chapter 50: Enchanted

271 5 0
                                        

Mia's pov

Pagkababa na pagkababa namin ay dumiretso na kami sa counter, todo kwentuhan parin yung lima sa likod. Asusual lalake na naman topic nila.

Ewan ko ba sa mga to, sabik na sabik sa lalake pero pag kaharap na parang mga maaamong tupa.

Buti pa ako chill lang, enjoy sa pagiging single. Enjoy nga ba?

Basta masaya na ko sa mga kaibigan ko, saka nalang yang lovelife nayan wala pa si cupid e

"miss 6 tickets po"

Agad na kong nagbayad tapos dimiretso na kami sa entrance. Ibinigay ko na din yung kanya kanya nilang ticket.

Pagpasok palang sa loob naguusap-usap na sila kung ano unang sasakyan.

"vikings?"

"Extreme?"

"rio rapid!!!"

"So kadiri, yung tubig mabaho!!"- sagot naman ni vangie

"space shuttle!!!"

"let's go!!!!!"

Tinungo namin ang space shuttle, di ganun kadami ang tao. Weekdays din kasi.

Agad din kaming nakasakay, katabi ko sa andrea sa harap. Si erica at khenneth naman sa likod namin saka yung dalawa sa likod na likod.

"kuya can you take a picture on us?"- pa cute na sabi ni andrea kay kuya na operator at agad naman syang pinaunlakan

"okay girls, say cheese"

Nakatatlong picture at lahat naman maganda goodluck nalang samin pagkatapos

Agad na umakyat paatras kami hanggang sa nagsimula na itong rumagasa pababa. Todo sigaw, tili dito tili don. Tawang tawa ako ng matapos yung ride sobrang gulo gulo ng buhok namin.

"vikingss!!!!!!!"

Nagkasundo naman at pumunta na kami sa vikings. Sobrang kinakabahan ako kasi matagal din to tapos may dalawang gwapo pa sa harap namin

Dulo dulo, ang pwesto. Magkatabi yung dalawang pogi sa pinakadulong pwesto habang kami naman sa kabilang dulo din

Todo ayos yung apat, aba haharot pa ang mga gaga tignan ko lang hahaha. Ang gaganda nyo ah

Unti-unti ng gumalaw yung sinasakyan namin hanggang sa tumaas na ng tumaas

Bawat akyat di nila alam kung paano itatago ang lula dahil nakatingin samin yung dalawa di pwedeng pangit kailangan maganda parin

"POSE GIRLS!!!!!"-sigaw ni Vangie pag taas namin

"ISA PA!!!!"- sigaw namn ni monica nag muli kaming tumaas

"IBA NAMAN!!!"- sige kami sa pose kahit ano na basta malampasan lang yung lula

Bakit ba kasi nakasakay namin tong dalawang to. Grabe sobrang gwapo kahit na nililipad na yung mga buhok nila

Hanggang unti-unting humina yung barko todo parin sila sa pa-cute sa dalawa. Sobrang nag enjoy sa pag pose nila sa ere na parang nag po-photoshoot.

Pag-baba namin, agad nilang sinundan yung dalawa na mag kaholding hands

WAIT!!!! WHAT?!!!!! MAGKAHOLDING HANDS???

ARE THEY GAY?!!!!

Nakita kong nadismaya yung lima. Sayang ang pinagpaguran.

"Girls talo tayo"- sabu ni vangie ng makitang nag kiss yung dalawa sa harap nila

Mga nakasimangot na naglalakad.

"Girls, kain nalang tayo!"- yaya ko sa lima naawa naman ako kasi sobrang disappointed talaga ng mga mukha nila

Pero walang pumapansin sakin, sige lang sila sa lakad. Jusko dalawa lang yun madami pang iba dyan.

"Girls tigil na yan, madaming pang pogi dyan kain na tayo! Treat ko"- pangungumbinsi ko sa kanila

"okay"- walang ganang sagot ng lima

Naglakad na kami papuntang kainan ng mapansin kong nga nabuhayan na naman yung lima. Para silang kinikilig

"Mia, upo ka na dyan kami na oorder"- sabi ni vangie sakin pagdating namin sa kainan

Pinaupo lang nila ako, saka ko binigay yung 5k sa kanila. Pinagmasdan ko lang sila kung san sila pupunta

At aba ang mga gaga nakita ko nakasunod dun sa limang lalake

DI MAN LANG AKO NIYAYA!!!! sabagay lima din sila e ano pa nga ba

Pagbalik nila, kasakasama na nila yung limang lalake. Kanya kanya sila ng katabi, kahit si andrea busy sa pakikipaglandian sa isang lalake. Ako naman nasa gilid lang

--------------

An: bitin ba guys, wait for the part two ng Ek Nila!!!!

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon