Chapter 9

1.6K 37 1
                                    

Yumiko

I took one last look at myself in the mirror before walking outside my room. Alistair stood up as soon as I reached the last step of the stairs.

"Alis na po kami." magalang na paalam nito nang makalapit ako sa tabi niya

"Take care, mga anak." nakangiting sabi ni mommy bago humalik sa amin

We bid our goodbyes and went outside the house. Pinagbuksan ako ni Ali ng pinto ng kotse niya at umikot para mabilis na makapunta sa driver's seat.

"What's the occasion all about?" I asked as soon as he opened the car engine

"Baby shower." tipid na sagot nito habang nakatingin sa daan

Gulat akong tumingin sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Baby shower? Do you mean Ate Val is pregnant during the wedding?" gulat na tanong ko rito

"Yeah. You have no idea?" tanong nito pabalik sakin at mabilis na sumulyap sa gawi ko

"Ilang months na? I don't even have a gift for her." patuloy na pagtatanong ko rito

"She's two months pregnant. They held this party dahil hindi na daw sila makapaghintay hanggang sa malaman ang gender ng baby. She told me not to bring a gift. Binilin niya sa akin na wag kang pagdalahin ng regalo." paliwanag nito

"Why? She even got me this dress." nakasimangot na sabi ko rito

Nakakahiya naman na baby shower niya pala tapos siya pa ang nagbigay sa akin ng regalo. She gave me this yellow dress and told me that I should wear it on this day. Hindi ko man lang natanong kung anong okasyon, yun pala ay baby shower.

I'm a little bit uncomfortable with the dress though. It's a little bit short that it only reached three-inches above my knee. The color is great but I don't really like bright colors. I don't also light colors lalo na pag may period ako. Baka mamaya magkatagos ako.

Hindi rin nakatulong ang pagiging off-shoulder nito at ang pagiging hapit sa bewang. Flowy din ito at pag humangin ng malakas siguradong tataas ang laylayan nito at makikita ang cycling shorts ko. Sa ganitong pagkakataon ko pinagsisisihan na maikli ang buhok ko dahil hindi nito naitatago ang balikat ko.

I looked at Ali again when I realized something.

"Nandoon din ang mga kapatid mo?" gulat na tanong ko

"Yeah. Kaya nag-aalangan din akong isama ka kanina." nakangising sabi nito na parang may nakakatuwa sa tanong ko

"Why?" takang tanong ko sa kanya

"It's your red flag. You might snap at any person who will try to annoy you." nakataas ang kilay na sabi nito

"And I think your sister will be the first one I'll snap at." mataray na sabi ko sa kanya

Tumingin siya sa labas nang maipark ang kotse niya at doon niya nakita ang demonyita niyang kapatid. Nakakapang-init ng ulo ang mukha nitong parang kulugo na tinibuan ng mukha. May gana pa talaga itong ngumiti ng matamis. Napakaplastic. Tupperware. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Drizella, kapareho niya ng pangalan ang step-sister ni Cinderella.

Naughty VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon