Yumiko
Nagpasya kami ni Ali na magstay muna sa Batangas. Alam ko naman na pagod na pagod siya kakatrabaho dahil sa mga naiwan ko. Nakapangalumbaba ako habang hinihintay ang order namin ni Ali. I opted to order a seafood marinara.
Napalingon ako sa likuran ko nang may humawak sa balikat ko, si Kuya Cloud kasama si Ate Valerie na kanyang asawa at mga kaibigan ni Kuya Cloud. Hindi nawala ang pilyong mga ngiti nito habang nakatingin sa akin. Kahit saan at anong sitwasyon ay may naiisip talagang pang-aasar.
"Dito rin pala kayo. Can we join you? Mapadagdag nalang tayo ng tables." nakangiting sabi nito pero alam ko na may kalokohan nanaman sa likod ng ngiti niya
"I know that you will just annoy the both of us pero sige. Join us." masungit na sabi ni Ali
"Pasensya ka na dito sa kapatid mo, Ali. Sadyang pilyo talaga ito." natatawang sabi ni Ate Val at pasimpleng piningot ang asawa
Napadagdag sila ng mesa at dinikit nalang sa mesa namin. Naupo sa tabi ko si Ate Val at agad na nagtanong kung bakit daw hindi kami nakadating the night before their wedding. We explained it to her na agad naman niyang tinanguhan. Natahimik kami nang dumating ang kanya kanya naming order. Napanguso ako habang tinitignan ang kape ni Ali. Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya mas lalo akong napanguso.
"Patikim." nakangusong sabi ko pero nilayo niya ang kape niya
"Brat. You can't drink coffee!" saway nito sakin kaya sinukuan ko nalang dahil alam ko naman na kahit anong pilit ko ay hindi talaga ako makakainom ng kape
Kinain ko nalang ang pagkain ko at pasimpleng kumukuha ng pagkain ni Ali pag nakikipagkwentuhan siya. Lihim namang tumatawa si Ate Val na nakakakita sa kalokohan ko. Napasulyap ako sa ibang kasama namin sa mesa at tumigil ang mata ko kay Niall na matiim na nakatitig sa akin.
Hindi ko napigilan ang sarili kong pagtaasan siya ng kilay. He's creepy. Bakit ba lagi niya akong tinitignan? At hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya kagabi! Hindi ko alam kung naaalala niyang sinampal ko siya at basta nalang iniwan doon.
"Yumiko!" inis na tawag sakin ni Ali kaya napunta sa kanya ang atensyon ko
"What?" inosenteng tanong ko sa kanya kahit alam ko na kung bakit siya naiinis
Ilang taon na kaming magkaibigan at ilang taon ko na ring ginagawa ang pagkuha ng pagkain niya pero hanggang ngayon ay pinapagalitan pa rin niya ako. Hindi ba siya napapagod? Alam naman niyang di ako makikinig.
"Mag-order ka ng iba pang pagkain kung nagugutom ka pa." sabi nito sakin na pinanlalakihan ako ng mata
"Mas masarap yung nasa plato mo." nakangising sabi ko na mas kinainis niya
Ginagawa din naman niya iyon pag may brocolli at carrots sa plato ko. Magnanakaw ng gulay yan, eh!
"Isang scallop at calamari lang ang kinuha ko sa plato mo tapos halos ubusin mo pagkain ko." naiinis na sabi nito
Eksaherada akong suminghap at tinuro siya gamit ang tinidor ko.
"You scallop and calamari stealer!" akusa ko sa kanya
Tinaasan niya ako ng kilay at nginisian na parang naghahamon.
"Says the food stealer."
"I'm not!"
"Yes, you are!"
"Kids, nakakasawa ng panoorin ang pagbabangayan niyo tuwing nasa hapagkainan. Stop stealing each other's food. Ikaw naman Ali, alam mo namang hindi mawawala ang habit ni Miko na ganyan kaya give it up and finish eating." Kuya Cloud said at bumuntong-hininga na parang mga anak niya kaming mga pasaway
BINABASA MO ANG
Naughty Vengeance
General FictionI will make you mine, Niall. You will worship me even the damn floor I am walking on. Mamahalin mo ako at sisiguraduhin ko na ako lang ang makikita at titingnan mo at wala ng iba pa. Wait for me, Mr. Miller. I will come and make my naughty sweet ven...