Chapter 5

4 1 0
                                    

Michelle's POV

"One...two...three...JUMP!." Sabi ni ate chinetta sa mga nag lifting. Nandito kami ngayon sa bahay ng kaklase ko. Dito kami nag pa-practice ng cheerdance dahil malawak ang labas ng bahay nila dito.

Pwede kaming tumambling tambling kung kailan namin gusto.

"Kailangan sabay sabay kayo pag tumalon." Pag i-instruct ni ate chinetta sakanila. Dahil mga nag li-lift palang naman ang nag pa-practice ay pumasok muna ako sa bahay ng aking kaklase at nag libot libot.

Malawak din pala ang bahay nila sa loob. Halatang may kaya. "Hala si michelle oh. Di nag papractice." Sabi ni lindsay sakin. Isa sa mga kaklase ko. Nandito din kasi sya sa loob ng bahay eh. Hindi lang sya kundi ang iba ko ring mga kaklase.

"Eh bakit, ikaw din naman ah!." Sabi ko sakanya. Hindi po kami nag aaway. Nag bibiruan lang po kami ^_^. "Hahaha, ganon talaga." Sabi pa nya sakin.

Naupo ako sa sofa nila at nag pose pa. Kunyari may photoshoot. "Hahaha feel na feel ang sofa michelle?." Sabi ni lindsay.

Hindi ko sya pinansin at nag pose pa ng panibago. Hahaha feel na feel ko ang sofa nila. Ang lakas kasi maka-model ng sofa nila. Ang haba kasi.

Sayang wala dito sila jo,jem,ly, at leigh. Nasa labas kasi sila eh. Ewan ko kung anong ginagawa nung mga iyon sa labas. Nakalimutan ko din silang yayain dito. "Wow! Michelle, para kang isang reyna jan sa pose mong iyan." Sabi ni jean na napansin ang ginagawa ko.

Napatigil naman ako ng marinig ko ang salitang 'reyna'. Parang nag flashback sakin ang mga nangyari 2 years ago.

[FLASHBACK]

"Ang galing galing mo talagang mag drawing michelle." Puri ng isa kong kaklase sakin. Nginitian ko lang sya at pinag patuloy na ang pag da-drawing.

Sasali kasi ako sa isang contest dito sa school. Kailangan muna naming mag pakita ng sketch ng ido-drawing namin tapos ay doon na nila hahatulan kung kasama ba kami sa mga lalahok.

Pag karaan ng ilang oras ay natapos na ako. Pumunta na ako sa kabilang section dahil nandoon ang mga teachers na mag ja-jugde sa gawa namin.

Pag punta ko, ay marami ng mga kasali din sa contest ang nandito. Buti nalang at di ako late. Tinignan ko ang gawa nilang lahat. Lahat naman ng gawa namin ay magaganda.

"Mas maganda iyong drawing ni reigna no." Rinig kong sabi ng babae sa likuran ko. "Hindi no." Mataray na sabi ng kaibigan nyang babae sakanya.

Nag kibit balikat nalang ako. Sino kaya si reigna?. Hindi nag tagal ay ipinakita na namin ang gawa namin at agad nadin silang namili ng mga kasali. "Ms. Reigna and Ms. Michelle pasok na kayong dalawa." Sabi nung teacher.

Yes! Kasali ako ^_^. "Congrats." Sabi nung babae sakin. Sya ata si reigna. Tinignan ko ang gawa nya. At oo nga. Maganda ang gawa nya. Pero sisiguraduhin kong mas maganda ang akin.

Gusto kong manalo sa contest na ito. "Salamat. Congrats din sayo." Sabi ko naman sakanya.

***

Dumating na ang araw ng aming contest. Ang tagal ko ring pinag handaan ang araw na ito. Inisip ko talaga ng maiigi ang iguguhit ko. Ang theme kasi namin ay NATURE kaya pinag igihan ko talaga ang pag iisip ng aking iguguhit.

Actually tapos na akong gumuhit.

Pinag hiwa-hiwalay din nila kami ng room para daw walang dayaan na mang yayari. Lima kaming lalahok at kada room ay solo namin. Halimbawa, dito ako sa room ko nag simulang gumuhit. Tapos sa kabilang room naman ay ang aking mga kalaban. Ganon ^_^.

YOU ARE NEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon