Chapter 16

21 2 0
                                        

Josephine's POV

Nag simula na kaming mag laro ng tago-taguan. May iba rin akong pakiramdam na may hindi magandang mangyayari ngayon. Pero hindi ko nalang pinansin iyon. Mas maganda kung mag enjoy nalang ako ngayong gabi. Tutal ay aalis narin kami dito bukas ng umaga. "Ok ako ang taya. Dahil birthday ko naman kaya mag paparaya na ako." Natawa kaming lahat sa sinabi ni raymart.

"Ok mag simula na kayong mag tago. Siguraduhin nyo rin na hindi ko kayo makikita agad. Lalo na kayo michelle at jeremi." Sabi nya samin. Nag taka naman ako dahil sa sinabi ni raymart. Parang may ibang pinapahiwatig sya kila mich at jem. "hahaha talagang gagalingan ko ang pag tatago no." sabi ni jem at tumawa pa.

"Tara mag tago na tayo." Sabi ni michelle samin ni jeremi. Kami naman ay nag simula ng mag tago.

***

3rd person's POV

"tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pag bilang kong sampu nakatago na kayo. Isa...dalawa...tatlo...apat...lima...anim...pito...walo...siyam...SAMPO!. Game na." nakangising sabi ni raymart at nag simula ng libutin ang buong mansyon. Alam nya ang pasikot sikot dito kaya kampante sya na makikita nya ang mga nag tatago. May hawak din syang baril na may nakalagay na silencer para hindi ito maingay pag bumaril sya.

Natawa sya sa mga kasama nya na hindi manlang napansin na sila lang ang narito. Wala kasing katulong at lalong wala silang kapitbahay. Sinigurado nya na walang makaka-istorbo sa plano nya. Dinamay nya rin ang mga walang kamuwang muwang na kaklase nya. Dahil sa tingin nya ay mas marami mas masaya. Unang nahagip ng mga mata nya ay ang kaklase nyang si romelyn na nakatago sa likod ng pintuan na nakabukas.

"Boom!." Pang gugulat nya rito. "Tsk. Dapat talaga ay di ako dito nag tago. Nakita mo tuloy agad ako." Kalmadong sabi ni romelyn sakanya. Nginisian nya lang ito at itinutok sa dalaga ang baril. "t-t-teka raymart. T-totoo ba iyan?." Natatakot na tanong ni ng dalaga kay raymart.

"oo totoo nga ito. Tsk. Buti nalang at ikaw ang una kong nakita. Ikaw ang bida bida sa loob ng room at naiirita ako ugaling mong yun. Kaya mamatay ka na!." pag katapos nyang sabihin yun ay binaril nya na si romelyn ng walang ingay. Bumagsak ang dalaga at nag kalat ang dugo ni sa sahig. Hindi na nag abala si raymart na linisan yun.

Hanggang ikatlong palapag ang mansyon nila raymart at kada palapag ay malalawak ang mga pasilyo kaya maaari kang maligaw kung hindi mo alam ang pasikot sikot. Nasa unang palapag sya nag hanap dahil ramdam nyang maraming nag tago dito. Nang nasa kusina na sya ay nakarinig sya ng kaluskos mula sa loob ng cabinet na nandoon. "Hmmm, sino ka naman kaya?." Mapag larong sabi nya. Nilapitan nya ang cabinet at agad tong binuksan. Pag bukas nya ay tumambad sakanya ang mukha ng kanyang kaibigan na si albert. Walang sabi sabi nya itong binaril sa ulo. At gaya kay romelyn ay hinayaan nya lang din to.

"tsk. Nasaan kaya sila jeremi at michelle. Hindi ko pwedeng patayin si josephine dahil si ryan na ang bahala doon. Tsk. Bakit kasi sumama pa ang babaeng yun eh. Buti nalang at hindi sumama si leigh. Pag katapos ko dito ay liligawan ko sya." sabi nya na animo'y nakikipag usap sa hangin. Ang hindi nya alam ay may nakarinig sa sinabi nya.

***

Josephine's POV

Agad akong nag tago sa malaking pader na nandito sa kusina ng marinig ko ang sinabi ni raymart. Dito ko sana balak mag tago ng makita ko syang binaril sa ulo si albert. Sa sobrang takot at kaba ko ay di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kailangan kong mahanap sila mich at jem. Nasa panganib sila. Nag kahiwalay kaming tatlo dahil akala namin ay si raymart yung dumating ng may marinig kaming yabag papasok ng banyo na aming pinag tataguan. Nandito lang kami sa first floor nag tago. Ang yabag pala na aming narinig ang mula kay albert. Ang sabi nya ay mag hiwa-hiwalay daw kaming tatlo dahil daw lagi kaming mag kakasama. Biro nya lang yun samin pero pinang-sang ayunan ni jeremi kaya ayon nag hanap ako ng ibang matataguan. At yun nga, sinundan ko si albert pero hindi nya yun alam. Hanggang sa nadatnan ko ang kagimbal-gimbal na pangyayari kani-kanina lang.

YOU ARE NEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon