Chapter 4

4 1 0
                                    

Jeremi's POV

[Afternoon...]

Nandito na ako sa school at hinihintay ang mga baliw kong kaibigan. Pag uusapan din namin ni chinetta ang tungkol sa cheerdance dahil sya nga ang mag le-lead.

Hiningi nya rin kasi ang tulong ko. Syempre pati narin ng ibang S.A.E.F. Habang hinihintay ko sila ay nag nilay nilay muna ako. Pumunta ako sa mini forest at naupo sa isang malaking bato.

Naalala ko iyong mga panahon na hindi ko pa kaibigan o nakikilala ang S.A.E.F.

Last year lang kasi kami ng S.A.E.F nag kakilala. Kami kami palang nila chinetta, josephine at leigh. Alam kong alam nyo narin ang tungkol jan.

Hehehe ^_^ wala lang, inulit ko lang. Baka kasi nakalimutan na ng iba jan. So iyon nga noong 1st year highschool ako wala akong masyadong kaibigan non.

Madaldal ako pero napaka mahiyain ko noon. Hanggang sa nag 2nd year highschool na ako ay ganon parin ako. Pero nag bago iyon nang ma-meet ko sya.

Si Reigna, isa sa mga naging kaklase ko noong second year highschool. Masayahin at jolly syang babae. Naging mag kaibigan kami.

Simula nang maging kaibigan ko sya ay dumami narin ang naging kaibigan ko.

Hindi na ako naging isang loner o wala masyadong kaibigan. Kaya nga natuwa talaga ako ng maging kaibigan ko si reigna. Iyon nga lang, nakita ko ang tunay nyang ugali.

Hindi naman pala sya ganon kabait.

[FLASHBACK]

2 years ago...

"Jeremi balita ko may crush din sayo si jake ah." Sabi ni reigna sakin. Nandito kaming dalawa sa canteen, breaktime kasi namin.

"Ha? Ewan ko." Sagot ko sakanya. Si jake ay ang crush naming dalawa. Actually mag ka txt kaming dalawa ni jake. Hindi alam ni reigna na may number ako ni jake.

Baka kasi mag selos pa iyan at magalit sakin. May pagka-bossy at maldita kasi sya. "Ano ba jeremi. Bakit ba kanina ka pa tipa ng tipa dyan sa cp mo?. Sino iyang katxt mo?." Naiiritang tanong nya sakin.

One more thing, hot headed din sya at mablis magalit -__-. "Ammm, wala. May katxt lang."

"Sino nga eh!! >_<." -reigna.

Tsk. Ang kulet naman ng babaeng to. "Bakit ba gusto mong malaman? Wala lang naman to." Sabi ko sakanya at pasimple syang inirapan. Nako! Baka hindi ako makapag timpi at ingudngod ko to.

"Eh kasi sinungaling ka. Kunyari hindi mo alam na may crush sayo si jake. Akala mo ba hindi ko alam na may number ka ni jake!!. Bakit hindi mo manlang sinabi sakin." Sigaw nya sakin at hinampas pa ang lamesa.

"EH ALAM MO NAMAN PALA. BAKIT NAG TATANONG KA PA!!." Sigaw ko rin sakanya. Sumama ang tingin nya sakin. Akala naman nya matatakot ako sakanya.

Sinamaan ko rin sya ng tingin. "DAHIL GUSTO LANG NAMAN NA MAKASIGURO KUNG TOTOO NGA IYON!." Balik sigaw nya din sakin.

Tumayo na ako at hindi nalang sya pinansin. Sawang sawa na ako sa ugali nya -__-. "HOY JEREMI WAG MO KONG TATALIKURAN." sabi nya. Nag panggap ako na hindi ko sya naririnig.

Hanggang sa naramdaman kong may humablot sa kamay ko. "Aray! Ano ba." Sabi ko sakanya. "Malandi ka!." Sabi nya sakin na ikinagulat ko.

"Kung ako malandi, inggetera ka naman!." Ganting sabi ko sakanya. "ALAM MO KASI, KUNG NAI-INSECURE KA SAKIN! PUMIKIT KA NALANG!." sabi ko sakanya.

YOU ARE NEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon