Chapter 13

7 2 0
                                        

[FLASHBACK]

2 years ago...

SOMEONE'S POV

Naririnig ko na naman ang mga hikbi ni reigna mula sa kwarto nya. Akmang kakatok ako sa pinto ng kwarto nya ng biglang bumukas ito at iniluwa si reigna na mugto ang mga mata at nakatingin sakin ng masama.

"Tsss." Inirapan nya ako at lumabas sa kwarto nya. Nilagpasan nya lang ako. Ako naman ay hinawakan ang braso nya. "Saan ka pupunta?. Hindi ka pa kumakain." Sabi ko sakanya.

Hindi nya ako tinugon, bagkos ay nag lakad ulit papalabas ng bahay. Hinarang ko sya. "Wag ka munang lumabas ng bahay ng walang laman iyang tyan mo."

"Pwede ba, wag nyo akong pinapakialaman dahil hindi ko naman pinapakialaman ang mga walang kwenta nyong buhay." Sabi nya sakin at pinipilit na paalisin ako sa harap nya.

"Reigna, makinig ka naman kay kuya." Hindi ko napansin na lumabas na pala ng kwarto ang isa ko pang kapatid na lalaki.

"Tsk. Isa ka pa!. Sino ba kayo para pakialaman ako!. Mga anak lang naman kayo ni papa sa labas!. Mga bastardo!." Pag kasabi nya non ay agad nya akong tinulak dahilan para mapa upo ako. Agad syang lumabas ng bahay.

"Ayos ka lang kuya?." Tanong sakin ng kapatid kong lalaki. Mas matanda ako sakanya ng isang taon. Sa ina lang kami mag kapatid ni ernie. Sa ama naman kami mag kapatid ni reigna. Ang gulo ng pamilya namin no.

Ako ang unang anak ni papa. Naanakan nya lang si mama kaya madali lang para sakanya na iwan si mama. Tapos nakapag asawa ulit ng iba si mama pero bigo sya sa pangalawang pag kakataon dahil iniwan din sya nito. Nag bunga din ang dating pag mamahalan nila mama at nang pangalawa nyang lalaki. At syempre si ernie yun.

Hindi nag tagal ay nag karoon ng malubhang sakit si mama sanhi ng pag kamatay nya. Kaya ako, no choice. Hinanap ko ang tunay kong ama. Kahit sa totoo lang ay gusto ko syang ilibing ng buhay dahil sa katarantaduhan na ginawa nya sa nanay ko.

Nang mahanap namin sya ng kapatid ko ay laking gulat nya dahil di nya inaakala na may kapatid daw ako. Tinanggap nya kami ng buong buo dahil pinag sisisihan nya ang ginawa nya sa nanay ko.

Isiniwalat nya ang tungkol sa amin sa pangalawa nyang asawa. Syempre ano pa ba ang aasahan kong magiging reaksyon ng asawa nya. Galit na galit ang asawa ni papa sakanya. Humantong pa sa puntong nag hiwalay sila at iniwan kay papa ang anak nyang babae.

Iyon ang dahilan kung bakit galit na galit si reigna sa amin. Dahil feeling nya wala nang nag mamahal sakanya dahil hindi na sya nagawang bisitahin ng ina nya. Kami ni ernie ang sinisisi nya sa mga kamalasang nangyari daw sakanya.

Hindi ko naman sya masisisi. Dahil kung ako ang nasa katayuan nya ay makakaramdam din ako ng galit. Kaya nga lagi kong sinasabi kay ernie na intindihin nalang si reigna.

Kahit ganon sya samin ni ernie ay napamahal na kami sakanya dahil kahawig nya si mama. Noong una ay akala namin na mag kapatid ang mama nya at mama ko. Pero ng tinanong ko si papa ay wala daw ni isang kapatid ang mama ni reigna.

May kaya ang mama ni reigna kaya spoiled sya sa mama nya. Sa madaling salita, mama's girl sya. Kaya ganon nalang ang galit nya samin at kay papa ng umalis ang mama nya.

"Sa tingin mo kuya mag babago pa ang ugali nya?." Tanong sakin ni ernie. Nag kibit balikat lang ako sakanya.

***

Dumaan ang ilang linggo at kapansin pansin ang pagiging tulala ni reigna. Madalas narin namin syang naririnig na umiiyak. Alam namin ng kapatid ko ang nangyayari kay reigna kahit hindi nya sabihin samin.

YOU ARE NEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon