Yumiko
Wala akong marinig at hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Masyado akong nanginginig sa galit para pansinin ang mga empleyado naming mabilis na bumabalik sa mga trabaho nang makita ako. Alam ko kung ano ang ginawa ko kanina but my mind is hazy. I can't think straight because my anger consumed me.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa floor ng opisina namin ni Ali. Basta na lang ako pumasok sa opisina niya at binalewala ang gulat na gulat na mukha nito nang makita ako.
"Yumiko, what the hell are you doing here? The last time you had a red flag, you fired someone!" he exclaimed while standing on his seat
The moment I heard his voice, my knees trembled and collapsed on the floor. I heard his loud footsteps and his loud voice pero wala akong maintindihan maliban sa nag-aalalang boses nito. I just found myself in his warm arms.
"What happened? You know you can tell me everything." he softly said
Bumuhos ang luha ko nang maalala ang ginawa ko kanina. I know I shouldn't have done that. Gusto ko lang protektahan ang kakambal kong walang laban sa mga taong pinagsasabihan siya ng masama.
She's not a hoe. Siguro nga hindi ko alam ang parte ng buhay niya kasama si Niall pero ramdam kong hindi totoo iyon. Kilala ko siya, hindi siya malanding babae. Hindi malandi ang kakambal ko. Siguro ako, baka ako pwede pang masabihan ng malandi dahil inakit ko ang dati niyang nobyo.
"I almost killed someone, Ali." umiiyak na pag-amin ko sa kanya sa pagitan ng bawat hikbi ko
Walang pag-aalinlangan niyang kinapa sa hita ko ang baril ko at nilabas iyon. He took out the magazine while still hugging me. Napamura siya nang makitang kulang ng isang bala ang magazine.
Marahas niya akong pinaharap sa kanya at kitang-kita ko ang galit sa mukha nito pero hindi nawala ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Nababaliw ka na ba?" pigil ang galit na tanong nito sakin
Sinalubong ko ang mga mata nito at mas lalong bumuhos ang luha ko nang lumambot ang mukha niya. Nagsimula na ring mamula ang mata nito.
"Ali, hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako. Natatakot ako sa malalaman ko. At natatakot ako dahil nahuhulog ako. Nahuhulog ako kay Niall, Ali. Anong gagawin ko? Ali, anong gagawin ko?!" umiiyak na sabi ko sa kanya
"Don't be scared. I'm here. Ilalayo kita kung natatakot ka. Hihilain kita kung nahuhulog ka. You don't have to be afraid as long as I'm alive." malambing na sabi nito at niyakap ulit ako ng mas mahigpit
Nasa ganoon kaming posisyon nang bumukas ang pinto at niluwa noon si Hans na gulat na gulat nang makita ang ayos namin. Nakita kong namutla ito nang makita ang baril na nasa tabi ko.
"M-Ma'am, Sir, pasensya na ho." mabilis na hinging paumanhin nito at nagmamadaling isasara na sana ang pinto
"Hans, wait." pigil sa kanya ni Ali na mabilis akong binuhat at inilapag sa sofa na nasa opisina niya
Hinarap niya si Hans na hawak pa rin ang pinto.
"May problema ba?" takang tanong ni Ali dahil hindi naman ito basta na lang pumapasok sa opisina nang hindi kumakatok unless may problema o emergency
"Sir, gising na daw si Sir Warren." mabilis na sagot nito at mukhang nakalimutan na ang nakita dahil nakangiti na ito
Napatayo ako sa gulat at agad na lumapit kay Ali. Tumingin siya sakin nang yumakap ako sa braso niya. He looked at me questioningly.
"Let's go!" malakas na yaya ko sa kanya
"Sigurado ka bang okay ka lang at kaya mong pumunta doon?" nag-aalalang tanong nito
BINABASA MO ANG
Naughty Vengeance
Narrativa generaleI will make you mine, Niall. You will worship me even the damn floor I am walking on. Mamahalin mo ako at sisiguraduhin ko na ako lang ang makikita at titingnan mo at wala ng iba pa. Wait for me, Mr. Miller. I will come and make my naughty sweet ven...