Leigh's POV
Monday...
Yehey! May pasok na ^_^. Kaso parang nabitin ako sa bakasyon hahaha joke lang. Miss ko na kaya ang mga baliw kong kaibigan.
By the way nandito na nga pala ako sa school. 4th year highschool na kaming mag kakaibigan at obvious na obvious naman na mag kakaklase kaming anim.
Section eternity kami at pang hapon din kami. Dahil sa sobrang excited ko ay maaga akong pumasok kaya napag isipan ko na tumambay muna sa mini forest dito sa school habang hinihintay iyong mga baliw kong kaibigan. Sa isang public school kami nag aaral.
Itong mini forest ay tambayan na ng S.A.E.F simula nung naging anim kami. Ang totoo nyan ay nung 3rd Highschool palang kami ay a-apat palang kaming S.A.E.F. Kami kami palang nila chinetta, jeremi, at josepihine. Isang taon na kaming mag kakaibigan hanggang sa iyon nga naging anim kami nung mag 4th year highschool na kami.
Doon lang namin na-meet sila michelle at lyra. Hindi naman kasi namin sila naging kaklase noon. Ngayong year lang at nakakatuwa lang dahil dumadami na kami.
Ang nakakalungkot lang ang iyong sa susunod na pasukan ay hindi na kami mag kakasama dahil nga sa iba't ibang eskwelahan na kami mag aaral pag nag kolehiyo na kami.
Kaya nga ini-enjoy na namin ang mga araw na mag kakasama kami. Kaming mag kakaibigan ay mahilig mag adventure at gumawa ng kung ano anong ka-wirdohan.
Nasubukan na naming gumawa ng kwek-kwek na kulay blue, dahil nga paborito namin ni jeremi ang kulay blue. Nakagawa narin kami ng Hot Cake na color blue ulit. Hahaha! Birthday pa naman ni michelle iyon nung ginawa namin iyon.
Yun nga lang kulang kami non dahil hindi nakapunta si josephine. Halos maumay ako sa hotcake na iyon. Naranasan narin naming mag DRESS, as in iyong pormal na pormal ang suot naming lahat nung nag mall kami. Iyon yung panahon na cenelebrate namin ang aming First Friendship Anniversary.
"HOY LEIGH!" Nagulat ako dahil may sumigaw ng pangalan ko. Alam na nag re-reminiscing ako dito eh. Hinanap ko kung sino ang tumawag sakin at natuwa ako dahil sila lyra at michelle pala iyon.
"Omygosh! Kamusta na kayo?. Musta ang bakasyon nyong dalawa?" Tanong ko kaagada sakanila. "Syempre happy ^_^." Sagot ni lyra. Nag chikahan lang kaming tatlo hanggang sa isa isa naring dumarating sila jeremi ,josephine at si chinetta.
Grabe na miss ko silang lahat ^_^.
***
Josephine's POV
Nandito na kami sa room at syempre, hindi na naman pumasok sa klase ang first subject teacher namin. T.L.E pa naman ang first subject namin.
Dahil wala kaming teacher ay naisipan naming mag kwentuhan tungkol sa mga crush namin. "Uy guys alam nyo ba nakakakilig si francis >_<. Ang sweet nya pag mag katxt kami." Sabi ni leigh samin. Si francis ay kaklase namin. At kalat na kalat sa room na may crush si leigh kay francis.
Ang alam ko ay may crush din sakanya si francis eh. Ewan hindi ko sure. "Buti ka pa. Ako nga hindi manlang mapansin pansin ni crush." Malungkot na sabi ni lyra. Iyong crush nya kasi ay woman hater. Hindi nga rin sya kilala ng crush nya eh. Ang masaklap ay hindi pa namin kaklase iyong crush nya dahil pang umaga sya at sa ibang section pa.
"Nako lyra wag ka ng umasa kay gab. Anjan naman si charles eh. Yiiiih!" Asar ni chinetta at jeremi sakanya. "Eh ikaw jeremi? Hanggang ngayon ba ay pinapantasya mo parin si roy?." Tanong ni lyra sakanya.
Natahimik lang si Jeremi at bahagyang tumawa. "Hindi na no. Move on na ako sakanya. Atsaka sa araw araw ba namang pinapamukha nyo sakin na wala talagang pag asa na maging kami. Kaya narealize ko rin na mag move on na nga lang." Mahabang lintyana nya.
