Chapter 13

1.1K 40 10
                                    

YUMIKO

Humihikab na lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina nang maamoy ang niluluto ni Alistair. I'm wearing his shirt and pajama na malaki sa akin pero ayos lang sa akin dahil presko iyon sa pakiramdam.

"What are you cooking?" inaantok na tanong ko kay Alistair at umubob sa mesa

"Bacon and egg. Ba't ka ba bumangon kung inaantok ka pa? Don't sleep in the dining area." strikto ang boses niya kaya ngumuso ako pero hindi ko tinaas ang ulo ko

"I have to go to work today. Magreresign ako sa company ni Niall. I hope he will let me go willingly. I have to help you in the firm." inaantok pa ring sabi ko

"Mabuti naman at naisipan mo 'yan. Pero bago ang lahat, sana maisip mong umuwi sa bahay at hindi mamalagi dito sa bahay ko. Nadadamay ako sa'yo. Mas gusto kong manatili sa bahay kasama sila dad." Sermon nito sakin

Umagang-umaga ay nanenermon na ito. Minsan talaga napapaisip ako kung siya ba talaga ang totoong nanay ko at hindi si Yoona Park. Daig pa nanay ko sa kakasermon.

Ilang araw na rin akong hindi umuuwi sa amin dahil masama pa rin ang loob ko kay daddy. Mula nang umalis ako ng bahay, wala akong natanggap na text o kahit isang tawag mula sa kanya kahit kay mommy, kay papa o kay lolo.

"Hindi nila ako kino-contact. Baka ayaw nila akong umuwi." nagtatampong sabi ko

Ali sighed and sat beside me.

"Miko, you know you did something wrong, right? You know how much they love you. There must be a reason kung bakit hindi ka nila kinontact. Maybe they want to give you some space and they know that you're in good hands." malumanay na paliwanag nito sa akin

"Ayoko. Hindi naman ganoon dati si daddy. Pinaglilihiman na nila ako ngayon tapos tungkol pa sa kakambal ko. Even Niall won't talk! They're keeping us in the dark. Wala ba tayong karapatan malaman ang totoo? Malalaman ba natin lahat kapag huli na ang lahat tulad ng mga napapanood ko sa TV at nababasa ko sa mga libro? I'm not a child anymore. Kaya ko namang umintindi pero bakit sila naglilihim sakin?" naiiyak na tanong ko

Masamang-masama ang loob ko dahil sa ginawa ni daddy. Pinalabas niya ako na parang wala akong karapatan malaman ang ibang parte ng buhay ng kakambal ko. Na parang magiging pabigat lang ako doon at makakagulo o baka walang maitulong. That's what I felt when he told me to go out.

"Miko, let's just try to understand them. Okay?"

Umiiyak na tumayo ako at iniwan siya doon. He called me but I didn't listen to him. Dire-diretso ako sa kwarto ko at nag-lock ng pinto.

I just want to know everything that happened. I just want to help get justice for my sister. I felt so unworthy and useless as a big sister. Namatay ang kakambal ko nang wala man lang akong kaalam-alam kung bakit. Namatay siyang hindi ko alam na nagkaroon siya ng nobyo. Namatay siyang hindi ko alam na buntis siya. Namatay siyang wala akong ka-ide-ideya sa mga problema niya.

I was supposed to be her confidant, her partner in crime. But she's gone and she buried everything with her.

I just decided to stay at home instead of going to work. Lumabas lang ako ng kwarto nang masiguro kong umalis na si Alistair. Hindi na ako nito kinatok sa kwarto bago umalis. Kumain muna ako bago muling umakyat sa kwarto ko.

I scanned some books and read silently when I found an interesting one. Pinatay ko ang phone ko at nilagay iyon sa loob ng cabinet. I want peace of mind and these books will give it to me.

Magdidilim na nang matapos ko ang librong binabasa ko. I closed the book and looked outside the window. Nanikip ang dibdib ko nang maalala ko si Hikari. She usually suddenly appear in my room and ask me favors like cooking for her. Minsan naman ay tatambay lang ito sa kwarto ko at guguluhin ako habang nagbabasa o gumagawa ng trabaho.

Naughty VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon