Josephine's POV
"maawa ka sakanya!." Sabi ko kay raymart. Unti unti nang namumutla si jeremi dahil sa pag kakasakal sakanya ni raymart. "Manahimik ka!." Singhal nya sakin. Kailangan kong makagawa ng paraan para matulungan ko si jeremi. Ilalabas ko sila michelle at jeremi sa impyernong ito.
Pinahid ko ang luha na nasa pisngi ko at tumingin kay michelle na nakahandusay sa sahig. "M-mich..." tawag ko sakanya. Ngunit hindi nya ako tinugon. "Michelle. Gumising ka please. Makakalabas din tayo dito ok?." Umiiyak na sabi ko sa wala ng buhay na si michelle. Humugot ako ng lakas at nilapitan si raymart para agawin ang baril nya.
"Bitawan mo ang baril ko!." Sigaw ni raymart sakin. Hindi ko sya pinakinggan. Dahil pilit kong inaagaw ang baril sakanya ay nabitawan nya si jeremi. "Jeremi...umalis na kayo ni michelle dito. Ako na ang bahala d-dito." Sabi ko kay jeremi.
Ginawa ko ang lahat ng pwede kong gawin para makuha kay raymart ang baril. Sinipa ko sya sa tuhod kaya naagaw ko ang baril sakanya. Sya naman ay napaupo. "P*t@ kang babae ka!. Anong akala nyo? Na kaya nyo ako!." Sigaw nya samin. Itinutok ko sakanya ang hawak kong baril.
"sige. Barilin mo ako." Nanghahamon na sabi nya. Dahil sa sobrang galit ko sakanya ay hindi na ako nag dalawang isip, itinutok ko sakanya ang baril and I pulled the trigger to shoot him. Pero wala akong narinig na putok. "Anong---." Pinindot ko ulit ang trigger pero walang lumabas na bala.
"Hah! Ano ka ngayon. Wala nang bala ang baril na yan. Tsk, dapat pala ay ikaw ang inuna ko." Pag kasabi nya non ay lumapit sya sakin at sinuntok ako sa mukha at sinikmuraan. Napahiga naman ako sa sobrang sakit at napasuka ng dugo.
Halos hindi na ako makagalaw dahil sa sakit ng katawan ko. "Yan ang nagagawa ng mga pakialamera. Dapat nga ay hindi ka madadamay dito. Kaso makulit ka eh. Pakialamera pa." sabi ni raymart sakin. May inilabas syang bala na kinuha nya sa bulsa nya at inilagay iyon sa baril nya. kinasa nya ang baril at itinutok sa ulo ni jeremi. "May gusto ka pa bang sabihin bago ka mamatay?." Tanong ni raymart kay jeremi.
Napaluha naman ako ng nginitian ako ni jeremi. "W-wag...p-please..." nanghihinang sabi ko. "M-mahal n-na m-mahal k-ko...a-ang m-mga k-kaibigan k-ko. A-t...gusto k-kong mag s-sorry p-para k-kay reigna." Nag hihingalong sabi ni jeremi. Pero wala akong nakitang awa sa mga mata ni raymart. Nginisian nya lang si jeremi at hinila ang buhok nito paangat sakanya.
"tsk. Huli na." sabi ni raymart sakanya at binaril na sa ulo si jeremi.
*BANG*
Umalingawngaw ang putok ng baril sa buong mansyon. Ako naman ay natulala at napaluha sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi totoo itong nakikita ko. Kung panaginip lang ang lahat ng ito... gusto ko ng magising. Gusto ko ng magising sa bangungot na ito."JEREMI ! MICHELLE!. Huhuhu ang sama mo! Ang sama sama mo!." Sigaw ko kay raymart.
Tumawa lang sya na parang isang demonyo sa harapan ko. "HAHAHAHAHA!. Naipaghiganti ko narin si reigna, sa wakas." Sabi ni raymart. Umalis na sya sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan sya pupunta. Wala na akong pake.
Kahit nanghihina ako ay pinilit kong lumapit sa gawi nila jeremi. "Jem...mich..." lumuluhang sabi ko sakanila. Niyapakap ko ang walang buhay nilang katawan at tahimik na umiyak.
Maya maya pa ay dumating ulit si raymart. May dala itong maliit na container. "Sama sama dapat tayo sa impyerno." Sabi nya at ibinuhos ang laman ng container. Nakaamoy naman ako ng gas. "anong balak mong gawin?." Tanong ko sakanya. Matatalim na tingin ang ibinabato ko sakanya pag tumitingin sya sakin. Kahit hindi sya nakatingin sakin ay masama parin ang pag titig ko sakanya.
"bakit hindi mo pa ako pinapatay tulad nila!." Sabi ko sakanya ng hindi nya ako tinugon kanina. "Manahik ka!. Mamamatay ka rin. Wag kang atat!." Sigaw nya sakin. Mariin akong pumikit at niyakap ng mahigpit ang katawan nila jem at mich.
![](https://img.wattpad.com/cover/62988415-288-k512150.jpg)