Chapter 7

1.8K 46 17
                                    

Author's Note: Readers discretion is advised.

Yumiko

Ilang segundo pa akong nakipagtitigan sa lalaki bago ko hilain pabalik ang braso kong hawak na niya pala. I am sure as hell that he's not Niall. That who is he?

No, what is he? A clone? Nah. Maybe a twin? Like me and Hikari. Or a doppelganger?

"Miko, I texted you to tell me when you arrived. That must be heavy!" Ali almost exclaimed when he saw me while walking towards me

Napairap lang ako sa kanya at binigay ang basket na dala ko. Mabilis ko siyang hinila palayo bago pa niya makita ang lalaking doppleganger ni Niall. Hindi ko naman kilala ang membro ng pamilya ni Niall kaya hindi ko masasabing kapatid niya iyon o kakambal, pero maaaring kakambal nga niya iyon.

"What took you so long?" kunot noong tanong nito sakin

Sasagot na sana ako sa kanya nang mapansin kong hindi ko dala yung mansanas na kakainin ko. Nakuha ko ba yun sa doppelganger ni Niall? Mukhang hindi ko ata nakuha. Napakamot nalang ako sa ulo ko at napabuntong-hininga. Yumakap ako sa braso ni Ali kaya nagtatakang nilingon ako nito.

"Nawala ko yung mansanas ko." nakangusong sabi ko dahil nagugutom na talaga ako

"Nagugutom ka nanaman?" nakataas ang isang kilay na tanong nito

Tumango ako sa kanya habang nakanguso pa rin. Bumati kami sa mga tao sa loob ng ward bago niya nilapag ang basket. Nagpaalam kami ulit pagkatapos niyang kunin ang isang plastic sa basket. Dadalhin namin iyon kay Kuya Warren.

"Nagpresinta akong magbantay kay Kuy Warren dahil kukuha ng damit sila Tita at para makapagpahinga muna sila. Sorry, hindi kita masasamahan kumain. Okay lang ba sa'yo?" mahinahon na tanong nito habang tinitimbang ang ekspresyon ng mukha ko, alam nitong ayokong kumakain ng mag-isa dahil hindi ako nakakakain ng maayos

Ngumiti lang ako sa kanya at tumango tsaka binalingan ng tingin si Kuya Warren. Nag-iwas din agad ako ng tingin dahil hindi ko siya kayang tignan sa ganyang sitwasyon. Hindi ako sanay na nakikita siyang nakaratay, mas sanay akong makita siyang prenteng nakaupo sa opisina ni Ali habang inaasar ito. Mas sanay din akong naririnig ang mapang-asar na halakhak nito na dinig sa hallway ng opisina. Mas sanay din ako na nakikitang seryoso itong nagmamando sa site.

"Go ahead and eat." nakangiting sabi ni Ali sakin

Sumunod nalang ako sa sinabi niya dahil nagugutom nga ako. Sa canteen ng hospital nalang ako kakain dahil bukas pa naman iyon. Mabilis lang akong nakabili ng pagkain dahil halos walang tao sa canteen. Nagtake out din ako para may makain mamaya si Ali kung sakaling nagugutom siya.

Binaba ko sa mesa ang pagkain na binili ko at nagsimulang kumain. Pero nakakailang subo palang ako nang maamoy ko nanaman ang pabango ng lalaking nakita ko kanina. Naiwan sa ere ang pagkain ko at nilibot ng mata ko ang lugar. Tumigil iyon sa kanang gilid ko at nakita siyang naglalakad palapit sakin.

Hindi ko nalang iyon pinagtuunan ng pansin at pinagpatuloy ang pagkain. Ngunit mukhang nananadya ang doppelganger ni Niall dahil naupo ito sa kaharap kong silya kaya tinignan ko siya.

"I came to give this back to you." seryosong sabi nito at nilapag ang mansanas na nahulog ko kanina

Napangiwi ako habang nakatingin sa mansanas. Hinanap ba niya ako pra ibigay ang mansanas na 'yan? Hindi naman siguro dahil mukhang may iba pa siyang agenda. At kung ano man ang agenda niya, wala na akong pakialam doon.

Naughty VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon