Yumiko
Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kisame ng kwarto ni Niall. Naiwan akong mag-isa pagkatapos ng mga nangyari. Hindi nangyari ang bagay na inaasahan kong mangyari. Taliwas sa plano ang lahat ng nangyari.
"I don't make love. I fuck. Hard." paos na bulong nito at nanindig ang balahibo ko sa kaba
Napalunok ako at napatitig sa mata niyang madilim dahil sa pagnanasa. Magsasalita sana ako nang umalis siya sa ibabaw ko at naupo sa tabi ko. Umaabot sa pandinig ko ang paghahabol niya ng hininga.
"You're drunk. Sleep here. I'll be sleeping in the guest room."
Iniwan niya ako sa kwarto pagkatapos sabihin iyon. Napabuntong-hininga ako bago bumangon at sinuot ang pajama na bigay niya kanina. Lihim akong nagpapasalamat na hindi natuloy ang balak ko. Parang ngayon ko lang narealize na hindi ko dapat gawin iyon dahil sa paghihiganti ko.
Nilapitan ko ang picture ni Hikari at Niall. Wala sa sariling hinaplos ko iyon at napangiti ng mapait.
Sorry, dongsaeng. I can't stop now.
Bumigat ang loob ko dahil sa nangyari kaya tinawagan ko ang nag-iisang tao na kayang pagaanin ang loob ko. Wala pang dalawang ring ay sinagot nito agad ang tawag ko.
"Alistair..." nanghihinang tawag ko sa boses niya
[Hmm... Is there something wrong?] tanong nito sa malambing na boses pero mababakas doon ang pag-aalala niya
"Can you sing for me?" paghingi ko ng pabor dito at isinantabi ang lalamunan kong parang may bumara dahil sa pagpipigil ko ng luha ko
[🎶 🎶 Wherever you go, just always remember. That you got a home for now and forever. And if you get low, just call me whenever. This is my oath to you. Wherever you go, just always remember. You're never alone, we're birds of a feather. And we'll never change, no matter the weather. This is my oath to you 🎶 🎶]
Tahimik akong napaluha nang marinig ko ang malamig niyang boses. Lagi niyang kinakanta ang kantang iyon tuwing nararamdaman niyang malungkot ako.
This man will always be my hero, no matter what.
[Are you okay now?] tanong nito nang matapos kantahin ang stanza ng kantang 'yon
"I will be okay. Don't worry." nakangiting sagot ko at pinigilan ang pagkabasag ng boses ko
[Can you still remember how we met?] biglang tanong nito at kahit hindi ko siya makita ay alam ko na nakangiti siya
Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa nakaraan dahil sa sinabi niya. I can vividly remember how skinny he was before. Kakatapak lang naman sa high school nang magkakilala kami. He was a scholar in our school. Hindi sila mayaman at makikita ang hirap nila sa buhay dahil sa lumang mga gamit niya.
Pero kahit ganoon masipag siyang mag-aral, masungit nga lang. Ayaw niyang makipagkaibigan at ako ganoon din ako dahil mahiyain ako. Hiwalay na school kami ni Hikari kaya wala talaga akong kaibigan. Masungit si Ali pero alam kong mabait siya kaya lagi ko siyang kinukulit hanggang sa sumuko siya at walang nagawa kundi kausapin ako.
Maraming nangyari noong highschool kami. His grandmother died noong nasa ikalawang taon namin sa highschool. Siya nalang ang natitirang pamilya niya at hindi siya tanggap ng pamilya ng ama dahil anak nga daw siya sa labas. Nakita ko kung paano gumuho ang mundo niya dahil nawala ang lola niya. He's not considering me as a friend kaya hindi ko siya malapitan.
Until one day, hindi siya pumasok. Nag-aalala ako dahil siya lang ang kaibigan ko at alam kong may problema siya. Then I saw him standing on a bridge, crying.
BINABASA MO ANG
Naughty Vengeance
General FictionI will make you mine, Niall. You will worship me even the damn floor I am walking on. Mamahalin mo ako at sisiguraduhin ko na ako lang ang makikita at titingnan mo at wala ng iba pa. Wait for me, Mr. Miller. I will come and make my naughty sweet ven...