chapter 12:family

4.5K 40 0
                                    



Hindi ko inaakala na sa loob ng isang buwan sunod-sunod ang mga taong mahal ko na mawawala sa akin,  hindi ko inaasahan na ganun kasaklap ang mangyayari sa pamilya ko

Nakadungaw lang ako sa lugar kung saan nakaburol ang lalaking sumagip sa aking buhay, lalaking minahal ako ng sobra

Hindi kasi ako makalapit sa kanya dahil galit na galit sa akin ang Mama ni Kenneth, hindi ko naman pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko...

Lumayas narin ako sa aming bahay, nakikituloy nalang ako sa bestfriend ko... Wala narin naman akong babalikan doon dahil wala naman na akong pamilya! 

Galit ako sa sarili ko dahil sa nangyari!  Kung alam ko lang na ganito yung mangyayari,  sana hindi nalang ako bumaba ng bahay!  Sana hindi nalang ako nagpumilit kay mama!  Sana hindi ko nalaman!  Sana hindi napahamak si Kenneth!  Sana...  Hindi ko na kinaya kaya masagana nang nagsitulo ang mga luha ko na kanina pa nagbabadyang lumabas...

Naaalala ko kung paano ko awayin si Kenneth!  Kung paano ko sya ipagtabuyan!  Ipamukha sa kanya na wala syang pag-asa!

"WALA KANG KWENTA MIA!" wala akong ibang magawa kung hindi saktan ang sarili ko!  Ang sama sama kong tao, ako ang may kasalanan ng lahat ng ito eh!!!!  Ang sakit sakit na makita mo yung taong nagsagip sayo na wala ng buhay, wala man lang akong magawa para makabawi sa kanya! Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa mga ginawa nya!

Sorry Kenneth kung lagi kitang nasasaktannapapa-iyak! Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayoSalamat dahil hanggang sa huli napatunayan mong mahalaga ako sayo! Na mahal mo ako! Sorry sa lahat lahat!!!

Naglakad na ako palayo , hindi ko na kaya dahil masyado na akong nagiging emosyonal!  Hindi narin siguro ako makakapunta sa libing ni Kenneth dahil galit sa akin ang Mama nya! 

Dumiretso ako sa kotse ko at pinaandar na yon pabalik sa tinutuluyan ko!  Kinuha ko yung kotse ko dahil ito ay ala ala ng mahal kong Papa na ineregalo sa akin noong akoy 15 taong gulang palang,  hindi ko sya magamit dahil hindi pa ako noon marunong at wala pa akong lisensya!

Wala akong ibang maisip kundi ang mga ala ala ni Kenneth sa akin!  Minadali ko nalang ang aking byahe pabalik sa bahay nila Andrea....

Sana wala sya at baka makita na naman nya akong umiiyak!  Last time kasi nung nakita nya akong umiiyak nabeastmode sya at gusto na nyang sugurin yung Mama ni Kenneth!  Buti nalang at napigilan ko!  Syempre hindi lang ako 5 kami!  Kinulong nalang namin sya sa kwarto dahil ayaw nya mag-paawat...

Huminto muna ako sa tapat ng gate nila Andrea upang magpunas ng luha!  Grabe kasi talaga yung babae na yun!

Bumukas yung pinto at dumiretso ako sa loob ng bahay nila! Pagbaba na pagbaba ko palang sa kotse ko, naglakad na agad ako papuntang kwarto na ibinigay ni Andrea sa akin! 

Masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad ni Andrea,  na handang tumulong sa akin,  ipagtanggol,  at samahan sa mga problema at kaartehan ko sa buhay!

Paakyat palang ako ng hagdan ng mapansin kong may taong nakapamewang sa gilid ko!  Shit, patay ako nito!!!

"Hep hep hep! "

" Ah, aakyat muna ako, Magpapalit lang ako ng damit"

Nakangiti lang ako kay Andrea at nagmadaling umakyat sa kwarto ko, ni-lock ko yung pinto at agad na dumiretso sa kama

Lagot ako mamaya, mag-aantay yun sa baba!  Bahala sya sa buhay nya!  Matutulog nalang ako!  Bwahahahahaha

---------------

AN: please wag na kayong mag-comment ng pagpuna sa story nakakawala talaga ng gana eh!

Sex ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon