Someone's POV
Humanda na kayo.
Dahil wala akong bubuhayin ni isa sainyo.
***
Josephine's POV
Holding hands doon, holding hands dito. Landian here, there, and EVERYWHERE.
Feb 14 na kasi ngayon at itong may mga kasintahan ay todo landian. Hindi ako bitter ah -_-.
"YIIIIIIH!"
May mga nag tiliang babae at nag hiyawang lalaki ng may isang guy na nag surprise sa GIRLFRIEND nya -_-.
"Edi sila na may forever." Sabi ni leigh na nasa tabi ko lang. Nandito na kami sa school. Kompleto na kaming S.A.E.F maliban kay chinetta.
"Guys, nag txt si chi. Hindi daw sya makakapasok." Sabi ni lyra samin na busy sa pag ce-cellphone.
"Bakit daw?." Tanong ko.
"Ewan. Walang sinabi eh." -lyra.
***
[CLASS ROOM]
Katulad nang inaasahan ko ay walang teacher na pumasok samin. Walang mag tuturo samin ngayon dahil valentines naman daw.
Kanya kanya kami ng pakulo para i-surprise ang kada subject teacher's namin.
Kahit papaano ay natuwa naman sila sa mga pakulo namin. Sayang lang at wala si chinetta dito.
***
Chinetta's POV
*Beep*
Kinuha ko ang cp ko at tinignan kung sino ang nag txt sakin. Baka isa sa mga girl friends ko.
Hindi ako pumasok ngayon dahil masama ang pakiramdam ko. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nilagnat.
Fr. Unknown
-Pumunta ka sa lumang building dito sa school. May ipapakita ako sayo.
-END-
Sino naman to?. Nireplayan ko sya.
To: Unknown
-sino to?
-send-
Hindi na sya nag reply ulit. Sino naman kaya to?. Kinakabahan ako. Atsaka bakit kailangan kong pumunta sa lumang building ng school?.
***
Josephine's POV
Malapit nang mag uwian. Bago kami mag uwian ay binigyan kami ng mga kaklase naming lalaki na may mga crush samin ng mga valentines gift.
Ako, nakatanggap ako ng gift kay ron jarred. Ang friend ko.
Si jeremi naman ay nakakuha ng choccolate galing kay denver.
Si leigh, michelle, at lyra lang ang hindi nakakuha ng valentines gift. Maliban lang ng bigyan kami ng tig iisang choccolate ni ryan.
"Uy jo. Si chris?. Anong valentine gift nya sayo?." Makahulugang tanong ni jeremi sakin.
"Ewan. Wala nga syang binigay eh. Atsaka hindi naman ako umaasa na bibigyan ako ng lalaking yun." Sabi ko sakanila. Sa totoo lang ay nalulungkot ako.
Nag lalakad na kaming lima papalabas ng school. "Uy jo. Si chris ba iyong nasa labas ng gate?." -leigh.
Napatingin naman ako sa labas ng gate. At tama si leigh nasa labas nga si chris at may hawak syang... teddy bear?.
"Ayiih!. Speaking of valentine gift. Mukang may pakulo ito si chris sayo ah." Sabi ni michelle sakin at sinundot sundot pa ang tagiliran ko.