Chinetta's POV
"Pwede ba kitang maging kaibigan?." Tanong ni nerdy sakin -_-. Nakakairita ang babaeng to. Masyadong bida bida. Akala mo naman kung sino.
"A-YO-KO!" Sabi ko sakanya at tinulak sya. Nagulat ako ng may nag siliparang uwak sa kinatatayuan ko. "Ahhh...ano ba!! Lumayo kayo sakin!!." Sigaw ko. Nawala ang mga uwak pero biglang dumilim ang paligid. Teka? Ano bang nangyayari?.
"BAKIT!...BAKIT AYAW MO AKONG MAGING KAIBIGAN! GUSTO KO LANG NAMAN MAG KAROON NG KAIBIGAN!!!." Sigaw nya sakin. Nagulat ako ng mag iba ang itsura nya. Naging isa syang nakakatakot na nilalang. Ang mukha nya ay hindi ko maipaliwanag.
"AHHH!" Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang alam ko lang ay tumatakbo ako sa kawalan.
"Wala na kayong kawala..." na-estatwa ako ng mahawakan nya ako. "Wala na kayong kawala..." bulong nya sakin.
Kinilabutan naman ako doon. "Ano ba! Bitawan mo ako!!!." Sigaw ko sakanya. Biglang lumiwanag at sa isang iglap ay nasa rooftop na ako ng school namin. "Mag iingat ka... dahil wala ka ng kawala." Pag kasabing pag kasabi nya sakin non ay itinulak nya ako.
"Ahhhhh!"
Hinihingal na napabalikwas ako sa kinahihigaan ko. Aiiish! >_< ano ba iyang napaginipan ko. Binabangungot na naman ako. Tumayo ako at nag lakad papalabas ng kwarto ko.
4am palang pala. Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Pag katapos non ay bumalik ulit ako sa higaan ko. Naalala ko na naman ang napaginipan ko. Paulit ulit akong binabangungot ng nakaraan.
Ano ba chinetta! Wala ka naman kasalanan sa nangyari. Napasabunot nalang ako sa buhok ko at bumalik ulit sa pag tulog.
***
Jeremi's POV
[Afternoon...]
"uy jem may assignment ka?" Tanong ni lyra sakin. Umiling lang ako sakanya. Hindi ko na nagawa ang assignment ko dahil natakot ako kagabi. Gabi na kasi ako nakauwi samin kagabi. Dumaan pa kasi ako sa church namin.
"Eh ikaw leigh?." Tanong ni lyra kay leigh na busy sa pag babasa sa wattpad. Adik sa wattpad iyan eh. Silang dalawa ni chinetta.
"Wala din eh. Kay jo. nalang tayo kumopya. Malamang may gawa iyon." Sabi nya samin. Grabe new year na year wala parin kaming pinag bago >_<.
Nandito na kami sa school at iniintay ang uwian ng pang umaga para makapasok na kami sa room. Wala pa sila michelle,josephine, at chinetta.
"Uy nanjan na si michelle oh." Sabi ni lyra. Speaking of michelle. Nandito na nga sya. Malamang ay wala rin tong gawang assignment. "Uy kailan tayo mag pa-practice ng cheerdance?." Tanong ni michelle. Si chinetta kasi ang mag le-lead samin eh.
"Ewan ko kay chinetta." Sagot ko sakanya. Hindi nag tagal ay dumating narin si josephine at si chinetta na parang...tulala?.
"Uy chi ayos ka lang?." Tanong ni leigh sakanya. Tumango lang si chinetta sakanya. Problema kaya ng babaeng to?.
***
[ROOM]
"Blah...blahh...blaah...blahh..."
*yawn* inaantok ako. Itong si ma'am naman ay nakaka antok mag turo -_-. "Ok goobye section eternity." Sabi ni ma'am samin. Sya iyong teacher namin sa T.L.E.
"Goodbye ma'am." Sabi naming lahat. Panigurado wala na namang papasok na susunod naming subject teacher -_-. "Uy jem tara mantrip tayo." Yaya ni leigh sakin.