chapter 13: independent 1

4.2K 35 0
                                    


Humayghad , for real?




Panahon na para tumayo ako sa sarili kong mga paa, mabuhay na sarili ko lang ang aking katulong, hindi na umasa sa tulong at suporta mula sa aking stepmother!  Kailangan ko ng magbanat ng buto para mabuhay!  Nakakahiya na kasi kay Andrea kung aasa nalang ako sa kanya lagi! 

Magdadalawang linggo narin ang lumipas ng ilibing si Kenneth!.. Nakapunta ako sa libing nya!  Pero patago lang...  Hindi parin kasi matanggap ng kanyang Mama na ako ang dahilan ng pagkawala ng kanyang Mahal na anak! 

Nag-paalam na ako kay Andrea na aalis lang,  may pera pa naman ako sa credit card ko kaya ito nalang ang gagamitin ko sa pag-hahanap ng trabaho!!! Iniisip ko rin kung aalis  ako kila Andrea dahil nahihiya na talaga ako sa kanya!  Dalawang linggo narin kasi ako nakikituloy sa kanila!

Naghanap-hanap din ako sa dyaryo ng mga trabaho habang nasa byahe, "wanted yaya?! " parang ayoko naman dahil masyadong maiingay ang mga bata!  Baka pag hindi ako nakapagtimpi at maibalibag ko lang sila!  Joke.... Ayoko lang kasi sa magulo! "wanted mekaniko? " hindi naman ako marunong sa mga sasakyan!  "wanted driver? " eh hindi nga ako marunong sa mga sasakyan....!!!

Buklat lang ako ng buklat sa dyaryo at basa ng basa ng mga nakalagay dito.. "Wanted.... Isang binatilyong gumagamit ng shab----" Shit!!!  Iba na pala ito!

Sinara ko nalang ang dyaryo at tumingin nalang sa labas! Pinagmamasdan ko lang yung mga taong naglalakad saka ko sila pinapakyuhan!

"PAKYU KA RIN!  BALIW! "

"ABA! PUTA KA ANG PANGET MO MUKHA KANG BAYAG NI SATANAS!!! " gigil na gigil na sabi ko,  nakalimutan kong nasa isang pampasaherong jeep pala ako nakasakay kaya lahat sila nakatingin sakin! "Hehe,  " nagtaklob nalang ako ng bag ko dahil sa kahihiyan...

Tumagal din ng halos isang oras bago ako nakarating sa pupuntahan ko...

Maga-apply akong saleslady, sana  matanggap!

Pumila lang ako habang hawak-hawak ko yung form ko sa paga-apply!  Mahaba-haba rin ang pila ng mga babae samantalang ang mga lalaki ay saglit lang

May lumabas na lalaki sa isang pinto, magkahiwalay kasi yung pinapasukan ng babae sa lalake kaya makikita mo kung sino ang lalabas,  nakita ko yung lalaki na pagkalabas palang ng pinto!  Inaayos nya yung zipper ng pantalon nya!

Anu kaya ginagawa ng mga yun? Siguro?  Waaaaaaaaa!  Ayoko!  Kadiri!...wag ganon Mia!

Yumuko nalang ako dahil sa bagot!  Ang tagal din ah!  Nang nasa tapat na ako ng pinto ay mas lalo akong nanlumo dahil sa sign board na nakakabit doon!

GIRL'S COMFORT ROOM!  ang tanga tanga mo naman Mia!!!!

Umalis ako doon at nagtanong-tanong! 

"Miss! Saan yung pila ng mga naga-apply sa trabaho?" magalang kong tanong

"Doon oh! " tinuro lang nya yung pinto sa dulo!  Wala naman pila kaya nakapasok kaagad ako

"Good morning ma'am! "

"Good morning, maga-apply? "

"Yes! "

"Ok, by the way im Ms. Pepito!  Just call me Ms. Sarah! " Pake ko

"Ok Ms. Sarah"

Nagkaroon lang ng short interview then yung requirement para sa trabaho then itetext nalang nya ako kung kelan ako mag-start!  YES! FINALLY MAY TRABAHO NA AKO!

-------------------

AN: UD

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon