Lyra's POV
1 WEEK LATER...
Isang linggo kaming nag durusa at walang oras na hindi kami umiyak. Masakit samin ang mawalan ng isang kaibigan. Lalo pa't para na kaming mag kakapatid na anim.
Sa isang taon naming pag sasama. Puro saya at lungkot ang napag saluhan na namin. Sa totoo lang ay hindi namin matanggap ang pag kawala ni chinetta.
Nung sinabi ng pulis na patay na si chinetta ay hindi kami naniwala, hanggang sa pinakita na samin ang bangkay nya.
Inihagis ko na ang bulaklak sa kabaong ni chinetta na kasalukuyang ibinababa na sa kanyang pag lilibingan. Ngayon ang libing ni chi, matapos ng 1 week na pag luluksa namin ay heto kami ngayon, pilit na tinatanggap ang pag kawala ni chi.
"*sob* ma-mi-miss ka namin *sob* chi." Umiiyak na sabi ni michelle. Nag yakapan kaming lima habang umiiyak.
"Mga hija, tara na." Sabi samin ng isang ginang. Maraming pumunta sa libing ni chi. "Ayos lang ba kayong lima?." Tanong ni raymart samin.
Kasama namin sila dito ngayon sa isang van. Babalik na muna kami sa bahay ng mga vicencio bago umuwi sa kanya kanya naming tirahan. "Mukhang ba silang 'ok'?. Tignan mo nga oh. Mukha na silang mga zombie." Nang aasar na sabi ni ryan.
Wala ni isang nag react saming lima. Nasa van na kami at nag simula na itong umandar. Tahimik lang kami sa byahe habang iyong dalawa (ryan&raymart) ay kanina pa nag papatawa.
"Alam mo nag tataka talaga ako dahil sa dami ng lalaki dito sa earth, ako ang pinaka GWAPO." Mayabang na sabi ni raymart at ngumisi pa ang loko. Nag papayabangan kasi silang dalawa kung sino ang mas gwapo sakanila.
Tsk. Ang hangin ng dalawang to. "Raymart, pumapangalawa ka lang sakin. Tanggapin mo na kasi na mas gwapo ako kesa SAYO." Sabi ni ryan kay raymart.
"Ganito nalang. Bakit hindi natin itanong sa girl's kung sino talaga ang mas gwapo sating dalawa para mag kaalaman na." -raymart. Nakita kong napa-irap si leigh at si michelle naman ay bahagyang napatawa. Samantalang si jem at jo ay nananatiling tahimik.
Kahit papaano ay nawala ang nakakalungkot na atmosphere dito sa loob ng van. "O sige. Deal ako jan. So lyra..." binalingan ako ng tingin ni ryan. By the way mag katabi kaming apat. Ako, leigh, raymart, at michelle. Nasa backseat kami at nasa unahan naman namin ay sila jo, jem, at ryan.
"...sinong mas gwapo samin ni raymart?."
***
Jeremi's POV
"...sinong mas gwapo samin ni raymart?." Tanong ni ryan kay lyra. Kanina pa sila nag iingay ni raymart. Gusto ko ngang umidlip muna, kaso hindi ko magawa dahil sa ingay nitong dalawang lalaki.
Kalalaking tao ang dadaldal. Well, siguro gusto lang din nila na pagaanin ang loob namin. "Tsk. Wala." Naiines na sabi ni lyra sakanila.
"Imposibleng wala. Hindi ka ba marunong tumingin ng gwapo?." Madramang sabi ni raymart. "Tsss. Saan banda?." Sabat ni leigh.
"Dito kasi oh, dito." Tinuro turo pa ni raymart ang mukha nya para maipakita kay leigh ang pinag mamalaki nitong kagwapuhan.
"Tsk. Ang ingay nyo -_-." Naiines na sabi ko sa kanila. Tumigil naman na silang dalawa(ryan&raymart) sa pag iingay. Napa buntong hininga naman silang dalawa. "Hindi kasi kami sanay na ganyan kayo." -raymart.
Napatungo nalang ako at ipinikit ang mga mata ko.
***
*sigh*
Para akong nag trabaho sa sobrang pagod ko. Nandito na ako sa bahay, syempre bago ako umuwi nag pagpag muna ako. I mean kaming 7. Dumaan muna kami sa mall para mag liwaliw lang.
