Josephine's POV[Afternoon...]
Nandito na ako sa school at kasalukuyang nag tuturo ang math teacher namin. "Ms. Felicano, can you answer this problem given in the board." Sabi ng teacher kay leigh.
Wala sa sarili na tumayo ito at kinuha ang chalk sa teacher. Agad syang nag sulat sa board. "Very good ms. felicano." Bumalik na ulit si leigh sa upuan nya at nakatulalang nakatingin sa kawalan.
Nag taka naman ako sa inasal nya. Nasan na ang jolly at talkative na leigh?. Kahit sila jeremi at lyra na kadalasang pinaka maingay dito sa room ay tahimik.
Kahit ang mga kaklase ko ay nag tataka na sakanilang tatlo. Eh ako at si michelle ay hindi naman ganon kadaldal, kaya wala namang nag bago samin ni michelle. Maliban sa tatlong to.
Masyado ata nilang dinamdam ang pag kawala ni chi.
***
Jeremi's POV
Breaktime na namin ngayon. Nandito kaming lima sa mini forest nakatambay. *sigh* Hindi ako sanay na kulang kami.
Tahimik lang kaming lima ng biglang binasag ni leigh ang katahimikan at nag salita.
"Hey guys?. Masyado na tayong madrama at malungkot. For sure hindi gusto ni chi na ganito tayo." Napangiti lang ako at nag salita din.
"Oo nga. Walang mang yayari kung patuloy lang tayong mag durusa. Let's move on guys, pero syempre wag na wag nating kakalimutan si chi." Sumang ayon silang lahat sakin. Nag karoon ulit ng katahimikan. Pero maya maya lang ay nag tawanan kami ng walang dahilan.
"Hahaha naalala ko iyong mukha ni leigh kanina. Naka-Poker face, ang pangit. Di bagay sayo." Pang aasar ni lyra kay leigh.
"Mas grabe naman ang itsura ni jem. Mukhang zombie. Hahahaha!." Sabi ni leigh. Tawa lang kami ng tawa at nag patuloy lang kami sa asaran namin.
Hindi kami matatawag na S.A.E.F kung hindi kami mag aasaran at mag lalaitan. Hindi kasi uso ang purihan samin. Ang pang lalait samin ay parang compliment na. Pag may ibang tao na pinupuri kami, agad kaming nag lalaitan.
Pero ang totoo, lahat kami ay magaganda at may ibubuga. Talented ata kami no. "Sana chi dalawin mo si jem. Tapos takutin mo sya." Sabi ni lyra. Sa totoo lang ay takot ako sa multo at ayoko rin masyadong nanunuod ng horror movies.
Dahil kahit wala pa sa part na nakakatakot ang pinapanuod ko ay nag tititili na agad ako. Lalo na pag suspense. I admit it -_-. Matatakutin akong tao.
Kaya pag nanunuod kami ng horror movie sa house nila leigh (pambansang tambayan ng S.A.E.F) ay lagi nila akong tinatakot at pinag titripan.
"Nako, nako. Jan kami mag kakatalo ni chi. Uy chi wag na wag na wag mo akong madalaw dalaw. Hayaan mong ako ang dumalaw sayo." Sabi ko na parang nandito lang si chi na kasama namin.
***
Pabalik na kami sa room nang may biglang lalaking nang harang sakin. "Excuse me." Sabi ko rito.
Pero hindi nya ako pinadaan. Pinauna ko na sila leigh at tinignan kung sino man ang taong to na ayaw akong padain. Nakingiti ito sakin. "Kilala ba kita?" Mataray na tanong ko rito.
"Grabe ka naman jeremi. Ilang taon lang tayong hindi nag kita kinalimutan mo na agad ako." Umakto pa ito na parang na-hurt sa sinabi ko kanina.
Tinitigan ko sya ng mabuti at napa-'O' pa ang labi ko ng makilala ko sya. "JAKE?. JAKE! IKAW NGA!." Hindi ko na sya namukhaan dahil nag iba ang itsura nya. I mean mas gu-mwapo sya hihihi.
![](https://img.wattpad.com/cover/62988415-288-k512150.jpg)