Chapter 7

9 1 0
                                    

Chinetta's POV

Pag katapos ng pangyayaring naganap kay fiona ay balik na ulit sa dati. Na parang wala lang ang nangyari.

Hindi narin nila inalam kung bakit nag pakamatay si fiona. Maraming sabi sabi na baka depressed sya dahil namimiss na nya ang mga magulang nya.

Maaga kasing naulila si fiona. Tanging ang auntie nya lang ang kamag anak nya pero parang wala itong pakialam sakanya.

Pero ako, inaalam ko ang dahilan kung bakit sya nag pakamatay. Hindi sya yung tipo ng taong bigla bigla nalang susuko.

Matapang sya at palaban. Mag kaparehas lang kami ng ugali nyan kaya nga kami naging mag bestfriend noong kami ay 1st year at 2nd year h.s.

Nung nag 3rd year na kami ay madalang nalang ang aming pag uusap at pag kikita dahil hindi na kami naging mag kaklase non. At isa, pang umaga sya at pang hapon naman ako non. Kaya hindi na talaga kami halos mag kita at mag usap.

Pero minsan ay mag katxt naman kami. Iyon nga lang MINSAN LANG.

*sigh*

Sabado ngayon at pupunta ako sa bahay nila fiona dahil doon sya naka burol. Isinama ko rin leigh. Sabi nya kasi ay gusto nya rin daw sumama. Kahit si ryan ay sumama din samin dahil kilala nya daw si fiona.

Hindi ko sya tinanong kung paano nya nakilala si fiona. Nag simula na kaming bumyahe papunta kila fiona.

***

Nang makarating kami ay halos wala ng madaanan dahil sa dami ng tao sa labas palang ng bahay nila fiona.

Paano pa kaya sa loob?. Nandito din ang mga dati kong kaklase at guro. Iyong iba naman ay hindi ko na halos kilala at hindi narin sila pamilyar sakin.

Sila siguro ang mga bagong kaklase ni fiona. Pumasok na kaming tatlo sa loob. Sabi na nga ba eh. Marami ring taong nandito na nakikiramay.

"Chinetta ikaw ba iyan?." Tanong nung auntie ni fiona sakin. Ang laki ng pinayat ng auntie ni fiona at namumugto din ang mga mata nito.

Marahil ay hindi nya rin inaasahan na mangyayari ito kay fiona. "Opo, ako po ito." Sagot ko sakanya.

"Hija pwede ba kitang maka usap?." Tanong nya sakin.

"Oo naman po."

"Wag tayo dito mag usap hija." Sabi nya pa ulit sakin. Nag paalam muna ako saglit kila leigh at ryan at sumama kay sa auntie ni fiona na si ate lourdes.

Pumasok sa isang kwarto si ate lourdes kaya sinundan ko sya. Ang kwartong kanyang pinasukan ay ang kwarto ni fiona.

'Ano kayang ginagawa namin dito?' Sa isip isip ko. May kinuhang isang pink na notebook si ate lourdes (pangalan ng auntie ni fiona) at iniabot ito sakin.

"B-bakit nyo po ito ibinibigay sakin?." Naguguluhan tanong ko.

"Hija, para sayo ang notebook na iyan. Hindi ko alam kung ano ang mga nakasulat jan dahil hindi ko naman pinapakialaman yan. Nang mag pakamatay si fiona ay may hawak syang papel. Ito iyon oh." Paliwanag nya at ibinigay ang papel sakin na may bahid pa ng dugo ni fiona.

"Hija, maiwan muna kita saglit. May aasikasuhin lang muna ako sa labas." -ate lourdes.

"Sige po."

Binuksan ko ang papel at may nakalagay nga na sulat doon na nag sasabing ibinibigay nya sakin ang pink na notebook.

Ito ang nakasulat: 'kung sino man ang makakabasa nito ay gusto ko na sana na hanapin nyo si CHINETTA VICENCIO at ibigay sakanya ang pink kong note book na nakatago sa drawer ng aking kwarto.'

YOU ARE NEXTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon