Leigh's POV
[Evening...]
Matapos ang mahaba-habang pag pilit sakanila ay napapayag nadin namin sila na sa 2nd year building mag ghost hunt.
"Ito na ang last na gagawin natin to ah." Naiines na sabi ni jeremi samin. Nag pa cute kami ni lyra sakanya para di na sya muling maines pa.
"Wag na kayong maines samin. Promise, hindi na natin to ulit gagawin." Sabi ko sakanila.
"Talagang hindi na to mauulit." Sabi pa ni chinetta. Nag simula na kaming mag lakad sa hallway ng building. Syempre hindi mawawala ang aking phone para mag video.
Ganon parin ang pwesto namin. Nasa unahan sila chinetta at michelle. Sa likod nila ay iyong tatlo na sila lyra, jem, at jo. At kami ni ryan ang nasa likod.
"Uy guys may teacher ata na papunta." Sabi ni jo. Samin. Agad naman kaming nataranta. Siomai! mahuhuli na naman kami.
"Guys kanya kanya ng tago." Sabi ni ryan samin. Agad kaming nag hiwa hiwalay. Nasa second floor na kami. Umakyat ako papuntang 3rd floor. Kasama ko si lyra.
***
3rd Person's POV
Nag kahiwa hiwalay ang mag kakaibigan. Napunta sila leigh at lyra sa 3rd floor. Isa isa nilang binubuksan ang pintuan ng kada classroom para alamin kung may bukas pa. Para doon sila makapag tago.
"Lyra!, dito. Bukas ang pintuan." Pag aya ni leigh kay lyra na ngayon ay naluluha na sa kaba na baka mahuli sila.
Pumasok naman sila sa room at isinarado na ang pinto para makapag tago na. Halos maihi silang dalawa sa kaba. "Nakakaines!, dapat pala ay hindi na talaga natin to tinuloy." Sabi ni lyra.
"Sshhh! Tumahimik ka muna. Baka may makarinig satin dito." -leigh.
Tinanguan lang ni lyra si leigh at di na muling nag salita pa. Pinakiramdam nila ang teacher na madadaanan ang room na pinag tataguan nila.
***
Sa kabilang banda naman ay mag kasama ang tatlo na si jeremi, michelle at josephine. Nag tago silang tatlo sa likod ng building na iyon.
Halos hindi narin nila makita ang isa't-isa dahil sa sobrang dilim ng kanilang pinag tataguan.
"Natatakot na ako." Sabi ni josephine. "Wag kayong matakot. Mag kakasama naman tayong tatlo e." Pag papanatag loob na sabi ni jeremi sakanila.
"Nasan na kaya sila chinetta, lyra, at leigh?." -michelle.
Silang tatlo ay nakaramdam ng panlalamig dahil sa biglang pag ihip ng malakas na hangin. Nag sitaasan din ang kanilang mga balahibo dahil sa kilabot na kanilang nararamdaman.
***
Sa kabilang dako naman ay mag isa lang si chinetta na nagtatago sa rooftop ng building. Tanging itong building lang ang may rooftop pero isinara rin ito dahil masyado daw delikado para sa mga estudyante dito.
Hindi din naka-kandado ang pinto papasok ng rooftop, bagkos ay nilagyan lang ito ng sign na nag sasabing bawal pumasok dito.
Dahil mag isa lang si chinetta ay hindi nya maiwasan na hindi mag isip ng kung ano-ano.
"Ano ba chinetta. Wag kang matakot. Walang mangyayaring masama sayo." Bulong nya sa sarili nya. Pero hindi parin ito nakatulong sakanya.
Dahil sa kanyang malikot na pag iisip ay nag hallucinate sya na may taong nakatayo malayo sakanya.
Lalo syang natakot at napa siksik sa pinag tataguan nya. Nakatago sya sa mga lumang upuan na pinag patong-patong kaya nakagawa ng harang sapat na para makapag tago sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/62988415-288-k512150.jpg)