chapter 52: our first talk

286 3 0
                                    

Mia's pov

Nagsimula ng tumaas ang sinasakyan namin, dahan-dahan sa pag taas kabaliktaran naman ng tibok ng puso ko na parang nakikipagkarera

Paano ko kakausapin to. Bakit nahihiya ako sa kanya, baka maging awkward sya sakin sa buong ikot nito

Lumingon ako sa paligid, pilit na tinatanaw ang mga rides na hindi pa namin nasasakyan.

"Tignan mo yun, try natin dun mamaya"- nakangiti kong sabi kahit di ako nakaharap sa kanya

"saan?"-lumipat sya sa tabi ko at nagsimula na rin tanawin yung tinuturo ko

"uhmmm, a-ayun o-ohh p-parang maganda d-dun"- utol kong sabi ng makita ko syang lumingon sa akin

"sige mamaya, btw I'm Mark Angelo again"- ngiti nyang sabi sabay about ng kamay

"A-ah Mia"-maikli kong sagot

"kanina nyo lang din nakilala yung mga kasama nyo?"-tanong nya

"Yung mga kaibigan ko kasi hahaha, mga gusto kasi ng pogi e nadisappoint sila kanina sa dalawang lalake"- mahaba kong tugon naman sa kanya

"huh?"- naguguluhan nitong sagot

"I mean, nakilala lang nils yun habang bumibili ng pagkain"

"ah okay e bakit ikaw wala kang kasama?"- sagot ni mark

"lima lang kasi sila e hahaha"- naiilang kong sagot

"Ah so lahat sila single?"-tanong nya

"Oo maharot lang yang mga yan pero yung apat sa kanila di pa nagkakaboyfriend, yung isa naman nagkaboyfriend na pero matagal ng break"- sagot ko

"Ah, so ikaw lang taken sa kanila?"

"Ikaw ah"- pangaasar ko

"bakit?"- seryoso nyang tanong

Nailang ako kasi tinitigan nya ako sa mata

"Tignan mo oh nasa taas na tayo"- pagbabago ko ng topic

Tanaw na tanaw na namin ang taas

"lets take a picture"- yaya nya sakin

Pinagbigyan ko na baka ngayon lang nakakita ng maganda kaya gusto ng remembrance. After namin mag take ng pictures humarap ulit sya sakin

"thank you"- maikli nyang sabi

"thank you din, btw baka hinahanap ka na ng mga kasama mo"-pagaalala ko <oo nagaalala talaga ko sherep ne keye>

"ah wala naman akong kasama, magisa lang ako"- sagot nya

"oo haba kasing kwento e basta naisipan ko nalang pumunta dito"

"ah ganun ba, kami naman nagkayayasn lang magkakaibigan tagal na din kasi namin di nagkasama"- medyo malungkot kong sabi

"O malapit na tayo bumaba"- sabi nya

"gwapo ng angelong to"- bulong ko sa sarili

"ano yon?"-tanong nya

"wala sabi ko tara na"

Ngumiti lang sya at umiling saka bumaba na kami.

"Guys san nyo pa gusto?"- tanong ni vangie

Mukhang nagenjoy ang mga gaga. Yung iba di pa tapos sa pinaguusapan nila

"upo muna tayo, antayin nalang muna natin ang fireworks besides it's already 6:13 pm"- sagot ni andrea na habang nakahawak sa braso ng kasama nya

Ang haharot talaga ng mga to. Buti pa ako pa-mariang clara lang

Nakaupo lang kami sa bench nagaantay kami ng fireworks. Yung iba naman todo parin sa kwentuhan

"Alam mo ba madalas ako dito, lalo na pag gusto ko mapagisa"-paninimula ni Angelo

"Bakit naman?"-maikli kong sagot

Isang mapaklang ngiti ang rumihistro sa kanyang mukha

"Di ko alam kung dapat ko bang ikwento sayo to pero---"

"shhhhh kung di mo kaya i-share okay lang sakin. Pero kung gusto mo ng kausap nandito lang ako"- mahaba kong sagot

"talaga? So di pa dito tayo nagtatapos?"-nakangiti nyang sabi

"Oo naman, friends na tayo diba?"

"Yes sir"- nagsalute pa sya tapos tatawa-tawa

"Yan! Mas gwapo ka pag nakangiti"- nakangiti kong sagot

"Yan, Mas pogi ba?"- umayos pa sya saka mas ngumiti

Nagtawanan lang kami hanggang sa isa-isang magliparan ang magagandang fireworks, lumiwanag ang madilim na kalangitan

"Ang ganda"- mangha kong sabi

"Oo nga sobrang ganda"

Napalingon ako sa katabi ko at nahuli ko syang nakatingin sakin



------------

An: iiiiihhhhhh sana ako din. Looking for someone si author who wants to apply? Charot

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon