chapter 10: stress

5.2K 42 0
                                    

Mag-iisang linggo na simula ng mailibing si Papa, Sariwa parin sa isip ko yung mga panahon na magkakasama pa kami

Si Mama naman pansin ko, umiiwas sa akin at laging nasa kwarto lang nya, Ewan ko pero pakiramdam ko kay Mama hindi nya matanggap ang mga nangyari..

Oo nung panahon na ihahatid na namin si Papa sa huli nyang hantungan.. Hindi umiyak si Mama! Naging matatag sya, ipinakita nya na kaya nya!

Kaya naiintindihan ko si Mama dahil sa sitwasyon nya, Kailangan nyang ilabas ang sakit na nararamdaman nya dahil sa nangyari pero sapat na sana yung isang linggong pagmumukok, walang matinong tulog at kain!

Si kuya naman, bumalik na sa States dahil hindi sya pwedeng magtagal dito doon naman na sya nakatira...

Naglalakad ako papuntang kwarto ni Mama, panahon na para magmove-on na sya! Makakasama sa kalusugan nya yon, pati sa aming business

Hindi na kasi maganda ang takbo ng negosyo namin simula ng nagkasakit si Papa hanggang ngayon na wala na sya!

Hindi din inaasikaso ni Mama yung negosyo, dahil busy sya sa pag-iinaso este pag-iyak!

"Ma?! "

Pero wala parin sumasagot, Nakalock din ang pintuan ng kwarto ni Mama kaya hindi ko mabuksan ito!

Tinawag ko lang si Yaya ng mapadaan sya sa akin at sumenyas na pakikuha ang susi ng pinto ' na agad naman nyang naintindihan!

"Ma! Hindi maganda sa kalusugan yang pag-iyak! "

"Anak huwag muna ngayon! "

Maya-maya, nakita ko na si Yaya na papalapit sa akin, na dala dala ang susi.

"Salamat Ya! "

Inabot ko lang yung susi at binuksan ko na yung pinto! madilim, kasi puro nakasara yung kurtina ng pinto!

"Anak, diba sabi ko huwag muna ngayon! Pagod ako! "

"Talagang mapapagod ka Ma kung iiyak ka dyan! "

"Huwag muna ngayon" - mahinahong sagot ni Mama

"Pero Ma---"

"HUWAG MUNA NGAYON!!! "

Sinigawan ako ni Mama, pero hindi naman ako natakot dahil sa sigaw nya

"MA!!! ITIGIL MO NAYAN AYOKO NG GANITO!!!!"

"WALA KANG ALAM MIA!!"

"ANUNG WALA?!"

"PALIBHASA HINDI MO ALAM! "

"WALA NA SI PAPA, KAYA WAG KA NG MAG-IIYAK MA! DAHIL KAHIT MAGIIYAK KA PA NG SOBRA HINDI NA SYA BABALIK!"-lumapit sa akin Si Mama saka nya ako sinampal ng malakas, oo alam ko! Deserve ko na masampal! Pero kasi naman, wala na nga akong papa! Pakiramdam ko wala narin akong Mama

" Parehas lang kayo ni Mila!!!"

"Sinong Mila Ma!? "

"Panahon na siguro para malaman mo! "

Kinakabahan ako sa maaaring sabihin ni Mama sa akin, parang ayokong marinig dahil natatakot ako sa maaari kong malaman!

"ANG ALIN!!!?? " -naguguluhan kong tanong

"Hindi kita tunay na anak! Anak ka ni Papa mo sa iba"- napayuko si Mama ..

Hindi pala ako tunay na anak ni Mama!, iba pala ang tunay kong ina?! Pero bakit!? Nagtuluan na yung mga luha ko dahil sa sinabi ni Mama, hindi ko ini-expect na ganon yung malalaman ko

Sa loob ng 18 years na kasama ko si Papa! Hindi ko pala kasama ang tunay kong ina, pero baka nabingi lang ako

"Totoo ba Ma?! "

Hindi ako sinagot ni mama, bagkus tumango lang sya!

Nagtatakbo lang ako palabasan ng bahay wala akong paki alam kung nasa gitna ako ng kalsada!

"Anak! "

Hindi ko pinapansin si Yaya na nasa labas ng bahay! Bahala na gulong gulo na ako! Pagod na pagod na ako, hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa pamilya namin!

Hindi ko alam na sa pagkawala ni Papa , sya rin na pagkakabunyag ng matagal ng sikreto ni Mama...pakiramdam ko nagiisa na lang ako sa mundo!

Halos wala na akong makita sa paligid dahil sa mga luhang lumalabas sa mga mata ko!

Ang tangi ko nalang narinig ay ang malakas na sigawan at maingay na busina ng truk papalapit sa akin!

Yumuko lang ako at inantay na tumama sa akin....

Siguro ito na ang katapusan ko!

-----------

An: Yeepie!!! Nakapag-UD na ako, nahihiya po kasi ako sa inyo eh

Bye the way , add nyo ko sa fb hahaha!!!!

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon