Dedicated to: chaddy1519 !!! Hehe salamat! Yan di ako tokis haha fcfc ako hwehwe
Enjoy!!!!......
Hindi parin ako lumalabas ng kwarto simula kanina dahil iniisip ko yung lagay ng stepmother ko! Nagtatalo kasi ang isip at ang puso ko!
Minsan iniisip ko, kung umuwi nalang ako sa amin at tanggapin ko nalang sa sarili ko na ampon lang talaga ako ni mama! Sya naman ang tumayong magulang sa akin, tinanggap nya ako ng buong-buo, at minahal nya ako ng parang isang tunay na anak! Siguro kailangan kong palitan yung mga ginawa nya sa akin! Kailangan kong iparamdam sa kanya na may anak parin sya! Kailangan ko rin ibalik yung pag-aaruga nya sa akin!
Ito na rin siguro ang pagkakataon para makabawi ako sa kanya at maalagaan ko sya katulad ng pag-aalaga nya sa akin!
Namimis ko narin kasi si Mama ilang linggo narin akong wala sa bahay! Nung nakita ko rin kasi si Mama kahapon ay napansin ko yung pangangayayat nya! Hindi narin siguro sya naglilinis ng kwarto dahil sa kalat nito!
Kailangan ko syang puntahan dahil nangangailangan sya ng masasandalan na anak!
Agad akong tumayo at nagsimulang mag-impake! Kailangan ko ng umuwi sa aming bahay at alagaan ang kinalakihan kong ina!
Kinuha ko yung dalawang maleta sa gilid at isinilid ko dito ang mga pinamiling damit namin ni Andrea! Nung dumating kasi ako dito wala ako halos gamit kaya sinamahan ako ni Andrea sa mall! Tumatanggi pa nga ako dahil nahihiya pa ako sa kanya! Pero alam mo na hindi magpapatalo yun kaya sya ang nasunod!!
Pagkatapos ko itong ayusin ay dumiretso na ako sa cr upang maglinis ng katawan! Nagtagal din ako ng ilang 30 minuto bago ako makalabas! Nang matapos ako sa kaartehan ko ay agad na akong lumabas sa bahay nila Andrea at humanap ng taxi
*
Nasa tapat ako ng aking kinalakihan tirahan! Lugar kung saan masasayang ala-ala ng aking mahal na papa at minamahal na ina!
Pumasok ako sa loob dahil naiwan naman itong bukas! Iniwan ko sa sala ang mga gamit ko! Ang laki na talaga ng pinagbago simula ng umalis ako dito! Bakas dito ngayon ang kalungkutan! Maraming gamit na ang napalitan, maaliwalas parin naman dahil siguro narin sa pag-aalaga ng mga katulong dito!
Nakita ko si yaya Angie, sya yung yaya ko na lagi kong kasama! Palapit ito sa akin habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga mata! Tumakbo ako palapit sa kanya at saka sya niyakap!
"Oh my god Mia! "- nangingiyak-ngiyak ito, sobrang higpit ng yakap ni yaya sa akin pero hinayaan ko na
" Yaya, nasaan si Mama? " - tinuro ni Yaya kung nasaan si Mama at saka na ito nagpaalam! Umiiyak parin si yaya nung umalis, Ako naman pinipigilan ko!
Dumiretso lang ako sa likod ng bahay, nasa swimming pool daw si Mama! Nanginginig akong lumapit kay mama ng matanaw ko syang nakayuko ...
"Ma! "
Napalingon ito sa kinatatayuan ko kaya natigil ako sa pagkilos! Tumayo si mama at lumapit na lumuluha!
"Anak..."- niyakap ko si mama at sabay na kaming humagulgol! Hinayaan ko lang na lumabas ang masaganang mga luha ko sa aking mata
"Ma, sorry po! Mahal na mahal po kita! "
" Anak ko, huwag mo na ako ulit iiwan ah! Dito ka nalang! "
"Opo Ma, pangako! "
----------------------------
An: as i promise! :) hahahaha
BINABASA MO ANG
Sex Obsession
AcakWhat if one day, you have sick? Sick about sex? At mabansagan kang QUEEN OF "ONS" (one night stand) Is it for real? You'll encounter bad word and BS /so dont read if you're not open minded/ It's your choice , i-add mo o di mo i-add ok lang :) Reme...
