3rd person's POV
Nagising si chinetta sa isang hindi pamilyar na lugar. Nasa isa syang kwarto na walang kahit anong laman kundi sya lang.
"Nasan na ako?." Nanghihinang tanong nya sa sarili nya. Bagamat nanghihina ay pinilit nya pa ring tumayo at nangapa ngapa sya dilim.
Sobrang dilim sa silid na iyon kaya madapa dapa pa sya habang nag lalakad papuntang pinto. Tanging ang liwanag lang ng buwan na naaaninag nya sa bintana ang naging ilaw sa madilim na silid.
Nang makalapit na sya sa pintuan ay pilit nya itong binubuksan. "Ano ba!. Bumukas ka please!." Mahinang sabi nya. Halos mapaluhod sya sa sobrang kaba at takot na nadarama nya.
Hindi nya rin alam kung ano ang kahihinatnan nya kung sakaling makalabas man sya. Sumandal muna sya sa pintuan at nag isip ng paraan kung paano sya makakalabas sa silid na iyon.
Hindi naman sya pwedeng makalabas sa bintana dahil masyadong maliit ito para makalabas sya. Maya maya pa ay nakarinig sya ng kalukos mula sa labas.
Idinikit nya ang kanyang tenga sa pinto at pinakinggan ang tunog na nanggagaling sa labas.
*click*
*cling*
Nakarinig sya ng kasa ng isang baril at hindi lang iyon ang naririnig nya. May tunog din na galing sa isang kutsilyo na mukhang hinahasa. Naririnig nya rin ang pag sasalita ng lalaking dumukot sakanya.
Nakamaskara ang lalaking dumukot sakanya. Malaki itong tao. Iniisip nya rin kung sinong tao ang pwedeng mag pakidnap sakanya. Wala naman syang naaalala na nakaaway nya maliban kay 'reigna'.
Naisip rin ni chinetta na baka kidnap for ransom ang balak ng dumukot sakanya. 'Posible ring gusto talaga akong gantihan ni reigna, baka ako ang isusunod nya, gusto nya rin siguro akong mamatay?'. Sa isip isip nya. Agad syang napailing at binawi ang kanyang naisip conclusion.
"Imposibleng mangyari iyon. Patay na si 'r'. Hindi na nya kayang pumatay." sagot nya sa sarili nya.
"Oo...hawak ko na sya...nasa silid sya...oo, doon ko sya nilagay...magigising narin sya maya maya." Narinig nyang sabi ng lalaki na sa tingin nya ay may kausap sa telepono.
'Ano naman kayang balak nila sakin?'. Patuloy nya paring pinapakinggan ang taong iyon. Para din kasing pamilyar ang boses nito sakanya.
"Handa narin ang mga gamit ko para sa... pag patay sakanya."
Napasinghap sya sa narinig nya at nakagawa din sya ng ingay ng makalampag nya ang pinto dahil sa pag kakasandal nya ng malakas.
"Mukhang gising na sya." Sabi pa nito.
Napaatras sya sa pinto. Papalapit naman ng papalapit ang yabag mula sa pinto. Narinig nyang binubuksan ang pintuan ng silid kung saan sya inilagay.
Nang tuluyan iyong bumukas ay lalo syang nasindak ng makita nyang nakatayo na ito sa harapan nya at may hawak itong kutsilyo.
Nilaro laro ng lalaking nakamaskara ang kutsilyo sa kamay nya. Maya maya pa ay lumapit ito sakanya at hinablot ang buhok nya patayo.
"Aray." Daing ni chinetta. Pakiramdam nya ay matatanggal na ang buhok nito sa pag kakasabunot nito sakanya.
Hila hila parin nito ang buhok nya at kiladkad ito papalabas. Agad syang itinulak ng lalaking nakamaskara padapa sa isang lamesa.
"Please. Nag mamaka-awa ako sayo. Pakawalan mo na ako." Pag mamakaawa nya rito. Pero tila hindi naawa sakanya ang lalaki. Bagkos ay umiling pa ito at lumapit sakanya para sikmuraan sya.
