Josephine's POV
4am na kaming nakarating sa mansyong sinasabi ni raymart. Lahat kami ay pagod na pagod pa at kulang sa tulog. Paano ba naman, mag damag kaming nag kwekwentuhan sa loob ng bus. As in lahat kami. Nag kaisa rin kami sa loob ng bus at nag laro ng pass the message. Tumigil lang ata kami noong 2am at napag desisyonan na matulog na. Grabe exhausted kaming lahat.
Bumaba na kami ng mini bus at nag tungo na papasok ng mansyon. "Wow!" Lahat kami ay napa'wow' dahil sa ganda ng mansyon nila. Napakaganda ng bahay na ito. Gusto ko rin mag patayo ng ganitong bahay pag nag kapera na ako.
"Hehehe ang ganda ng mansyon no. Tara pasok na tayo sa loob." Nahihiyang sabi ni raymart samin. Natawa pa kami ng makita namin na namumula sya. "Sus! Fafa mart. Di mo naman sinabi na ganito ka pala kayaman. Sana pala sayo nalang ako." Biro ni albert sakanya at nag bakla baklaan pa. Bukod saming S.A.E.F ay isa rin si albert sa pinaka close ni raymart.
"Hahaha! Para kang ewan bert. Tara pasok na tayo at para makapag pahinga na tayo. Mahaba habang araw rin to." Sabi ni raymart samin at sinamahan nya kami papunta sa kanya kanya naming kwarto. Dalawa kada isang kwarto. Pero dahil ayaw namin mag hiwalay na tatlo (ako,jem,mich) ay napag kasunduan namin na tatlo kami sa isang kwarto. Hindi naman na umangal si raymart doon.
Pag pasok namin sa kwarto ay agad kaming humiga sa kama. Para kaming ewan na nag harutan at nag pagulong gulong sa kama hanggang sa napagod na kami at nakatulog.
Mamaya nalang namin lilibutin ang buong bahay. Sa ngayon ay mag papahinga na muna kami para mamaya ay may energy kami. Na-e-excite na tuloy ako.
***
Ryan Ernie's POV
Hanggang ngayon ay kinakabahan parin ako sa mangyayari mamaya sa mansyon ng kuya ko. Oo, kay kuya na ang mansyon na iyon. Ipinamana sakanya ng lola namin sa side ni mama. Mayaman ang pamilya ng nanay ko. Pero nang malaman nila na nag karoon agad ng anak ang mama ko ay itinakwil nila si mama.
Pero nag bago ang ihip ng hangin dahil humingi din sila ng tawad kay mama kung kailan patay na ito. Doon din nila napag isipan na ibigay na ang mansyon kay kuya. Nang mamatay naman ang kapatid kong bunso na si reigna ay dinamdam yun ng mama at papa ni reigna. Nang malaman yun ng mama ni reigna ay nagalit sya kay papa. Yun din ang dahilan kung bakit tuluyan silang nag hiwalay.
Ang alam ko ay nasa america na ang nanay ni reigna. Si papa naman ay nasa ibang bansa rin para doon na mag trabaho. Kaya kaming dalawa nalang ni kuya ang nandito.
Muli akong napabuntong hininga ng sumagi sa isip ko kung bakit inimbitahan ni kuya ang mga kaklase namin sa mansyon. Naaawa ako sakanila dahil madadamay sila sa plano ni kuya. Kahit kay josephine ay nag aalala ako. Hindi dapat sya madadamay dito ngunit hindi ko mapigilan si kuya sa balak nya.
Simula ng mamatay si reigna ay mas malala ang pinagdaanan ni kuya. Naging super close din kasi silang dalawa nung matanggap na kami ni reigna bilang kapatid nya. Hindi naman ako nakaramdam ng inggit nung maging close sila ni kuya, mabait naman kasi si reigna. Tinuring namin sya ni kuya na parang isang tunay na prinsesa non. Isa rin ang napansin ko sa mukha ni reigna. Kamukha nya ang ina namin ni kuya kaya lalo kaming natuwa at inalagaan sya kung paano namin alagaan si mama.
Pero nang mamatay si reigna ay gustong gusto ni kuya raymart na makapag higanti. Kasama nya ako sa mga plano nya. Sya ang pumapatay, ako naman ang nag se-set up. Sya ang pumatay kila fiona, chinetta, at jake. Sila ang mga taong nang api sa prinsesa namin. Plinano namin ang lahat. Sinimulan naming kaibiganin ang mga kaaway at unti unti silang papatayin. Nung una ay nag-e-enjoy pa ako sa mga ginagawa ni kuya. Hanggang sa unti unti na akong kinakain ng konsyensa. Lalo pa't naging close na sakin si leigh at jo. Ayoko sana silang madamay.