chapter 58: Cheer up

214 1 0
                                    

Mia's pov

Nakatulog na si Angelo sa dibdib ko, parang nakahiga na kaming dalawa sa pwesto namin. Buti nalang walang tao at baka kung ano pa isipin samin.

Pinagmamasdan ko lang sya habang mahimbing na natutulog. Gwapo parin kahit umiyak na, And to be honest mas napopogian ako sa lalaking umiiyak hahaha. Given na pogi naman talaga sya, the fact na kayang maglabas ng nararamdaman sayo ang isang lalaki mas nagiging manly sya sa paningin ko.

"goodmorning"- nakangiti nyang bati sakin

"papahapon na po 1 hr ka nang nakahiga sakin"

Napaunat sya at umayos ng upo

"hindi mo ko ginising? Sorry napasarap ng tulog hehe"- lakas makangiti ah parang di umiyak kanina

"e maiistorbo ka e hinayaan na kita"

"thank you"- nakangiti nyang sagot
"tara na baka hinahanap ka na ni tita"- dugtong pa nya

At may pa tita na din ang mokong na to!

Nangmakasakay kami sa kotse ay tinignan nya ako.

"o bat ganyan tingin mo"-tanong ko

Agad naman syang umiwas ng tingin at bumulong.

---------------------------------------

Angelo's pov

"I guess I found who Im looking for"- bulong ko ng tanggalin ko ang tingin ko sa kanya.

"may pabulong-bulong ka pa dyan baka mamaya minumura mo na ko"- mia

"mamahalin kita di kita mumurahin"- yan yung gustong lumabas sa bibig ko pero di ko magawa. Sobrang ikling panahon palang kaming nagkakasama at baka mabigla sya. Lumayo pa sya sakin, atleast ngayon malapit na ko sa kanya

------------------------------------------

Mia's pov

Katahimikan na naman ang nangibabaw samin habang byahe. Hanggang makarating ng gate ng subdi. namin.

"thank you"- pagpapasalamat nya ulit

"kanina ka pa nagpapasalamat, welcome na nga e"-sagot ko

"thankyou sa lahat, napagaan mo loob ko"- ulit nya

"basta feel free na kausapin ako pag may problema ka, friends naman na tayo diba?"- tanong ko

"talaga, nasa friends list mo na ko?"-tanong nyang parang bata

"oo nga"

Nakangiti naman sya habang nagmamaneho.

"Alam mo first time ko magkakaroon ng kaibigan dito. Kasi samin, palagi lang ako sa kwarto. Hindi kasi ako palakaibigan, sa school wala din akong kausap. Totally a dead kid"- mahaba nyang salita

"kaya I'm thankful na nakilala kita atleast may masasabihan na ko at masasandalan tho your boobies are flat"- papahina nyang salita

"akala mo di ko narinig yun?! Nagrereklamo ka pa?!! Di ka na makakasandal sakin!! Akala mo dyan"-sagot ko sabay irap. Lambingin mo ko dyan nagtatampo ako sayo.

"kidding aside, thankyou. Sana makasama kita ng kahit 9 months lang"- sagot nya

Napalingon naman ako sa kanya

"akala ko ba 10 months pa bago ka ikasal. At bakit aalis na ba kayo after mo ikasal?"-sagot ko

"Gusto mo talaga ako ikasal dun e no. Akala ko ba friends na tayo?"- tanong nya at nagpout pa. Nagpapacute e halikan kita dyan

"o sige na umuwi ka na, baka hinahanap ka na ng asawa mo hahaha"- pangaasar ko bago buksan ang pinto

"akala mo makakalabas ka?"- sagot nya sakin ng di ko mabuksan
"akala mo dyan hahaha anong ikakasal? Di kaya ako papayag"- pagsagot nya

"edi wag ka pumayag buhay mo naman yan. Katawan mo yan bahala ka nga dyan palabasin mo na ko"

"teka lang, gusto pa kita kasama"- pagseseryoso nya at yumakap sakin.

Nagulat naman ako at di nakakilos. Sumandal uli sya sa dibdib ko at pumikit.

"Sana lagi lang masaya"- sabi nya at nanahimik ulit

Ilang minuto din kaming ganun ng maramdaman kong basa ang damit ko.

.
.
.

Umiiyak na naman si Angelo

.
.
.

Dirediretso lang sa pagtulo ang luha nya.

"uy wag ka na umiyak nandito naman ako e"- pagpapatahan ko sa kanya

Di parin sya tumigil at pilit na isinubsob ang mukha nya sa dibdib ko.

"please 5 mins pa"- maikli nyang sagot

Hinayaan ko na lang sya at hinaplos-haplos ang likod nya. Naaawa ako sa kalagayan nya, kung ako yun baka di ko kayanin. Nakakastress na malaman mo na ikakasal ka sa taong di mo naman gusto.

Nagtagal pa ng 10...15....20 mins bago sya umayos ng upo

"thank you"- nanginginig ang boses nya na parang basag

Pinunasan ko ang luha sa mukha nya at sinabi

"Nandito lang ako, text me anytime. Kung kailangan mo ng kaibigan nandito lang ako"-pagpapatahan ko sa kanya

Nakangiti lang sya

"o sya bababa na ko, magiingat sa paguwi ah. Dahan-dahan lang sa pagdadrive baka mapano ka sa daan"- dugtong ko pa

"okay boss, thank you"

"magingat ah, umayos ka pitikin ko yang noo mo pag naaksidente ka dyan"

Bahagya naman syang napangiti sa sinabi ko at tuluyan na akong bumaba.

"magingat!"-ulit ko

"yes boss!! I will"- nakangiti nyang sagot " I will asgdjdkflfihsk***---"

Ulit nya pero di ko na naintindihan dahil umandar na ang sasakyan nya. Tinanaw ko na lamang sya hanggang mawala sya sa paningin ko.

Chinat ko sya pagpasok ko sa loob ng bahay [magingat]

Pasado alas 6 na ng hapon ng magreply sya

[nakauwi na po ako, thank you for everything :)]

----------------------------------

An: cheeeeeeeesssssssssssyyyyyyyyy

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon