Chapter 14

6 1 0
                                    

Josephine's POV

"Nandito na po ako." Pumasok na ako sa bahay. Sinalubong ako ni mama. Ako naman ay nag mano sakanya.

Malapit na palang mag bakasyon. March na kasi ngayon. Ang bilis ng panahon ngayon. Parang dati lang kompleto pa kaming S.A.E.F.

Kanina pala ay in-announce ni raymart ang tungkol sa magiging birthday celebration nya. Ngayong march kasi ang birthday nya.

[FLASHBACK]

Kahit na nag tataka kami dahil wala parin si lyra sa room ay nakinig na kami kay raymart na kanina pa kinukuha ang atensyon namin.

"Guys gusto ko sana kayong imbitahan sa birthday ko sa darating na linggo. Mag paalam narin kayo sa mga magulang nyo dahil gaganapin ang birthday celebration ko sa dating mansyon ng lola ko. Kumbaga hindi lang ito birthday celebration ko. Para rin tayong mag babakasyon. Mawawala lang naman tayo ng isang araw eh." Sabi nya samin.

Maraming nag tanong sakanya. Ang iba naman ay na excite. Syempre kami rin no. Sana payagan ako nila mama.

[End Of Flashback]

Lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko sila mama na kumakain na. Nakisalo na rin ako sakanila. "Mama ako nalang po ang mag huhugas ^_^."

[FASTFORWARD]

Maaga akong nagising para tulungan si mama sa pag lilinis sa bahay. Nag kusa narin ako mag hugas ng plato. Pati sahig ay pina kintab ko. Kahit ang mga agiw sa bahay ay inalis ko.

Kailan kong mag pa-goodshot kay mama at papa para payagan nila ako na sumama sa mansyon ng lola ni raymart. Biruin mo, may mansyon pala sila.

Alam kong mayaman talaga si raymart. Pero simple lang sya. Hindi mo mahahalata na mayaman sya dahil sa kilos at ayos nya.

"Honey, tignan mo itong anak mo. Mukhang may kailangan. Kagabi pa ito nag lilinis ng bahay." Sabi ni papa kay mama.

Si mama naman ay nilapitan si papa na naka upo sa sofa at nag kakape. "Oo nga jo. Anong kailangan mo?. Kulang nalang pati bubong natin ay linisan mo na." Sabi ni mama at naupo sa tabi ni papa.

"Nako wala po ito. Teka hindi ko pa po kasi nalilinis ang kwarto." Akmang pupunta na ako ng kwarto ng marinig kong tinawag ako ni papa.

"Ano ba ang kailan mo josephine?." Tanong ni papa sakin. Napa-'YES' naman ako. Ito ang hinihintay ko. Ang tanungin ako ni papa. Pag si papa ang nag tanong sakin at nag paalam ako sakanya. Malamang ay papayagan nya ako at walang palag si mama don.

"Amm, papa. Gusto ko palang mag paalam." Sabi ko sakanila. Tinaasan lang ako ng kilay ni mama. "Kaya pala. May kailangan pala." -mama.

Napanguso ako at nag 'paawa look' kay papa. "Papa birthday po kasi ng kaibigan ko. Niyaya nya po kaming buong kaklase nya na mag bakasyon sa mansyon daw po ng lola nya. Doon din po kasi gaganapin ang birthday nya. Kaya baka po mawawala din po ako ng isang araw lang naman." Napa hinga ako ng malalim matapos kong sabihin iyon.

"O sige. Payag ako." Wika ni papa. Nanlaki ang mata ko ng payagan nya ako. Si mama naman ay tumango lang din sakin. Isa lang ang ibig sabihin non. Pinayagan nya ako. Pinayagan nila ako.

"Talaga po?." Sa sobrang saya ko ay niyakap ko silang dalawa at pinag hahalikan sa pisngi. "Salamat po." Nakangiting pumasok ako sa aking silid.

*kriiing*

Hinanap ko kaagad ang cp ko dahil may tumatawag. Nang mahanap ko ay tinignan ko kung sino ang tumawag sakin. Si leigh. Bakit kaya sya napatawag?.

"Hello leigh, bakit ka napatawag?."

YOU ARE NEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon