Chapter 1

6.4K 74 26
                                    

Yumiko

"Ate, inaaway niya ako!"

"Hoy! Wag niyong awayin 'tong kapatid ko kundi lagot kayo sakin!"

"Bleh! Sabi sa inyo nandito ate ko eh!"

"Hikari, ikaw ba inaaway o ikaw ang nang-aaway?"

"Eh ate sabi nila hindi daw ako maganda! Maganda ako diba? Diba? Magkamukha tayo ate, diba? Diba?"

"Syempre naman! Mas maganda ka nga sakin eh. Wag kang mag-alala. Ate will always save the day."

Hinihingal akong napabalikwas mula sa pagkakahiga ko. Pinahid ko ang pawis ko sa noo at pilit kinalma ang puso ko na mabilis na tumitibok. I've been having these dreams since she died. Those dreams were my memories with her.

Kinuha ko ang isang unan ko at doon ako umiyak. Hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ng kakambal ko. Hindi ko naisip kailanman na darating ako sa punto na ipagluluksa ko ang pagkamatay niya. At ang hindi ko pa matanggap ay ang pagkamatay din ng pamangkin ko sa sinapupunan niya.

"Miko, anak. Open the door, please. I know you're awake." my mom softly said behind my door

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko. I know I looked like a mess but I didn't mind. Yumakap ako kay mommy at umiyak sa balikat niya.

"Everything will be fine, anak. Be strong." malumanay na sabi ni mommy habang hinahagod ang likod ko

Napatigil ako sa paghagulgol nang maramdaman ko ang malaking kamay na humahaplos sa buhok ko. Tumingala ako at nakita si daddy na mas lalong nagpaiyak sa akin. Humiwalay ako kay mommy at yumakap kay daddy.

"Umiiyak nanaman ang prinsesa ko. 'Wag kang masyadong umiyak baka pumangit ka edi hindi na tayo magkamukha." natatawang biro nito na alam kong pinapagaan lang ang loob ko

"I know it's really hard to let go of your twin sister but you have to move forward. Deaths are inevitable, especially with Hikari's case. But death is a thing that you have to accept in your life. Someday, darating din ako diyan, ang mommy mo, ikaw, your friends, neighbor, colleagues, and all people. It's beyond our control amd whether we like it or not, we should accept the fact that all people will face death." malumanay na sabi ni dad

Tahimik nalang akong tumango sa sinabi niya. He's right but I can't stop mourning for my twin sister.

"Let's have breakfast, anak." yaya naman ni mommy sa amin

Bumaba na kami at sinamahan ko si mommy na maghain ng breakfast. Napatitig ako sa kaharap kong upuan at naalala si Kari. Naalala ko yung mga umaga na mambubulabog siya dahil nalaman niyang nagluto ako tapos uubusin niya yung ulam na niluto ko lalo na pag nagluluto ako ng paborito niyang kare-kare.

Napangiti ako ng mapait habang nagsasandok ng kanin. Pinagsasandok niya ako lagi ng kanin at halos ayaw niya akong bigyan ng ulam na niluto ko.

"Ate, mag-uuwi ako ng foods, ha? Sige na! Para matikman ni papa at mama."

"Wala kaming uulamin mamayang gabi."

"Pwede namang si mommy magluto, ah! Sige na kasi, ate!"

"Ayoko. Alam mo namang paborito ko ang caldereta tapos uubusin mo pa!"

"Tito Alfred, ang damot ni ate, oh! Prinsesa niyo din po ako, diba? Diba?!"

"Hahaha! Pagbigyan mo na ang kapatid mo, Miko."

Naughty VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon