chapter 18: New beginning

3.1K 32 1
                                    

Dedicated to: Honeymae101000 salamay sa floodvote :)

Enjoy........



Isang linggo mula ngayon ay lilipad na kami papuntang Hawaii upang umpisahan ang pagbo-bonding naming pamilya, kasama rin namin si Andrea sa pagpunta roon... As always isa ang nais nya pagpumupunta sa lugar na iba't-iba ang uri ng tao!

Naghahanda narin kami ng aming mga gamit, hindi naman kami excited gusto lang namin na ma-settle agad para hindi na hassle... Pupunta muna kami ngayon sa Mall upang mag shopping habang nag-aantay sa papalapit naming pagbabakasyon

"Nak, tara na! "-Si mommy excited, masyadong nagmamadali

"Ok Ma, pababa na ako! "

"Bago pala tayo pumunta sa Mall, dumaan muna tayo sa kompanya! Hindi na ako madalas napupunta doon eh! "

*

Pababa na kami sa kotse sa tapat ng kompanya ni Papa, Malaki narin ang pinag bago nito simula nung huli kong dalaw dito!

"Let's go? "

Kahit na medyo may edad na si Mama hindi parin matatago yung kagandahan nya, iba sya kung manamit masyadong sosyal, Minsan ako nga mahihiyang tumabi sa kanya! Btw pagpasok ko sa loob, ganon parin naman ,binabati kami ng mga empleyado na lagi naman nilang ginagawa tuwing pupunta kami dito! Ang pinagbago nga lang sa loob ay kung dati makikita ko pa si Papa dito ngayon katotohanang wala na talaga sya!

Nakakalungkot kung iisipin pero ganun talaga ang buhay, siguro may magandang rason naman ang diyos kung bakit nya binawi ang Papa ko sa akin / sa amin!

Atleast ngayon kasama ko naman ang Mama ko at nagkaayos parin kami!

"Anak, punta lang tayo sa opisina ng Papa mo then alis na tayo! "

Papasok na kami sa tapat ng opisina ni Papa ng may malamig na hangin ang dumampi sa aming mga balat!

"Let's go, nakasunod lang ang Papa mo sa atin"

Nginitian ko lang si Mama saka na kami pumasok sa loob, Maaliwalas! Magaan sa pakiramdam! Hindi ko na naisip dati na mapapasok ko pa ang office ng Papa ko pero ngayon nandito ulit ako at masayang masaya ako dahil kahit wala na si Papa nandito parin yung ala-ala nya

"Alam mo anak, nung nagpunta ako dito sa office nato nang lumayas ka, napakalungkot walang kabuhay-buhay ang apat na sulok ng kwartong ito! Pero ngayon ng kasama na kita, nagbago.... Muling umaliwalas, gumaan sa pakiramdam! Masaya ako at muli kitang nakasama anak! Siguro natutuwa si Papa mo na nandito tayong magkasama, feeling ko nga pagnandito ako kasama ko si Papa mo! "

Nanggigilid na yung mga luha namin ni Mama dahil sa masasayang ala-ala ni Papa na naiisip namin ngayon! Nagtagal din kami ng ilang minuto bago kami umalis sa office ni papa at sa kompanya!

Dumiretso narin kami sa mall, hindi ko alam kung ano-anong bibilhin namin doon ! Pagkaparking ng sasakyan ay agad na kaming bumaba!

Papasok na sana kami ng mall ng may tumawag sa akin,

"Anak yung crush mo oh! "

Napalingon ako sa tinutukoy ni Mama, Si Fernan matagal ko na syang hindi nakikita ah!

"Hi Mia! "

"A-ah h-hello! "

"Anak wag ka namang pahalata masyado! "

"Ma naman! "

"Joke lang anak, sige magbabanyo muna ako tapos usap muna kayo! "-binigyan lang ako ng nakakalokong ngiti ni Mama at pumasok na sya sa loob

"Hi kamusta, ang tagal na din kitang hindi nakikita ah! "

"Oo nga eh, hehe bumalik na ako sa bahay nakaraang araw lang! "

"Mia, may sasabihin sana ako! "

"Anu yon?! "

"Ah ehh never mind, wala! "-agad na tumakbo si Fernan

Gwapo sana wierd nga lang, nasabi ko nalang sa sarili ko nung tumalikod na ako at pumasok sa loob, inantay ko lang si Mama sa labas ng girl's comfortroom.....

Paglabas ni Mama ay binigyan na naman nya ako ng nakakalokong ngiti!

"Anu na naman yan Ma? "

"Wala! Bakit? "

"Anung wala eh kung makangiti ka dyan! Wala kinamusta lang nya ako then umalis na sya, pero ang wierd lang is may sasabihin sana sya sa akin kaso hindi na nya tinuloy! "

"Ah k. Wmp! "

"Wala rin akong pake! "

Naglakad na kami ni Mama papuntang grocery, gusto daw nya kasing mag-grocery kami, masaya to kaso mabigat pag maraming pinamili

Papgpasok namin agad na kumuha si Mama ng dalawang cart para sa akin at sa kanya, pag ganito ang ginawa ni Mama ay tanda na ito ng maraming bibilhin!

Nagdire-diretso kami ni mama sa chocolates, chocolates palang nangangalahati ng yung basket ni Mama, grabe madiabetes sya dyan.... Karamihan sa mga pinili nya ay mga tobleron, kisses, dairy milk, ferrero, kitkat, snickers at iba pang mga branded chocolates! Nakatingin lang ako kay Mama ng magsalita sya!

"Anak anu yan? Bakit kakaunti lang yan?! "

"Manghihingi nalang ako sa inyo Ma, sigurado akong hindi nyo naman mauubos lahat ng yan! "

"No, sa akin lang to! Kumuha ka! "

"Andamot, sige na nga! "

Kumuha lang ako ng tatlong tobleron at isang balot ng kisses, ng lumapit si Mama at kinuha sa akin ang cart ko!

"Ang arte mo Mia! Kaya nga hindi ako pumayag na manghingi ka sa akin para kumuha ka ng marami dyan! "

Si Mama talaga, parang mauubusan ng chocolate sa dami ng kinuha! Halos maubos yung display na chocolate doon ng umalis kami!

Dumiretso kami ng chips, then ganon parin! Napuno yung cart namin ni Mama ng chocolate and chips, papunta na kaming counter ni Mama ng magsalita sya!

"Wait, nak kuha mo nga ako ng isa pang cart may nakalimutan ako! "

Kinuhaan ko nalang si Mama ng cart then nagsabi sya na antayin ko nalang sya dahil mabigat-bigat yung mga pinamili namin!

Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan sa harap ko dahil sa laman ng cart na hawak ko!

Paano ba naman na hindi ako pagtitinginan eh puro branded chocolate ang dala ko tapos sandamakmak na chips!

Natanaw ko na si Mama na papalapit nauuna sya sa cart na dala nya dahil siguro mabigat yung laman! Pagbungad sa akin ng dala nya ay ang sang katutak na cookies! Kung aabot sa 20 pieces yung box ng chocolate chip cookies na binili nya!

"Ma, andami naman nyan! "

"Anung madami anak, hindi naman aabot yan ng isang buwan! "

Pumila kami ng counter habang dala dala ang tatlong cart na puno ng sandamakmak na pagkain! Pati yung cashier natulala dahil sa dami ng iaayos nila!

Tumagal ng halos 30 minuto sa pag bibilang ng presyo ng pagkain na aming binili! At sa paglalagay nito sa lagayan! Umabot rin ng 30 k ang pagkain na pinagbibili ni Mama, masyado kasing mahal ang mga chocolate kaya ganon

"Paano yan Ma? Hindi na tayo makakapaglibot! "

"Bukas nalang natin ipagpatuloy anak! Isama narin natin si Andrea para makapagbonding tayong tatlo! "

"Ok Ma! "

Kumain lang kami ni Mama sa isang kainan then nagpasya na kaming umuwi! Ayaw pa nga kaming isakay ng taxi dahil sa dami ng aming binili kung hindi lang binigyan ng malaking halaga ni Mama bilang bayad sa driver!

------------------------

An: ayan medyo mahaba narin! Haha pagpasensyahan na sa mga mali ko

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon