of energy na sabi ko sakanilang lahat. Nag kakantahan kasi kami dito sa bahay kaya naisipan kong kunin iyong microphone sa kumakanta at batiin silang lahat.
"Ano ba yan lyra, ang sakit sa tenga." Reklamo ni kuya. Binelatan ko lang sya at kinanta ang susunod na song na naka-reserve.
"Hoy akin iyang kanta no!." Sabi ni ate sakin. Tatlo kaming mag kakapatid at ako ang bunso ^_^. "Ako nalang ang kakanta para sayo." Sabi ko kay ate. Inirapan nya lang ako. Hahaha kawawang ate. ^_^
Kamusta na kaya iyong mga bestfriend ko? Nakakamiss din pala iyong mga yon.
***
Jeremi's POV
"Happy new year papa." Sabi ko kay papa at inilagay sa puntod nya ang bulaklak na dala dala ko. Napag isipan ko na dito nalang ako sa seminteryo kung saan nakalibing si papa, na mag celebrate ng new year. Alam naman nila mama na nandito ako eh.
Napatingin ako sa kalangitan at nakita ko ang magagandang fireworks display nila dito. Naalala ko ang mga kaibigan ko, hindi ko pa pala sila nababati ng happy new year.
Inilabas ko ang cp ko para i-text sila isa isa.
To: Leigh, Lyra, Michelle, Chinetta, Josephine.
HAPPY NEW YEAR MGA BANGAGS ^_^.
Send...
Bangag, baliw, crazy, mongoloid, pathetic. Iyan ang kalimitang tawag namin sa isat isat dahil para kaming mga baliw pag nag sama sama. ^_^
***
Michelle's POV
From: Jeremi
HAPPY NEW YEAR MGA BANGAGS ^_^
Nang mabasa ko ang message na iyon ay binati ko rin silang lahat. "Michelle tara dito sa labas ang gaganda ng mga fireworks oh tignan mo." Sabi ni ate sakin.
Lumabas naman ako ng bahay at tinignan ang kalangitan. Oo nga ang daming magagandang fireworks na makikita sa kalangitan. Inilabas ko ang cp ko at vinediohan ang mga iyon.
Malamang ay marami na naman kaming chikahan ng bestfriend ko. Excited na akong makita ulit iyong mga yun ^_^.
***
Chinetta's POV
HAPPY NEW YEAR!!.
Punong puno na naman ang inbox ko dahil tinadtad ako ng text ng mga bruha kong kaibigan. Teka nga at mabati din sila.
Tinawagan ko sila isa isa para batiin at nang maubos na ang pang call ko ay nakisali narin ako sa group txt nila.
"Hoy chinetta!. TALON! PARA TUMANGKAD!" sabi ni shanrika sakin. Ang nakababata kong kapatid.
"Che! Hindi naman totoo iyan. Masyado kang nag papaniwala na pag 12am na ay tatalon para tumangkad!. Mag star margarine ka nalang!." Sabi ko sakanya. Tinawanan nya lang ako at umalis na sa harapan ko.
SMS Fr. Jeremi
- Guys ang ganda ng fireworks na nakikita ko ngayon.
Nireplyan ko din si jeremi.
@Jeremi- dito rin samin maraming magagandang fireworks. Btw, miss ko na kayong lahat. :3
Sms fr. Lyra:
-ako din miss ko na kayo.
Sms fr. Michelle:
-malamang ay marami na naman tayong chikahan nito.
Sms fr. Leigh:
-hahaha oo naman.
Nag patuloy lang kami sa pag go-Group Txt. Grabe >_< nakakamiss din pala sila. Sabagay, next week pasukan na ulit. Makikita ko na ulit ang mga bruhang iyan hahaha ^_^.
May nag bago kaya sa mga itsura nila? O ganon padin? Mga mukhang paa ^_^ hahaha... peace ^_^v
Asaran namin iyon sa isa't isa. Kaya masanay na kayo.
***
Josephine's POV
"O mag iingat kayo sa mga paputok ah." Sabi ni papa samin ni ate. Mag papaputok din kasi kami. "Itong si papa, akala mo naman sinturon ni hudas o di kaya ay goodbye philippines ang ipapaputok natin. Eh pop pop nga lang to." Sabi ni ate.
Natawa lang ako a sinabi nya. Hahaha oo nga naman. Pop pop lang iyong pinapaputok namin. Iyong paputok na may iba't ibang kulay tapos pag ibinato mo ng malakas sa lupa o sa sahig ay puputok na. Kaso hindi naman malakas.
Para lang kaming nag paputok ng plastik na cellophane. May hawak din kaming lusis at hindi pa namin ito sinisindihan.
Naramdaman ko na nag vibrate ang cp ko sa bulsa. Kinuha ko ito sa bulsa at tinignan kung sino ang nag txt.
Sila lang pala. Nag batian sila thru cp. Wala kasi akong load eh. Hindi tuloy ako makasali sa group txt nila. Punong puno nadin ang inbox ko dahil sa dami nilang txt.
Itatago ko na sana ang cp ko sa bulsa ng mag ring ito.
CHINETTA CALLING...
Bakit kaya napatawag ang isang to?.
"Hello?"-ako
(HAPPY NEW YEAR) iniwas ko ng kaunti ang cp sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni chinetta.
"Happy new year din." Bati ko sakanya pabalik.
(O SIGE BABYE NA! MASYADO NG MAINGAY DITO SAMIN! KITAKITS SA MONDAY!) Sigaw nya sa kabilang linya. Muka ngang maingay sakanila dahil rinig na rinig ko ang mga batiaan nila ng 'happy new year' pati din ng mga paputok sa paligid.
Sila ang mga bestfriend ko. Lyra Osorio, ang madaldal at kwela saming mag kakaibigan.
Chinetta Vicencio, ang magaling mag advice at ang pinaka mature minsan samin mag isip. Pero sabi ko nga, MINSAN lang pag kailangan. Madaldal din iyan at minsan pinag e-eksperimentuhan kami sa kanyang pagiging psychologist. Pangarap nya kasing maging psychologist someday.
Leigh Felicano, a talkative person pero minsan nagiging moody at mahilig din sya sa k-pop like me ^__^.
Michelle Verzo, ang pinaka inosente saming lahat. Magaling din syang mag drawing. Nung binaha ata ng KAGALINGAN SA PAG DRAWING ay nag swimming itong si michelle. Ang galing galing kasi talaga nyang mag drawing.
At ang huli ay si Jeremi Cardama, ang pinaka malala saming lahat. I mean sya ang PINAKA madaldal, PINAKA makapal ang mukha at ang babaeng mahilig mag JOKE. Corny din yan minsan. Kung makatawa din iyan ay wagas.
At ako?
Ako si Josephine Espiritu, shy and quite type ako. Ayoko sa isang crowded place. May pag ka paranoid kasi ako ^3^ at kung ano ano ang naiisip ko.
Ayoko rin iyong masyado akong napapansin.
Meron pa akong gustong i-share, tinawag na S.A.E.F o Super And Everlasting Friendship ang aming grupo. Wag ka, kilalang kilala iyang group namin dahil sa pagiging kwela at pagiging baliw pero may ibubuga pag dating sa sports and academics. Kahit naman ganito kami ay may laman ang mga utak namin ^_^.
"Uy josephine sindihan na natin tong lusis. Kanina pa kita tinatawag jan kaso mukang tulala ka na naman." Sabi ni ate sakin at sinindihan nya na ang hawak nyang lusis.
Ganon din ang ginawa ko. Saktong pag sindi ko ng lusis ay lumabas si mama para kuhaan mami ng litrato.
"One.two.three..."
*click*
"HAPPY NEW YEAR!" Sabay naming sabi ni ate. Yehey!!! New year na ^_^.