YUMIKO
Napairap ako sa sarili ko nang marinig ko nanamang umuubo ang kakambal kong ubod ng katigasan ang ulo. Nag-angat ako ng ulo mula sa librong binabasa ko at binigyan ng masamang tingin si Hikari.
"Iyan ang napapala ng mga matitigas ang ulo. Ano? Uulit ka pa ba sa pagligo sa ulan? Ha?" masungit paglilintanya ko sa kanya
Ngumuso ito na parang bata sa akin kaya inirapan ko siya at mas tinaliman ang tingin ko.
"Hindi ko naman alam na magkakasakit ako." pagrarason pa nito
Umirap na lang muli ako at bumalik sa pagbabasa. Nandito siya sa bahay namin dahil ayaw niyang umuwi ng may sakit. Nirason niya kay papa na na-miss daw niya ako kaya nagsleep over muna siya.
"Ayaw mong nakukunsumi si papa pero ako naman ang kinukunsumi mo sa pagiging pasaway mo." panenermon kong muli
Nagulat ako nang makitang nasa tabi ko na ito nang mag-angat ako ng ulo. Nakangiti ito ng matamis sa akin kaya napangiwi ako at lumayo sa kanya. Alam ko ang mga ngiti niyang ganyan. Ngiting may kailangan 'yan!
"Stay away from me, human virus!" naiinis na sabi ko at lumayo pa sa kanya ng lumapit pa siya
"Ate, favor naman oh. Pretty, please. Pleaaaaaase." pinapungay niya ang mga mata niya
"No!" masungit na tanggi ko dahil baka mamaya kung ano pang kalokohan ang maisip niya
"Ate, alam mo ba, may nambubully sa akin sa University. Sabi niya bobo daw at pangit kaming mga taga-nursing Department. Buti pa daw silang mga Tourism Department, magaganda na nga, sexy pa at matatalino pa daw. Kaya wala daw kaming karapatan sumali sa mga pageant sa school namin para sa upcoming anniversary ng V&A University.
Tapos sabi pa niya sigurado daw hindi kami makakapasok kahit sa preliminaries ng pageant. Grabe talaga, ate. I'm so hurt pero I want to prove her wrong! Mukha namang payaso yun eh tsaka retokada, palibhasa rich kid. Sumali kami sa pageant at ako ang representative. Maganda kasi yung mga prizes at may mga incentives na marereceive ang department ng mananalo.
Kaso bukas na 'yon tapos may sakit ako ngayon. Sigurado di ako makakapunta. Hays, siguro tatanggapin ko nalang na totoo ang sinabi ng payaso na 'yon." suminghot-singhot pa ito at may papunas-punas ng imaginary luha sa mata niya, halatang nagpapaawa
Pero kahit alam kong nag-iinarte ito ay alam kong totoo ang mga sinasabi niya. Umaarte lang talaga siyang mahina para mas kaawaan ko siya. Nainis ako sa kwento niya at malakas na sinara ang librong binabasa ko.
"Give me all the details! I'll be your proxy!" inis pero determinadong sabi ko
Sisiguraduhin kong lalampasuhin ko ang payaso na yun na umaaway sa kapatid ko. Ang lakas naman ng loob niyang sabihin na pangit at bobo ang kakambal ko. That's also an insult to me!
Napapalakpak sa tuwa si Kari at sumisinghot singhot na yumakap sa akin. Totoong sumisinghot siya dahil sinisipon siya.
"Ate, ikaw nagsabi niyan! Hindi kita pinilit at ikaw ang nagvolunteer, diba? Diba?" tuwang-tuwa na sabi nito habang tumatalon na nakayakap sa akin kaya halos masama ako sa pagtalon niya
"Alam mo lang talaga kung paano lalambot ang puso ng ate mo sa'yo." masungit na komento ni Ali na kakapasok lang sa kwarto ko
Masayang bumaling sa kanya si Kari at yumakap sa braso niya. Napailing ako nang makitang namula ang tenga ni Ali. He's too obvious.
"Samahan mo ang ate Mimi ko, ha? Tapos i-video mo siya, okay?" nakangiting request nito kay Ali na tahimik na tumango sa kanya
"Ibabalita ko kay tito at mommy!" masayang sabi nito at nagtatakbo palabas na parang bata

BINABASA MO ANG
Naughty Vengeance
Ficción GeneralI will make you mine, Niall. You will worship me even the damn floor I am walking on. Mamahalin mo ako at sisiguraduhin ko na ako lang ang makikita at titingnan mo at wala ng iba pa. Wait for me, Mr. Miller. I will come and make my naughty sweet ven...