Chapter 8

1.3K 41 2
                                        

Yumiko

Hindi ko halos narinig ang sinabi ng babae dahil naramdaman ko ang pagsakit ng tiyan ko. Napahawak ako sa tiyan ko at mahigpit na napahawak doon. Nararamdaman kong nagsisimula akong pagpawisan ng malamig.

Shit. Not now.

"Baby! Hey, Yumiko!" nag-aalalang sigaw ni Niall nang makita akong namimilipit sa sakit ng tiyan ko

He held me in to his arms and wiped my sweat. Nasa tiyan ko ang isang kamay ko at ang isa ay nasa bibig ko. Nasusuka ako na nangangasim ang tiyan ko.

"K-Kuya, let's bring her to the hospital."

Hindi ko alam kung anong ginagawa nila at ang tanging alam ko lang ay may pagmamadali sa bawat kilos nila. Parang nakaramdam ako ng matinding pagod nang maihiga ako sa malamig na kama. Para akong dinuduyan habang nararamdaman ko ang mabilis na paggalaw ng gulong ng kinahihigaan ko.

"Miss, naririnig mo ba ako?" I managed to give her a nod before closing my eyes

I can hear people talking and I can hear the sound of the aircon. I tried to open my eyes only to be blinded by the light. I covered my eyes using my hand pero natigilan ako nang makita ang nakalagay sa likod ng palad ko.

"Hey, baby."

Gulat akong lumingon kay Niall na hawak ang isang palad ko habang hinahaplos ang buhok ko. Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at doon ko nakita ang mga magulang ko, si lolo, manang at si Ali na masama ang tingin sa akin pero bakas sa mata ang pag-aalala. Mukhang umalis na ang bisita ni Niall dahil hindi ko ito makita sa kwarto.

"How are you feeling?" malambing na tanong nito na hindi alintana ang presensiya ng mga magulang ko

"I'm fine." alanganing sagot ko rito

Hindi na masakit ang tiyan ko at di na rin ako nasusuka. Nawala na lahat ng masakit na nararamdaman ko kanina.

"Nagugutom ka ba, anak?" nakangiting tanong ni mommy sakin

Tumango ako sa kanila at inasikaso naman nila ang pagkain ko habang tinataas naman ni Niall ang kinahihigaan ko. Binigay ni mommy sa akin ang pagkain ko at halos mapanguso akong light meal lang 'yon.

"Bawal sa'yo ang heavy meal dahil kagigising mo lang." pagpapaliwanag sakin ni Niall, marahil ay nakita nito ang reaksyon ko kanina

Kumain nalang ako ng tahimik at nakakapagtaka na tahimik ang lahat na parang hinihintay talaga na matapos ako sa pagkain. Kinakabahan tuloy ako dahil pakiramdam ko ay may bagyong darating mamaya dahil sobrang kalmado nilang lahat. Katakot-takot na sermon sigurado ang aabutin ko mamaya lalo na't ramdam ko sa likuran ko ang matalas na tingin ni Ali.

Binagalan ko ang pagkain para kumalma muna sila ng konti at mabawasan ang sermon nila sakin mamaya. Mukhang gumana naman iyon dahil medyo hindi na ganoon kabigat ang atmosphere sa paligid.

"Mom, ilang minuto po akong natulog?" tanong ko kay mommy dahil nakita kong hindi pa lumulubog ang araw

"Anong minuto? You were asleep for eighteen hours! Ulcer and over fatigue. Nandito ka sa ospital kahapon pa!" malakas na sabi ni Ali na hindi man lang pinagtuunan ng pansin na si mommy ang tinanong ko

Naughty VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon