chapter 33: Stand for myself

771 13 2
                                    


Fernan's pov

Nabalitaan ko yung nangyari sa pinakamamahal kong babae sa buong mundo! Kung bakit nakahiga sya at pilit nakikip-agagawan kay kamatayan para sa kanyang buhay!

Buhay na hindi ko kayang ibalik kahit na sarili ko pa ang ibigay

Lumipat ako ng school dahil sa kagustuhan ng aking ama! Kapalit ng pag pigil ng kasal kay Angelica Nais nyang ilayo ako sa mga ala-ala na kasa kasama ko pa si Mia!

Ilang linggo na akong walang maayos na tulog dahil sa balita kay Mia, hindi ko kayang makita syang mahina! Kilala kong malakas si Mia! Palaban! Walang sinasanto! Matapang! Lahat kakalabanin! Kaya hindi ako sanay makikita syang walang kalaban laban

Hindi ko na binalak na magpunta sa ospital kung saan sya naka confine dahil unang una wala na akong mukha pang ihaharap sa pamilya nya lalo na sa kanya! Naging duwag ako! Hindi ko man lang nagawang ipaglaban sya!

Galit ako sa sarili ko dahil sa nangyare sa kanya! Galit ako sa sarili ko dahil sa kabobohan ko! Katangahan ko! Isa akong duwag!

Buong buhay ko nadala ako sa takot sa papa ko! Lagi akong sumusunod sa kanya ! Hindi ko magawang tumutol sa kagustuhan nya!

Lagi kong napapanaginipan si Mia! Na nakatingin sya sa akin at nakangiti! Ngiti na alam kong nasasaktan sya! Na nay dinadala syang mabigat dahil sa ngiti nya, minsan napapanaginipan ko syang tumutulo ang luha pero pilit na ngimingiti sa akin

Siguro hindi na ako patatahimikin ng konsensya ko , kailangan kong puntahan si Mia upang makahingi ng kapatawaran sa lahat ng masasakit na bagay na naidulot ko sa kanya

Mahal na mahal kita Mia at lahat na gagawin ko para sayo! Masyado ka ng nagsakripisyo , siguro ngayon ako naman at kailangan ko ng gumawa ng paraan kahit na madaming hahadlang sa pagmamahalan natin!

Nagbihis lang ako at dali daling naglakad papunta sa kotse ko! Hindi ko na pinansin si Papa

Pagbaba ko sa harap ng ospital ay agad na akong nagtungo sa lobby ng ospital at nagtanong sa nurse

"Nasan pong roon yung kay Mia ?"

"Wait sir , anong pong name nila?"

"Kenneth"

"Ok sir, room 69 po sa 14 flr"

Alam kong pina banned nila ang pangalan ko para hindi ko na malapitan si Mia , kaya nag iba ako ng pangalan!

Nanginginig akong buksan ang pinto , natatakot akong makita ang kalagayan ni Mia

"Anong ginagawa mo dito!?"

"Andrea!"

"Bakit nandito ka pa? Ang kapal naman ng mukha mong magpunta pa dito! Teka! Pina banned na kita ah! Paano mo nalaman yung room number?"

"Saglit lang, gusto ko lang makita ang mahal ko"

Tuluyan ng tumulo yung luha ko habang papalapit kay Mia! Nanginginig yung tuhod ko

"Mahal ko"

Nang makalapit ako kay Mia ay agad ko syang niyakap! Mahal na mahal ko tong babaeng to! Naduwag lang ako! Pero ngayon gagawin ko na ang lahat para sa kanya

"Bumangon ka dyan!. Diba mahal mo ko? Bakit hindi ka tumayo dyan?".

"ANO FERNAN?! NGAYON KA NATAUHAN! AT ANG KAPAL PA NG MUKHA MONG LUMAPIT PA SA KAPATID KO!!! MAY MUKHA KA PA PALANG MAIHAHARAP SA AMIN LALO NA KAY MIA!!!! ANG TIGAS MO DIN EH! DIBA INIWAN MO NA SYA! NI HINDI MO NGA KAYANG IPAGLABAN YAN EH! SAKA NGAYON SASABIHIN MO NA LAHAT GAGAWIN MO PARA SA KANYA?!"

"Patawarin mo ko Andrea... Hindi ko ginusto ito , naging mahina ako. Alam mong mahal ko si Mia pero hindi ko kayang suwayin ang ama ko"

"KASI DUWAG KA!! TAKOT KA NA IPAGLABAN KUNG ANO YANG NASA PUSO MO!!! KALALAKI MONG TAO HINDI MO KAYANG IPAGTANGGOL ANG MAHAL MO? MAHAL MO NGA BA TALAGA? KASI KUNG MAHAL IPAGLALABAN MO KAHIT NA SINO PA ANG MAKAKABANGGA MO! Ayan nakita ko na nangyari kay Mia . Nakakapag-laban sya para sa buhay nya! Ni sya nga siguradong hindi alam kung mananalo sya eh! "

"Sorry"

Naguiguilty ako dahil pati si Andrea na katulong ko para mapalapit kay Mia ay galit na din sa akin!

_________________

:(

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon