Chapter 5

2K 45 10
                                    

Author's Note: SPG. Reader's discretion is advised. Skip the SPG scene kung ayaw mong basahin. Thank you.

Yumiko

Tumakbo ako papasok ng bahay dala ang ingredients ng lulutuin kong pagkain. Isang linggo na kasi akong hindi pinapansin ni Ali. Natiis niya ako ng isang linggo! Pero kasalanan ko naman kaya ipagluluto ko nalang siya.

Magluluto ako ng paborito niyang sisig! Kahit ako ay naglalaway sa sisig. I'm craving for it since yesterday. Siguro dahil malapit na akong datnan ng period.

"Ang tagal kitang hindi nakita sa kusina, ah." puna ni manang sakin na sinasamahan ako sa ginagawa ko

"Paborito po kasi ni Ali ang sisig tapos darating din si lolo." masayang sabi ko

"Mas lalo palang iingay ang bahay." natatawang sabi ni manang

Natawa din ako dahil mas umiingay talaga ang bahay pag nandito si lolo. Madalas kasi silang magtalo ni daddy sa mga nonsense na bagay na akala mo mga bata.

I was humming happily while cooking nang makarinig ako ng tikhim sa likuran ko. Lumawak ang ngiti ko nang makita ko si Ali.

"Is that a bribe?" nakataas ang kilay na tanong nito habang nakatingin sa sisig

"Peace offering. Bati na tayo." nakangusong sabi ko at yumakap sa braso niya

"I want egg on top." tipid na sabi nito bago lumabas ng kusina

Napasigaw ako ng 'yes' at napasuntok sa hangin. Sabi na nga ba at hindi matatanggihan ni Ali ang paborito niyang sisig. Pumasok si mommy sa kusina nang matapos akong magluto at sinamahan niya akong maghain ng pagkain. Nagpresinta kasi ako na ako nalang ang magluluto para naman marelax si mommy at syempre dahil nagpapagood shot ako kay Ali para kausapin na niya ako.

"Ma'am, nandyan ni si Sir Santi." imporma samin ni manang na ngumiwi pa sa pangalang 'Santi'

Hindi ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin dahil malamang si Lolo nanaman ang may ideya sa Santi na yan. Santiago kasi ang pangalan niya at sabi niya ay mas gusto niya ang Santi pang-bagets daw. Dati pinilit niya si manang na tawagin siyang Piolo na hindi namin alam kung saan niya nakuha tapos kalaunan ay nalaman namin na sa pangalan pala ni Piolo Pascual. Ang sabi niya ay sikat kasi ang binatang iyon.

"Manang, pinilit ka nanaman ba ni papa na tawagin siyang Santi?" rinig kong tanong ni mommy na sinundan pa niya ng mahinhin niyang tawa

Muntik na akong mapatili nang makita ko si lolo. Bata pa ako nang mamatay ang parents ni mommy at papa kaya di ko sila gaanong nakasama at tanging si Lolo nalang ngayon ang grandparent ko.

"Lolo!" masayang tawag ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit

Tumawa naman siya habang yakap ako at hinaplos ang likod ko. Humiwalay ako kay lolo at ngumuso habang nakayakap sa braso niya.

"Oh. Bakit ka ngumunguso diyan?" natatawang tanong ni lolo at ginulo ang buhok ko

"Pasalubong ko, lolo." nakanguso pa ring sabi ko habang inaayos ang nagulong buhok ko

"Dinamihan ko ang dala kong bibingka at kalamay ngayon. Pinadala ko na sa kwarto mo." nakangiting sabi ni lolo kaya nagningning ang mata ko at mabilis na niyakap siya sa tuwa

Naughty VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon