Josephine's POV
"Anong meron?" Tanong ko. May mga pulis din na dumating at pinatabi ang mga nakaharang na estudyante.
"ALL STUDENT'S, PLEASE GO NOW TO YOUR CLASSROOM'S." Nag si alisan naman ang mga estudyante ng pumunta na ang principal. Kami naman ay umalis nadin pero hindi naman kami lumayo sa lumang building.
Ewan ko ba, pero parang gusto kong alamin kung ano ang nangyayari. Kahit si leigh ay parang na-cu-curious din.
"Si Chief Maccoy iyon ah." Sabi ni leigh. Oo nga, nandito si Sir Maccoy.
"Ano kayang meron." -chris.
"Uy chris hindi ka pa ba uuwi?." Tanong ko sakanya. Hindi naman nya ako pinansin at hinawakan ulit ang kamay ko. Hindi naman na ako pumalag dahil hindi nya rin naman bibitawan ang kamay ko kung saka sakali.
"Sir, may nakita po kaming bangkay ng isang lalaki na naka sabit dito kanina sa may building. May mga naka sulat din sa dibdib nya." Sabi ng isang pulis kay sir maccoy.
Ipinakita kay sir maccoy ang bangkay na nasa stretcher at natatakpan ng puting kumot. Pag bukas ni sir maccoy ay nakita nya ang mga nakasulat nga sa dibdib ng lalaki.
Napa-'O' kaming tatlo dahil kitang kita din namin dito ang sinapit ng lalaki. Sinugatan ang dibdib nya upang makalikha ng isang sulat. Hindi ko nabasa ang nakasulat dahil agad din nilang tinakpan.
Napatingin sa gawi namin si Sir Maccoy. Halatang nagulat pa sya ng makita kami, ngunit agad din nawala iyon.
"JAKE! JAKE HUHUHU!." May biglang dumating na babae na sa tingin ko ay na 30+ na. Sya siguro ang nanay nung jake.
Lumapit sa gawi namin si Sir M. "Magandang hapon sainyo." Bati nya samin. Binati din namin sya.
"Hindi ba, kayo ang mga kaibigan ni Ms. Chinetta?." Tanong nya samin. Tumango kami ni leigh sakanya.
Hindi nag tagal ay dumating nadin sila jeremi, michelle at nasundan naman ni lyra. Kasalukuyan kaming kausap ni Sir M. Samantalang si chris ay pinauwi ko na.
Ayaw pa sana nya umuwi pero pinilit ko syang pauwiin dahil baka mag aalala ang magulang nya sakanya.
"Sir bakit gusto nyo po kaming kausapin?." Tanong ni jeremi sakanya.
Nandito kami sa loob ng principal office. Dito nya kami pinapunta para makausap. "Kilala nyo ba ang jake na ito?." Tanong nya samin.
Pinakita nya ang picture ni jake. Teka, sya yung bangkay kanina ah?. "Opo. Opo kilala ko sya." Sabi ni jeremi.
"Diba sya po iyong bangkay kanina na natagpuan sa lumang gusali?." Sabi ni leigh. Nanlaki ang mata ni jeremi ng marinig ang sinabi ni leigh.
"T-teka-- s-sya y-yung bangkay s-sa labas kanina?." Hindi makapaniwalang wika ni jeremi.
"Oo sya nga. Ayon sa record ng mga guard. Bumisita daw dito si jake ng hapon para daw bisitahin ang kaibigan nito. I think ikaw ang tinutukoy ni jake na 'kaibigan'. Tama ba?" -Sir M.
Tumango lang si jeremi sakanya. "At iyon nga, hindi nila napansin kung nakalabas na ito ng campus o hindi pa, dahil sa dami ng estudyante dito. Kanina lang ay nakita sya ng isang guro na napadaan sa lumang gusali na nakatali ang kamay at nakasabit sa labas ng gusali."
Ipinakita ni Sir M. Ang nakuha nilang litrato. Kahit blurry iyon ay nakita parin namin ang karumal dumal na nangyari sa buo nyang katawan.
"Ano itong nakasulat sa dibdib nya?." Tanong ni jeremi.
"Ang nakasulat jan ay 'YOU ARE NEXT, JEREMI'. Iyon ang eksaktong nakasulat sa dibdib nya."
Nagulat kaming lahat sa narinig namin. Anong ibig sabihin na si jeremi na ang susunod?.